Chapter 65

1K 38 0
                                    

Sue's Pov


Tulad ng nakaugalian sabay sabay kaming apat na magkakaibigan na kumain ng lunch. Hindi ko lang talaga inaasahan na lalapitan kami ni Bryan na kasama pa si Harry.


"Kung gusto mong sabayan sa pagkain si Myca umupo ka pero ikaw lang" sabi ni Lorraine na tumayo at lumipat sa tabi ko bitbit ang mga pagkain niya



"Mga bakla huwag niyo namang takutin baby ko" mahinang sabi ni Myca samin



"Baby mo? Babytawan ka lang niyan, tsaka di namin siya tinatakot pinapaupo pa nga namin sa tabi mo kaya lumipat ako" sagot ni Lorraine kay Myca mahinang kinurot ko naman siya sa tagiliran



"Babe lipat nalang tayo ng upuan" sabi naman nung Bryan



"Hindi mo man lang ipapakilala sarili mo samin at basta mo nalang kukunin kaibigan namin?" Sabi naman ni Claire na binitawan ang hawak na kubyertos



"Kilala niyo naman kung sino ako diba?" Nakangising sagot naman samin ni Bryan



"Oopps! Hindi kita kilala" taas kamay na sagot ko naman



"Sue huwag kang mangealam dito" sabi naman ni Harry na biglang sumabat



"Huh? Huwag ka ngang sumabat dito hindi ka kasali. Sino kaba?" Mataray na sagot ko naman kay Harry


"Uy tama na huwag kayong mag away" awat naman ni Myca saming lahat



"Hindi kami nakikipag away sa boyfriend mo at sa kaibigan niya. Ang bastos lang kasi niyang boyfriend mo na basta ka nalang kukunin dito sa table namin na hindi humihingi ng permiso samin o kahit man lang sana nagpakilala na boyfriend mo siya. Sinama pa niya ang ube halaya niyang kaibigan na may lakas loob na magpakita pa satin lalo na kay Sue matapos niyang sabihan ng kung ano ano kahapon" inis na napatayong sabi ni Lorraine tsaka matalim na tumingin sa dalawang lalaki



"Kababae mong tao ang tapang mo" sabi naman nung Bryan



"Nandito ako para makausap si Sue at mag sorry sa kanya" sabi naman ni Harry



"Kailangan ba lalaki lang matapang? At ikaw naman Harry kung may hiya kapang natitira sa mukha mong kulay ube sana ginamit mo ang utak munggo mo na sing liit ng titi mo na nabubulok na bigyan ng space kaibigan namin dahil hindi biro ang sinabi mo sa kanya." Mariin na sabi ni Lorraine habang nakataas kilay



"Tanginamo kang babae ka!" Malakas na sabi ni Harry at akmang sasaktan pa si Lorraine kaya maagap akong yumakap sa kaibigan ko



"Pre ang babae hindi sinasaktan ginagawa mo lang katawa tawa sarili mo" sabi ng kung sino sa tabi ko.


Minulat ko naman ang mata ko at nakita si Joaquin sa tabi ko habang hawak naman ni Cent ang kamay ni Harry at matalim na tinititigan



"Cent" mahinang bigkas ko. Pabalyang binitawan naman ni Cent ang kamay ni Harry


"Huwag na huwag mong lalapitan ulit si Sue" may pambabantang sambit ni Cent kay Harry



"Captain pasensya na sa inasal ni Harry sumobra lang kasi ang pananalita nitong babaeng to" sabat naman ni Bryan



"Sasaktan mo'ko? Sige gawin mo! Para naman malaman ng buong campus na jutay ka!" Hamon pa ni Lorraine na lumapit pa talaga kay Harry at inoffer ang mukha



"Bakla dito ka nga baka jombagin ka nga ng baklang yan" hila naman ni Claire kay Lorraine



"Umalis na kayo para walang gulo" sabi naman ni Cent kay Bryan.



"Sige Capatain" sagot ni Bryan "Babe magkita nalang tayo mamaya" paalam pa nito kay Myca. Tumango lang si Myca pero halata sa mukha niya ang pag aalala.



Umalis nalang sina Bryan at Harry pero halata naman na galit si Harry dahil sinipa pa nito ang nadaanan na upuan.



"Buti nalang dumating kayo kung hindi sigurado nasaktan mga kaibigan ko" sabi naman ni Claire



"Pasensya na kayo ha?" Naiiyak na sabi naman ni Myca


"Ano kaba wala kang kasalanan. Makapal lang talaga mukha ng Harry na yon! Akala ko pa naman mabait siya, botong boto pa naman ako dati sa kanya" sabi pa ni Claire


"Demonyo siya hindi bagay ang mala anghel na mukha niya sa kanya. Minsan naging crush ko siya pero ngayon sising sisi ako kung bakit ko nagustuhan dati ang animal na yan!" Sabi naman ni Lorraine



"Hayaan niyo kakausapin ko si Bryan na huwag na siyang lumapit don kay Harry" sabi naman ni Myca


"Bayaan mong gawin ang gusto ng boyfriend mo, huwag mo siyang pangunahan alam naman niya ang tama at mali. Tsaka baka maging ugat pa ng pag aaway niyo kaya hayaan mo siya" sagot ni Claire kay Myca


"Pero nakakainis din boyfriend mo huh! Napaka walang modo. Turuan mo siyang bumili ng respeto" sabi naman ni Lorraine



"Sorry na, alam ko naman mali talaga siya" sabi ni Myca na yumakap pa kay Lorraine



"Ituloy niyo na kaya pagkain niyo ng maka kain na din kami" sabi naman ni Joaquin na kasali din sa basketball team ng university namin


"Mabuti pa nga dito nalang kayo umupo" alok ni Claire sa dalawa



"Nasa kabilang table pagkain namin ni Kuya lilipat nalang kami" sagot ni Joaquin



"Magkapatid kayo?" Sabay sabay pang tanong ng tatlong kaibigan ko



"Hindi hindi. Nakasanayan lang namin magtawagan ng kuya" paliwanag ni Joaquin. Nagkatinginan naman kami ni Cent at umiwas din ako. Hindi naman ako madaldal kaya hindi ko ipagkakalat yung sikreto nila. Ang tanong secret nga ba?



Magkakatabing umupo kaming magkakaibigan at sa tapat ko naman umupo si Cent. Tulad ng napag desisyunan ko kagabi iiwas na ako sa kanya hanggat maari.

************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now