Chapter 88

866 34 1
                                    

Sue's Pov

"Waaah! Mga bebe ko anong ginawa niyo sa bahay?!" Sigaw ko ng buksan ko ang pinto ng unit ko at nakita ang mga kalat na ginawa nila. Nasa bibig pa ni Percy ang isang fluffy sleepers ko at gulagulanit naman yung isa.

"Pft" pigil tawa ni Cent na nasa likuran ko

"Tumatawa kapa diyan" nakangusong sabi ko tsaka binaba sa sala ang mga pinamili namin. Tumingin ako sa sofa at nakita doon ang charger ng phone ko na putol putol na mga wires. Tumingin ako sa buong sala at bumuntong hininga nalang sa mga isla na ginawa nila.

"Tutulungan nalang kitang maglinis" sabi ni Cent na kinuha sa bibig ni Percy yung isang tsinelas ko na hanggang ngayon ay pinanggigigilan niya.

"Hinsi sige kaya ko na dito. Bumalik kana sa unit mo ng makapag pahinga ka" sagot ko sa kanya habang unti unti ng nagliligpit

"Magluto ka nalang ng dinner natin ako na bahala dito" sabi pa niya at halos itulak ako papunta sa kusina

"Pero"

"Walang pero pero makinig ka nalang sakin" sabi pa niya na tinulungan pa akong maghugas ng kamay. Napangiti nalang ako. Ang swerte ko dumating ang isang tulad niya sa buhay ko.

"Oo na po. Anong gusto mo pong iluto ko senyorito?" Tanong ko sa kanya matapos magpunas ng kamay naming dalawa.

"Kahit ano kinakain ko bossing" sagot niya sakin tapos pinisil ang pisngi ko tsaka ngumiti

"Pakainin kitang dog food gusto mo?" Hirap na sabi ko tsaka tinanggal kamay niya sa pisngi ko

"Basta ba sasabayan mo ako sa pagkain ng dog food bakit hindi?" Sagot naman nito sakin na ikina ngiwi ko

"Yuck ka. Palibhasa aso ka talaga" sabi ko tsaka nag roll eyes

"Gusto mong kagatin kita?" Tumatawang sabi nito na ikinalayo ko sa kanya

"Heto nga senyorito magluluto na ako ng masarap na bistek" sabi ko habang lumalayo sa kanya pero naka ngiti parin

"Anong tawag mo sakin? Senyorito? Parang na uulol ako at gusto kong mangagat" sabi pa niya habang palapit sakin

"Senyorito? Nasa bahay niyo ba ikaw? Wala akong narinig na senyorito" sabi ko hanggang sa makarating sa may sala

"Wala ba? Pero parang narinig kong tinawag mokong senyorito?" Sabi nito na nakakunot pa ang noo at nakataas ang isang kilay

"Hindi ah! Ang sabi ko Babe. Ipagluluto na kita ng masarap ma bistek babe" mariin na sabi ko sa salitang babe na naka ngiti tsaka inirapan siya. Tumawa naman siya habang ako naman ay nagbalik na sa kusina.

Napapailing na napapangiti nalang ako habang inihahanda lulutuin ko. Sumulyap naman ako sa sala kung saan seryosong naglilinis si Cent. Napatingin din siya sa pwesto ko at nagka banggan ng tingin. Ngumiti siya sakin at kinindatan pa ako. Umiwas nalang ako ng tingin at pasimpleng ngumiti.

****************

New Face (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ