Chapter 51

1.2K 36 2
                                    

Sue's Pov


"Bakit bawas yung beer sa ref mo?" Tanong ko habang kumakain kami ng lunch


"Ininom ko, bawal bang mabawas yon?" Sagot nito sakin na hindi man lang magawang tumingin sakin.


"Kaya nga binili yon para inumin diba? Ang kaso lang hindi ko nakitang uminom ka kagabi dahil nandito ka kagabi diba? So ibig sabihin inalmusal mo yung alak?" Sabi ko na binitawan ang mga kubyertos na hawak ko


"Nope! Nag tinapay ako and yung soya milk" walang pakeng sagot nito sakin at maganang kumakain



"So nasaan yung dalawang can beer? Binaon mo sa practice niyo? Feeling mo energy drink yon ganon?" Mataray na sabi ko.



"Teka akin yon diba? Ibig sabihin kahit anong gawin ko don ayos lang" tumingin siya sakin na parang pinipigilan ang pag ngiti hanggang sa hindi na yata niya kinaya kaya yumuko siya at doon malapad na ngumiti.


Tumalon talon na naman ang puso ko dahil sa pagngiti niya. Gwapo siya kahit may pagka abnormal siya pero mas gwapo siya kapag ngumingiti. Nagkatinginan kaming dalawa at una akong umiwas ng tingin. Uminom ako ng tubig bago ulit tumingin sa kanya. Hindi naman siguro niya napansin na tinititigan ko siya kanina diba?.


"Alam kong sayo yon okay? Hindi ko naman inaangkin yon ang akin lang ay concern ako sa health mo. Bakit ba hirap na hirap kang sagutin ng maayos ang tanong ko? Tinatanong ko lang naman kung nasaan yung beer diba?" Pilit kong paintindi sa kanya



"Pwede mo naman kasing angkinin kung gusto mo" mahinang sagot nito. Kapal talaga ng mukha mas inasikaso pa pagkain kaysa sa inis ko sa kanya


"Anong pwedeng angkinin? Ewan ko sayo bahala kana nga. Konti nalang sasamain kana talaga sakin eh. Nakakabaliw kang kausap" sabi ko sa kanya at kumain na.


"Dagdagan mo nga kanin mo mukha ka ng toothpick sa kapayatan" sabi nito


"Kung mukha akong toothpick ikaw mukhang poste ng meralco" sagot ko sa kanya



"Okay lang gwapo naman" sagot nito sakin na ikinaubo ko


"Ano?! Hahaha! Ang kapal ng mukha mo grabe ka! Hahaha" hindi mapigilan na sabi ko habang hindi mapigilan ang pagtawa



"Totoo naman ah" buhat pa nito sa sariling bangko



"Grabe ka bossing nahiya encyclopedia sa kapal ng mukha mo" tumatawa paring sabi ko "grabe nawalan ako ng ganang kumain sayo" sambit ko pa tsaka ulit tumawa



"Umamin kana, gwapong gwapo ka nga sakin eh" sabi pa niya


"Uy hindi ah! Kapal nito". Tanggi ko


"Oo na hindi na ako gwapo kumain kana" sabi nito tsaka nilagyan ng sandamakmak na kanin ang plato ko


"Ang dami naman hindi ko mauubos to sayang" sabi ko habang nakatingin sa plato ko



"Ako ang kakain sa tira mo" sabi nito na ikinatawa ko


"Ano ka aso?" Tumatawang sabi ko



"Oo aso ako at nagpipigil lang kagatin ka. Para kang isang malaking buto na nagkaroon ng mukha" sabi nito na diretyong nakatingin sakin


"Ganon? Kaya pala mukha kang askal na galisin dahil aso ka pala talaga" sagot ko tsaka inirapan siya


Tapos ng kumain si Cent pero nakaupo parin siya mesa katapat ko. Ayoko siyang tignan kasi mukhang inip na inip na siya kakaantay matapos lang ako. Dahil yata nasanay na bituka ko na konting nakakain ay hindi ko na kayang sumubo pa ng pagkain na nasa plato ko. Kagat labing binaba ko mga kubyertos ko at nahihiyang tinignan si Cent.


Halos malaglag naman panga ko ng makita ko siyang ngiting ngiti sakin na labas ang pantay pantay at mapuputi niyang ngipin. Parang may nakabalot pa ngang liwanag sa kanya habang nakangiti at nakatingin sakin.


"Hindi mo na kaya? Akin na" sabi nito na tumayo at inabot ang plato ko




"Uy! Huwag bayaan mo na tira ko nalang yan eh" sabi ko na aagawin sana ang plato sa kanya



"Eh ano ngayon kung tira mo? Sayang to. Tsaka pinagdarasal ko talagang hindi mo maubos dahil nabitin ako" sagot niya sakin


"Ha? Nabitin kapa? Nasimot mo na kaya yung laman ng rice cooker" sabi ko dito.



Hindi siya sumagot at sinimulan niyang kainin ang tira ko. Nanlaki mga mata ko ng hindi niya pinalitan yung kubyertos na ginamit ko. Hindi ba niya alam ang indirect kiss o sadyang patay gutom lang siya?

*************

New Face (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora