Chapter 25

1.4K 35 0
                                    

Sue's Pov

Nine days na simula ng mag diet ako at nagugustuhan ko kinalalabasan non. Tinitiis ko din ang sarili ko sa mga pagkain ni unni dahil nangako siya sakin na sampung araw ko lang kakainin mga pagkain niya after 10 days ay pwede na akong kumain ng foods na niluluto ni Mama. Ibig sabihin hanggang bukas nalang pagtitiis ko.



From 218lbs ay eksaktong 200 nalang ako ngayon. Para sakin malaking achievement na yon kaya mas pinursige ko sarili ko sa pag exercise dahil malaki talaga naitutulong niya sakin. Everyday ay dinadagdagan ni unni ang oras ng pagtakbo namin sa park, dinadagdagan din niya oras ko sa gym. Palala ng palala pinapagawa niya na halos gusto ko ng sumuko pero napapaisip din ako na para sakin din naman yon at tinutulungan niya lang ako.




Mula madaling araw gising na ako para sa morning exercise namin ni unni at matatapos lang kami ng mga alas nuebe. Pagsapit naman ng alas diyes ay pag pag aaral ko naman inaatupag ko, lunch break lang pahinga tapos aral ulit hanggang alas dos. Mula alas dos ng hapon nasa gym naman kami ni unni at matatapos lang kapag alas kwatro y medya na. Ala singko naman dating ng nagtuturo sakin ng korean language at matatapos kami ng ala sais at minsan umaabot pa kami ng alas sais y medya. Alas syete naman ay hapunan na namin. Bale wala pala talaga akong oras sa sarili ko. Dahil pagkatapos lahat ng mga ginawa ko sa buong araw ay diretyo tulog na ako.



"Sue may good news ako" tuwang tuwang sabi ni Mama na halos tumakbo na sa pagbaba sa mataas na hagdan



"Dahan dahan baka mahulog ka" sabi kong nag aalala kaya lumapit na ako sa kanya at hinintay siya sa ibaba ng hagdanan



"Na approved na adoption paper mo anak isa ka ng ganap na Choi" tuwang tuwang sabi ni Mama tsaka niya ako niyakap



Yumakap ako pabalik kay Mama, masaya ako dahil masaya si Mama pero may isang parte ng puso ko ang malungkot dahil kay Papa. Nakangiti akong humiwalay ng yakap kay Mama nakikita ko sa mga mata niya ang pagningning ng mga ito. Tinignan ko rin ang kabuuan na itsura niya, ang layo na niya sa dating itsura niya. Sino mag aakalang dating naglalako lang siya ng kamote at banana cue sa lugar namin, ngayon hindi mo na mababakas sa mukha niya na isa lang siyang dating eskwater.



Marami rin nagbago sakin simula ng dumating kami dito sa Korea at dahil yon sa tulong ni Ahjussi. Kung noong una ay alangan ako sa kanya ngayon ay masasabi kong mabuting tao siya. Hindi ako tinuring na iba ni Ahjussi lahat ng kailangan ko binibigay niya, at kahit hindi ko nga kailangan binibigay niya. Lagi rin siyang may uwing regalo sakin kahit wala namang okasyon. Sasabihin niya agad na dumaan kasi siya sa isang store at naisip niya kami ni Mama kaya binilhan kami.



Fifty two years old na si Ahjussi, divorced sila ng una niyang asawa at mayroon siyang isang anak na lalaki. Nakilala ko na rin si Kuya Jae Jin pati na ang asawa niyang si Ate Choon Hee nung minsan dumalaw sila dito sa bahay. Katulad ni Ahjussi mabait din si Kuya medyo ilag lang ako kay Ate dahil iba siya kung makatingin pero mabait din naman siya. May dalawang anak na din sila sina Hei Ryung at Hei Ran kapwa babae na may edad na 7 at 4 sobrang cute nila at ang bibibo.





"Kailangan nating mag celebrate! Kumain tayo sa labas" natigil ako sa pag iisip ng marinig ko ulit ang boses ni Mama




"Huwag na iinggitin niyo lang ako, alam niyo naman na diet ako" malungkot na sabi ko




"Oo nga no? Ahh basta! Gagawa ako ng paraan para makapag celebrate tayo" sabi ni Mama na nagmamadaling umakyat naman ngayon.




Para siyang ewan. Umiling iling nalang ako na nakangiti habang tinitignan ang likuran ni Mama.

*********

New Face (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora