Chapter 60

1K 31 0
                                    

Sue's Pov



"Huwag kang aalis, diyan ka lang maliligo lang ako" bilin ko kay Cent na hinatid pa siya sa loob ng unit niya at ginamot ang sugat sa gilid ng labi niya



"Oo nga sige na" sagot niya sakin. Binigyan ko pa siya ng nakakamatay na tingin bago tuluyang umalis.



Mabilis lang akong naligo dahil iniisip ko na baka umalis si Cent at pumunta dun Hill na sinabi niya kanina kay Harry. Simpleng t-shirt at maong short lang sinuot ko at lumabas na ulit sa unit ko para pumunta sa unit ni Cent para bantayan siya.




Ilang beses na akong nag door bell pero hindi parin binubuksan ni Cent ang pintuan niya. Kinabahan ako kaya naisipan kong buksan nalang pinto niya tutal ay alam ko naman ang passcode nito.



Pagpasok ko sa unit ni Cent ay agad ko siyang tinawag. Kumatok pa ako sa pintuan ng kwarto niya bago ko yon binuksan pero wala ni anino niya. Kumatok din ako sa banyo at binuksan yon pero wala talaga siya. Napaupo nalang ako sa sobrang kaba dahil baka pumunta siya sa tagpuan nila ni Harry.


Ala sais diyes na ng mapatingin ako sa wall clock na nakasabit bago lumabas sa bahay ni Cent. Mabilis akong naglakad papunta sa parking lot at pumara ng taxi at tinanong kung alam niya yung lugar na Hill. Sumagot naman si Manong Driver ng oo kaya sinabi ko na bilisan niya.



Hindi ko alam kung saan yung Hill at wala akong ideya kung anong itsura ng lugar na iyon. Sampung minuto din siguro nagmaneho ang taxi driver bago ito huminto sa isang bar na may pangalan na Hill. Mabilis akong nagbayad at bumaba sa taxi at pumasok sa madilim na bar na naroon.


Madilim, maingay, sari saring amoy din naroon partikular na ang amoy ng alak at sigarilyo. May mga couples din na walang pake kung may makakita sa kanila at naglalaplapan. Hindi mapalagay mga mata ko sa kakahanap kay Cent hanggang sa nakarating ako sa 2nd floor kung saan may mga nagsasayawan.



"Sue?" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita si Darryl na may hawak na dalawang bote ng alak




"Alam mo ba kung nasaan si Cent?" Malakas na tanong ko dahil maingay yung paligid namin



"Nasa 3rd floor sila naglalaro" sabi nito sa tenga ko



"Pwede mo ba akong samahan?" Malakas ulit na sabi ko



"Sure! Dun din naman punta ko" sagot niya ulit sakin na tinapat ulit ang bibig sa tenga ko



Pag akyat namin sa 3rd floor ay agad kong nakita ang maraming billard tables. Maraming mga tao ang naglalaro bawat mesa pero napako ang mga mata ko sa isang mesa kung saan naroon si Cent at naglalaro.



"Cent!" Sigaw ko. Wala akong pake kung tignan ako ng mga tao. Mukha naman nagulat si Cent ng makita ako at nilapitan ako.



"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pwede dito" sabi ni Cent pagkalapit niya sakin at hinawakan ako sa braso




"Anong nangyari sa mukha mo?" Nag aalalang tanong ko dahil may pasa at namamaga ito


"Wala to umuwi kana" sagot lang niya sakin tsaka tumingin sa pinanggalingan niya



"Sinabi ko sayo huwag kang aalis diba? Ang tigas din ng ulo mo eh" sermon ko sa kanya



"Huwaw naman ang ganda ng chics natin ah patikim naman ako" sabi ng isang lalaki na lumapit samin at mukhang adik



"Ang kinis boss wala ni isang guhit" sabi naman nung isa na kasama nung mukhang adik. Sabagay, pareho silang mukhang adik.



"Huwag niyo siyang gagalawin" matigas na sabi ni Cent na ikinatawa ng dalawa



"Boss akin yan" sabi naman ng bagong dating na si Harry na may hawak na taco



"Heto ba yung babaeng pinag aawayan niyo?" Turo pa sakin nung tinawag nilang boss



"Cent umuwi na tayo tara na" sabi ko at nagtangkang hilain siya kaso ang hinila niya at dinala sa likod niya



"Ihahatid ko lang siya sa labas babalik ako" malumanay na paalam ni Cent dun sa tinawag nilang boss



"Hindi naman pwede yan, bayaan mong mag enjoy munang manood si Ms.Beautiful" sabi pa nung boss



"Oo nga naman captain para makita ni Sue kung paano kita lampasuhin" nakangising sabi naman ni Harry



"Puro ka yabang. Tignan mo nga itsura niyong dalawa kung sino nalampaso sa inyo" taas kilay na sabi ko tsaka siya tinignan ng masama.



"Naagaw ka naba talaga niya sakin Sue? Sinabi ko naman sayo na mahal kita diba?! Kung sasabihin mong mahal mo din ako hahayaan kong makaalis ng buhay dito si Captain" sabi nito



"Ayaw niya nga sayo kaya binasted ka. Huwag mo nga akong gamitin para sa kabaliwan mo, at kung meron man satin uuwi dito na nag aagaw buhay siguradong hindi ako yon" sabi naman ni Cent



"Tama na ang daldal para kayong babaeng putak ng putak! Balik na don!" Utos nung boss.


Tumingin sakin si Cent at sinabing sumunod sa kanya at huwag aalis sa likuran niya. Sumunod naman ako dahil kinabahan at natakot din ako sa itsura ng mga tao sa paligid ko.

************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now