Chapter 96

881 32 1
                                    

Sue's Pov

"Gusto kitang samahan mamasyal kaso may pasok pa ako" malungkot na sabi ko kay Hyun Woo habang hinihimas si Gidget

"Gwaenchanha (it's okay)  makikipaglaro nalang ako sa mga aso gusto ko din magpahinga" sagot nito sakin

"Kung sakali gusto mong pumasyal huwag mo nalang kakalimutan phone mo para matawagan mo'ko kung sakali may mangyari" payo ko dito

"Kung lalabas man ako sa convenient store lang ako pupunta o kaya sa mall. Geongjeongma, naega babo gateun jishaji anheulgeoya" (huwag kang mag alala hindi ako gagawa ng katangahan) sagot pa nito sakin

Nginitian ko nalang siya at nag paalam. Nagpaalam din ako kina Percy at Gidget at ganon din si Cent.

"Okay lang ba kaya talaga si Hyun Woo sa unit mo?" Concern na tanong ni Cent sakin habang magkahawak kamay kaming naglalakad.

"Siguro? Ewan ko. Sino ba gusto mag stay sa bahay sa araw ng bakasyon at out of the country pa?" Sagot ko sa kanya

"Kung mag absent kaya tayo bago siya bumalik ng Korea para mapasyal namwan natin siya" suhestiyon nito. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Yan din balak ko eh" sabi ko sa kanya tsaka kami sumakay sa kakabukas lang na elevator.

*********

"Mabuti nandito na kayo!" Tarantang sabi ni Claire habang kunot noong nagkatinginan naman kami ni Cent

"Huwag ka muna kayang pumasok?" Alalang sabi din ni Myca

"Bakit ano bang nangyari?" Naguguluhang tanong ko

"Bakla nagkalat mga to oh!" Pakita naman sakin ni Lorraine sa isang bond paper na may picture ko noon at picture ko ngayon. Nanginig ang kalamnan ko at muntik natumba mabuti nalang inalalayan ako ni Cent.

"S-saan galing yan? P-paano nila nalaman?" Nabulol na tanong ko

"Babe ayos ka lang?" Tanong ni Cent sakin habang akay ako "may tubig kayo?" Tanong pa niya sa mga kaibigan ko. May nang abot naman sa kanya ng mineral water at pinainom niya ako "umupo muna tayo, kaya mo bang maglakad?" Alalang tanong pa niya sakin

"Buhatin mo nalang siya" dinig kong sabi ni Myca

"Ayos lang ako kaya kong maglakad" sabi ko na pilit tumayo ng maayos pero namginginginig parin.

"Bubuhatin nalang kita" sabi ni Cent. Tatanggi sana ako pero nabuhat na niya ako. Nakita ko pang pagtitinginan ng mga nadaang estudyante at pagbubulungan nila.

"Girl mas mabuti siguro kung umuwi ka nalang muna, malay natin bukas tumahimik na o kaya mabawasan mga issue sayo" payo ni Claire

"Hindi pwede kailangan kong pumasok, aabsent ako sa ibang araw pero hindi ngayon" sabi ko

"Babe ngayon nalang tayo mag absent hanggang bukas. Diba gusto mong pumunta ng tagaytay? Ngayon nalang tayo pumunta" sabi naman ni Cent

"May game kayo ngayon hindi ka pwedeng umabsent" sabi ko sa kanya

"Matutuloy ang game kahit wala ako, mas importante ka" sagot nito sakin

"Alam ko yon pero ikaw ang team captain hindi pwedeng ikaw pa yung wala. Na shock lang ako pero okay lang ako, magpapahinga lang ako ng konti tapos papasok na ako" sabi ko dito

"Huwag ka ng makulit iuuwi nalang muna kita" sabi pa niya

"Babe please? Ayos lang talaga ako" sabi ko dito at pilit na ngumiti upang mapanatag siya

"Okay" napilitang sagot niya tsaka ako hinalikan sa noo

Tinginan ang mga tao habang naglalakad kaming lima sa kahabahan ng hallway. Pinagtatanggal naman ng mga kaibigan ko ang bawat pictures ko na nakadikit na nadadaanan namin. Parang nauulit yung panahon 5 years ago. Mga nangungutyang mga mata, mga nandidiring tingin, mga perpektong tao na walang kapangitan sa sarili nila ang tinatapon sakin.

Nakarating kami sa classroom namin at inulan agad ako ng mga tanong. Ako daw ba yung matabang pangit na nasa picture? Totoo daw ba nagpa retoke ako? Wala naman akong masagot kundi ngiti lang. Ayaw pa sanang umalis ni Cent sa tabi ko kahit nasa loob na ako ng classroom namin kaso ako na ang nagtaboy sa kanya. Ayokong ma apektuhan pag aaral niya dahil sakin.

"Tumigil nga kayo! Bakit hindi nalang sarili niyo problemahin niyo? Huwag niyo ngang stressin kaibigan ko! Fake yan! Nadali kayo ng fske news!" Halos pasigaw na sabi ni Lorraine habang nakalupong ang mga kaklase namin sa pwesto ko

"Kung fake news to bakit ayaw sabihin ni Sue na fake nga to?" Tanong naman ni Camille kay Lorraine

"Ayaw niyang mag comment para tumigil na ang tsismis tungkol diyan! Sino bang walang magawa gumawa niyan? Ang effort niya ah!" Sagot pa ni Lorraine

Tumayo ako at tinignan ang lahat. Tumahimik naman sila at tila hinihintay kung anong sasabihin ko.

"Ako nga yang nasa picture" sabi ko tsaka pinagdikit pa yung bond paper na may mukha ko ng after.

"Mga engot kasi sila obvious naman na ikaw yang nasa picture itatanong pa" umirap namang sabi ni Myca

"Alam namin na ikaw yung after ang gusto naming malaman kung ikaw yung before at kung totoong nagpa retoke ka!" Malakas na sabi naman ni Rhia

"Ako nga to. Heto yung five years ago na itsura ko at heto naman ang mukha ko ngayon" turo ko sa dalawang picture. "Tama kayo nagpa retoke nga ako" sagot ko na ikinalakas ng bulungan nila

"Eh ano naman kung nagpa retoke siya? Pera niyo ba ginastos niya!?" Sabi ni Claire at tinuro pa si Rhia "ikaw kung makapagsalita ka akala mo ang perfect mo ah! Kung hindi nalang sana namin alam na pustiso dalawang ngipin mo sa harapan! Uso kasi mag toothbrush!" Inis na sabi pa niya

"Ikaw Hershey diba nagpa retoke karin ng ilong? Huwag kang magkaila kasi halata naman. Tapos isa kapa sa mga nag ya yuck diyan na ang pangit pala ni Sue dati. Kung yuck siya yuck ka din!" Sabi naman ni Myca

"Wala naman kaming sinasabi ah! Gusto lang namin malaman ang totoo! Sobrang feeling maganda niya thank you doc lang naman pala siya" sabi naman ni Zyrah

"Wow! Nahiya naman ako sayo teh! Kailan naging feeling maganda kaibigan namin? Sobrang down to earth pwede pa. Kasalanan ba niyang mas maganda siya sayo? Magpa retoke ka din kailangan mo yan! At take note! Hindi kailangan mag explain sa inyo ni Sue. Madyado kayong halata na naiingit sa kanya!" Sabi naman ni Lorraine na nilapitan pa si Zyrah

"Tama na yan" pigil ko sa lahat "narinig niyo naman na gusto niyong malaman diba? Ako nga yung nasa picture at nagpa retoke nga ako. Okay naba? Ayos naba? So ano na ngayon? Aawayin niyo ko? Pariringgan ng kung ano ano? Magiging masaya ba kayo kapag ginawa niyo yon? Kung ganon go! Ang importante sakin ay tanggap ako ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko at ng boyfriend ko. Wala na akong pake sa kung anomang concern niyo" sabi ko sa lahat tsaka kinuha ang bag ko at lumabas ng classroom kasama ang tatlong kaibigan ko.

Hindi ko alam kung paano ko nasabi yon. Pero lumuwang ang pakiramdam ko ng sabihin mga yon. Noon paman wala na akong pakialam sa mga sinasabi ng mga tao sakin ngayon pa kaya na may mga kaibigan ako na tanggap ang pagkatao ko at boyfriend na mahal ako.

**********

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now