Chapter 81

994 33 6
                                    

Sue's Pov

Dahil wala ako sa mood magluto nagpapak nalang ako ng pepino at carrots habang nanonood ng Ang Probinsyano. Ayoko naman matulog muna dahil sa hindi ko alam na dahilan. Tinignan ko ang phone ko chineck kung may reply naba ni Ji soo at ng iba kaso wala talaga. Miss na miss ko na mga kaibigan ko sa Seoul at hindi talaga ako matutulog hanggat hindi nila ako nirereplayan.

Papatayin ko na sana yung tv ng may biglang nag doorbell. Ayokong paasahin ang sarili ko na si Cent yung nasa labas pero dinarasal ko na sana siya nga. Inayos ko muna ang damit at buhok ko bago at inihanda ang ngiti sa labi bago lumapit sa pinto at buksan yon.

"Good evening Ma'am pizza delivery po" sabi nung delivery boy.

"Sorry po kuya pero hindi ako umorder ng pizza baka sa kabilang unit po" sabi ko

"Hindi po ba kayo si Sue Choi ma'am?" Kumakamot sa ulo na tanong ng delivery man. "3405 po kasi yung address na binigay samin eh" sabi nito

"Pero hindi po talaga ako umorder niyan kuya. Pero sige po kukunin ko na, hindi pa din naman ako kumakain. Magkano po ba?" Tanong ko

Pagkabanggit ng delivery man kung magkano yung pizza ay pinaghintay ko muna siya para kunin wallet ko ng mabayaran siya. Pagbukas ko ulit ng pinto ko at iabot na yung bayad ko ay wala na yung delivery man at ang nasa harapan ko ay si Cent na may hawak na isang box ng pizza at isang cage kung saan naroon sina Percy at Gidget.

"Omo! Percy! Gidget!" Tuwang tuwang sabi ko tsaka kinuha ang cage kay Cent at pinasok sila sa loob. Sumunod naman si Cent samin at nilapag ang pizza sa center table. "Nasan nga pala yung delivery man? Mukhang napagtripan siya at ginamit pa pangalan ko" tanong ko sa kanya pagkatapos kong ilabas ang dalawang cutie pattotie sa cage nila.

"Ako yung nagpa deliver ng pizza akala ko kasi ako yung mauunang makararating dito pero siya pala. Hindi ko kasi mabilisan magpatakbo ng motor kanina dahil nag aalala ako na baka mahulog sila. Hindi ko kasi natali ng maayos lagayan nila sa motor ko" sabi nito

"Bumalik ka ulit sa bahay niyo? Anong sabi ni Tita France?" Tanong ko habang niyayakap ang dalawang pattotie at hinihimas ang malambot na buhok nila.

"Wala naman siyang gaanong sinabi, tinatanong ka lang niya kung kumusta ka daw. Sinabi ko sa kanya yung nangyari sayo kanina tapos pinagalitan ako" sagot nito sakin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at tinuon ang atensyon sa dalawang aso.

"Bakit kasi sinabi mo pa, okay lang naman ako" sabi ko tsaka bumuntong hininga "Ang totoo nagpanggap lang akong may sakit kanina dahil nahihiya ako sa mga taong nakakakita satin na buhat buhat mo'ko. Ayoko kasing isipin ng mga tao na may something sating dalawa" mahinang sabi ko tsaka malungkot na ngumiti.

"Kinahihiya mo ba ako?" May lungkot sa tinig na tanong nito sakin. Tumingin ako sa kanya at nakipaglaban ng titigan.

Umiling ako.

"Hindi kita kailanman ikahihiya pero hindi ako sigurado kung ganon ka rin sakin kapag nalaman mo sino ako at ang nakaraan ko" sabi ko na hindi bumibitaw ng tingim sa kanya "kaya ngayon palang iiiwas na kita sa kahihiyan" dagdag ko pa

"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sakin? Hindi naman mahalaga sasabihin ng ibang tao, tanggap ko kung sino ka at kung amo man ang nakaraan mo. Ang mahalaga lang naman ay ikaw. Dahil ikaw si Sue. Ikaw yung babaeng alam kong inilaan ng Panginoon sakin" sabi naman niya

"Taas nga ng tingin ko sayo eh kaya hanggat maaari hanggat kaya ko ayokong masira pagkakaibigan nating dalawa. Cent iba ako sa mga babaeng nakikilala mo, pagtatawanan ka nila kukutyahin kapag nalaman nila ang sikreto ko. Sigurado ako hindi mo na masasabi sa iba na girlfriend mo'ko, sigurado mandidiri ka sakin at baka isa kapa nga sa magpahirap sa buhay ko ulit dito sa Pilipinas" tumutulo ang luhang sabi ko.

Lumapit si Cent sakin lumuhod sa harapan ko at pinunasan mga luha ko tsaka nginitian ako.

"Bakit mo ba kinukumpara sarili mo sa iba? Iba ka iba sila. Hindi ko alam kung ano ang sikreto mo pero kahit ano pa yan tanggap kita dahil mahal kita. Hindi lang kita basta ipapakilala na girlfriend ko ipagsisigawan ko pa sa mundo na girlfriend kita. Kung may mga taong makikitid ang utak bayaan mo sila, ako na bahala sa kanila" sabi nito. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya kaya napayakap ako sa kanya.

"I'm sorry kanina" humihikbing sabi ko na mas hinigpitan pagkakayakap pa sa kanya.

"Naiintindihan naman kita eh, naisip ko din naman pagkatapos mong umalis na nagseselos ka lang kaya nagalit ka" napatawang sabi pa niya habang yakap din ako

"Anong nagseselos ako? Saan mo napulot yon?!" Taas kilay na tanong ko tsaka tinulak siya

"Ouch!" Daing niya habang hawak ang likod niyang natamaan ng center table.

"Omo! Okay ka lang? Sorry sorry saan masakit? Patignan" sabi ko na bumaba sa sofa para tignan sana yung likod niya pero biglang niyakap niya ako

"Okay na ako girlfriend" sabi niya at mas hinigpitan pa yakap sakin

"Boyfriend nangangawit ako sa pwesto ko baka gusto mo umayos ng upo?" Sabi ko dahil talagang nahihirapan ako sa pwesto ko

"Konting tiis mga 10 minutes" tumatawang sabi nito kaya pinalo ko likod niya at nagtangkang itulak siya pero mas hinigpitan pa yakap niya

"Uy! Masakit na tuhod ko" reklamo ko sa kanya

"Sorry sige ibang pwesto nalang" hindi bumibitaw na sagot niya sakin tsaka siya nag dahan dahang tumayo habang nakayakap parin sakin. Halos buhatin pa nga niya ako para lang di makalas ang pagkakayap namin. Todo ngiti naman ako at sobrang saya dahil sa kanya.

Maayos kaming nakatayo pero hindi parin siya bumibitaw ng pagkakayakap sakin. Dinama ko nalang ang init ng katawan niya habang nakayakap din sa kanya.

"Hindi paba tapos ang 10 minutes? Baka magpalit na tayo ng katawan nito" pabirong sabi ko

"Kaya kong ganitong posisyon 24/7 kahit mag switch pa tayo ng katawan" sagot pa niya

"Abnormal ka talaga" sabi ko tsaka bumitaw ng yakap sa kanya at nilagay ang dalawang kamay ko sa bandang dibdib niya para itulak siya.

Lumuwang naman ang yakap niya sakin pero nakapalupot parin ang mga kamay niya sa baywang ko. Nagkatitigan kami at ilang saglit lang ay tinawid ni Cent ang pagitan ng mukha namin at nagkadikit ang mga labi namin. Napapikit naman ako dahil sa sensasyong dulot nito. Unti unting gumalaw ang mga labi ko at ginaya ang ginagawa niya. Hinapit pa ni Cent ang pagkakayakap niya sakin at ang mga kamay ko naman na kanina'y nasa dibdib niya ngayon ay nakapalupot sa leeg niya.

Hindi ko alam paano natapos ang matamis na halik na pinagsaluhan namin ni Cent, tanging alam ko lang ay masaya ako. Ayoko munang mag isip. Gusto ko munang damhin ang kaligayahan na ngayon ko lang naramdaman. Yumakap pa ako kay Cent at pinahinga ang mukha sa dibdib nito. Hinalikan pa niya ako sa ulo na muling nagpa pikit sakin. Tumulo ang luha ko tsaka mas hinigpitan ang yakap sa kanya. Kahit ayokong mag isip ng negatibong bagay sa ganitong sitwasyon ay napapaisip ako. Kapag kasi sobrang masaya ako laging may kasunod ng labis na kalungkutan.

**************

New Face (COMPLETED)Where stories live. Discover now