Chapter 56

1K 32 0
                                    


Sue's Pov


Pagmulat ng mata ko ay agad kong nakita ang mahimbing na natutulog na si Cent. Kumurap kurap pa ako iniisip kung imagaination ko lang ba. Nagising lang ako ng tuluyan ng tumunog ang cellphone ko. Pag abot ko sa phone ko ay agad kong binasa yung text message ni Myca sakin. Tinatanong niya kung papasok daw ba ako. Kumunot ang noo ko at tumingin kay Cent na masarap ang tulog habang nakapatong ang ulo ni sa center table tsaka ulit tumingin sa phone ko at tinignan ang oras.



"Waah! Gising gising!" Yugyog ko sa balikat ni Cent na natataranta at hindi alam kung ano ang unang gagawin



"Mmm" sabi ni Cent na inangat ang ulo at tinignan ako sa mapungay niyang mata "good morning" nakuha pang bati niya tsaka ngumiti


"Bangon na late na tayo sa school!" Malakas na sabi ko tsaka nagmadaling pumasok sa kwarto para maghanda sa pagpasok



"Anong oras naba?" Balewalang tanong pa niya tsaka tumingin sa wall clock



"Woah! Late na ako sa practice namin!" Sabi nito na biglang napatayo "huwag ka ng maligo late na tayo" sabi pa niya ng makita niya akong lumabas ng kwarto bitbit ang twalya ko




"Hindi pwede! Maliligo ako!" Sabi ko tsaka pumasok sa banyo



"Magpapalit lang ako ng damit hintayin nalang kita sa labas ng pintuan mo" kumakatok na sabi nito



"Sige sige bilisan mo late na ako" sagot ko sa kanya tsaka nagmadali sa pagligo

********


Paglabas ko ng unit ko ay nandon na si Cent. Naka puting tshirt lang siya, ripped jeans at puting sneakers din. Ang simple lang pero ang bango niyang tignan kahit alam kong naghilamos lang siya.



"Papasok ka ng hindi naligo kadiri" sabi ko sa kanya para mawala pansin ko sa itsura niya



"Nag hilamos at nag toothbrush naman ako, sa school nalang ako maliligo" balewalang sabi nito habang naglalakad kami papunta sa may elevator




Napansin ko na satwing kapag nagmamadali ako may nangyayaring aberya? Tulad ngayon under maintenance ang elevator sa floor namin. No choice kami ni Cent kundi gamitin ang hagdan papunta sa kabilang floor para doon sumakay ng elevator. Pagdating namin sa 33th floor ay kakasara lang ng elevator at ngayon ay paakyat siya.



Nagkatinginan kaming dalawa ni Cent at nagpasyang mag hagdan nalang muna hanggang sa susunod na ibabang floor. Kapag minamalas ka nga naman talaga hindi rin pwede ang elevator dito sa 32nd floor. Ano bang ginagawa ng management dito sa condominium na to at pinagsabay sabay araw ng maintenance nila?! Kagigil.




Sa wakas sa 31st floor ay nakasakay na kami ng elevator. Buti nalang nakayanan kong bumaba kahit 4inch takong ng sapatos ko. Pagdating namin sa basement ay dumiretyo kami sa motor ni Cent. Bakit ba nakalimutan kong motor ang sasakyan niya? Aish!.



"Sakay na" sabi nito matapos nitong isuot ang helmet niya at ibigay sakin ang isa pa. 



"Hindi na thank you nalang mag aabang nalang ako ng taxi sa labas" sabi ko tsaka naglakad palayo sa kanya



Sakay si Cent sa motor niya ay sinundan ako. Kinukulit niya akong sumabay na sa kanya at mag dadahan dahan nalang siya sa pagmamaneho nito pero buo na desisyon ko na mag tataxi talaga ako.



Nakarating kami sa labas at laking dismaya ko ng makita ang traffic, may aksidente daw. Tumingin ako sa relos ko at 20 minutes nalang next subject ko na. Pangiti ngiti naman si Cent na ikinairap ko sa kanya. Lalo lang akong nainis ng makita mga motorsiklo na sumisingit, parang balewala lang sa kanila ang traffic.




"Aish!" Inis na sabi ko tsaka kinuha ang helmet na binibigay sakin ni Cent at sumakay sa likod niya. "Magdahan dahan ka lang kung hindi patay ka sakin" pananakot ko pa sa kanya tsaka humawak sa damit niya.




"Opo boss" sagot naman niya sakin tsaka niya pinaandar ang motor niya paalis.



Noong una ay dahan dahan lang siya sa pagmamaneho kaya nawala yung takot ko at na eenjoy ko pa yung hangin kahit na alam kong polluted yung hangin na kumakapit sa balat ko. Pero habang tumatagal ay pabilis na pabilis pagpapatakbo niya kaya napayakap na ako sa baywang niya. Sa pagkakayakap ko sa baywang niya ay naramdaman pa ng mga palad ko yung mga pandesal na bumubukol sa katawan niya. Juicekolord patawarin mo po kamay kong nagkakasala. Piping dasal ko.

***********

New Face (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon