Chapter 13

1.4K 37 0
                                    

Sue's Pov



"Kumusta ang exam mo?" Tanong sakin ni Mama. Inabutan ko siya sa sala kasama si Ji Seok


"Ayos lang" sagot ko na binigyan siya ng pilit na ngiti "sa kwarto muna ako Ma" ayokong makita ni Mama ang namamagang mata ko dahil siguradong mag aalala lang siya.


"Sandali nak dito ka muna may sasabihin kami sayo" pigil sakin ni Mama. Tumayo mula sa pagkakaupo si Mama at lumapit sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at inayang maupo muna.


"Ano po ba yon? Kailangan ko pa kasing mag review" totoo naman na kailangan kong mag review pero iniiwasan ko rin na mapansin niya mga mata ko.


"Sue napag usapan kasi namin ni Ji Seok na pumunta ng korea at doon magpakasal" napatingin ako sa kanila at hindi nakapag salita "natatandaan mo yung sinamahan mo'ko nag apply ng passport? Sabi ko pa sayo kumuha kana rin diba? Ang totoo, noon pa namin napag usapan ni Ji Seok na isasama niya tayo sa Korea" paliwanag pa nito


"Kailan kayo aalis?" Tanging lumabas na tanong sa bibig ko



"Anong kayo? Tayo nak. Sasama ka samin ng Tito mo hindi naman pwedeng maiwan kita dito" sagot ni Mama sakin



Tumango tango lang ako at hindi makapag salita. Nginitian ko si Mama bilang sagot ko at pag sang ayon sa gusto niya. Ayoko din naman masira kasiyahan niya dahil sakin. Ayokong madamay si Mama sa pagiging malungkot ng buhay ko, at least isa samin masaya.



********



Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Huling araw na ng exam namin bukas at kailangan kong mag review. Hindi na nga ako pinagpala magkaroon ng magandang mukha at katawan tapos hindi parin ako biniyayaan sa katalinuhan. Wala rin akong talent na maipagmamalaki, ngayon ko lang napagtanto na ang lungkot pala talaga ng buhay ko.



Hindi ko alam kung paano ko nagagawang mag review sa sitwasyon ko ngayon. Pumapasok ba talaga mga binabasa ko sa utak ko o naglalaho din itong parang mga bula sa hangin pagkatapos kong basahin?




Hindi ko alam kung iiyak ba ako habang nagbabasa ko o ngingiti dahil masaya si Mama. Ngayon sigurado ako na kahit anong gawin kong pagbabasa ang papasok lang sa utak ko ay kundi mga tao na nasa paligid ko at ang nararamdaman ko.




Binaba at sinara ko ang notebook ko atsaka nahiga sa kama. Sabi nila para makalimot ka sa problema ay abalahin mo sarili mo, ginawa ko naman yon kagabi at ngayon pero walang epekto sakin. Kahit i focus ko sarili ko sa isang bagay tulad ng pag rereview ay pumapasok pasok parin imahe ni Harry sa isipan ko.




Bakit nga ba nagawa ni Harry sakin yon? Dahil sa pera? Marami naman pwedeng gawin para kumita ng pera ng hindi nakakasakit pero pinili parin niya na saktan ako. Tama nga sila napaka ambisyosa ko, sa pangit kong to sino nga ba magkakagusto sakin. Masyado akong feelingera, umasa ako na may taong makakakita at magpaparamdam sakin na kahit hindi maganda ang mukha ko ay maganda parin ako kahit sa paningin lang nila.




What if mag invent ako ng virus na mabubulag lahat ng tao? Syempre pag nangyari yon hindi na nila makikita kapangitan ko. Pero hanggang imagination ko nalang talaga lahat, dahil kung may iimbentuhin man ako ay yung matuto lahat ng tao na magpakatao. At dahil hindi ako scientist hindi ko yon magagawa, masyadong mababa ang IQ ko para mangarap ng ganon. Lesson learned huwag mangarap ng imposible dahil masasaktan ka lang.



**********

New Face (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant