CPMGP_Chapter 86

70.5K 1.6K 115
                                    

DAZU'S POV

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang bigla kong napansin na nawawala 'yong cell phone ko. "S*** teka lang. Ihinto n'yo muna." Napatigil si Russel sa pagdadrive.



"Bakit?" Tanong nila.



"Yung cell phone ko naiwan ko yata sa comfort room ng Mall kanina."



"Ha? Damn it, wala na 'yon." Ani Kazu.



"'Di naman siguro." Bumaba na ako ng kotse.



"Teka, 'wag mong sabihing babalikan mo pa 'yon? Bili nalang tayo ng bago."



"Tss, ayokong bumili ng bago. Mayroon akong iniingatan do'n na video kaya mauna nalang kayo. Babalik din kaagad ako."



"Dazu, sigurado ka?"



"Oo, naman."



"Ey, kuya, mag-ingat ka nalang."



"Sige." Tumango nalang ako at nagpunta na sa sakayan ng bus. Nang hintuan ako ng isang bus sumakay na ako at hindi na ako namili ng uupuan ko at dito na ako sa unahan.






SHIMI'S POV

Mukhang nakalayo na yata ako. Bakit ba kasi natulog pa ako? Tumingin tingin ako rito sa loob ng bus. Hindi naman ito titigil sa hindi tamang babaan. Pero mukhang dalawang babaan na yata 'yong nalalampasan ko.



"Hays, hindi bale, babalik nalang ako." Bulong ko sabay tingin sa bintana ng bus. At nang huminto na 'to matapos ang limang minuto nagmadali akong bumaba.






DAZU'S POV

Pagkahinto nitong bus mabilis akong tumayo pero hindi ko inaasahang may dadaang babae sa gilid ko at nagmamadali siyang bumaba. Pababa na rin kasi ako. Napailing nalang ako saka ako sumunod sa kanya. Pero sa pagsunod kong 'yon, nakita kong may motor na tila sisingit sa bababaan namin at 'yong babaeng nasa unahan ko, mabubunggo siya no'n kaya mabilis ko siyang niyakap.







SHIMI'S POV

Nagulat ako nang biglang may humila sa akin mula sa likuran ko at niyakap niya ako nang makababa ako ng bus. Parang huminto ang oras sa pagtakbo. Sobrang lakas. Sobrang lakas ng kaba ko. Muntikan na ako ro'n at hindi ko nakita 'yong motor na 'yon. Natulala ako at sandaling huminto ang mundo ko.



"Miss, are you oka—"



Pero sa pagharap kong 'yon, naputol ang sasabihin ng isang lalaking nagligtas ng buhay ko nang magtagpo ang tingin namin sa isa't isa.




To be contiued... Pls. go and read the book 2. For more info next chapter pls.

(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon