CPMGP_Chapter 82

59.3K 1.8K 85
                                    

JENRICK'S POV

Ginagamot ko ngayon si Russel dahil sa pasa na inabot niya kay Dazu kanina. "Uuwi ka nalang bukas nag-away pa kayo." Umiiling na sabi ni Vince.



"Hindi natin siya masisisi, lahat naman kasi tayo nagsinungaling sa kanya." Singit ni Brent sa usapan.



"Eh, paano na 'yan ngayon? Akala ko pa naman masaya 'yong party natin ngayon. Hays." Ani Renzo.



"Hayaan n'yo at kakasusapin ko siya." Itinigil ko na 'yong pagagamot kay Russel at tumayo na ako. Kinuha ko 'yong jacket ko.



"Hindi ko inaasahan ang araw na 'to." Mahina niyang sabi kaya napailing nalang din kami.



"Hintayin n'yo nalang ako rito." Tumango silang lahat kaya tuluyan na akong umalis do'n.










DAZU'S POV

Habang naglalakad ako ngayon para akong wala sa sarili kong katinuan. Puro galit ang nasa puso ko ngayon dahil sa nalaman ko pero ang laman ng isipan ko ay si Shimi. Pero bakit siya umalis nang gano'n nalang?



Nang bigla namang may isang grupo ng kalalakihan na hindi ko sinasadyang madanggi. "Hoy!" Sigaw ng isang lalaki pero hindi ko ito pinansin.



"Aba! Akala mo kung sino 'to ah!"



Hindi ko sila nililingon pero nakakairita na 'yong pagsigaw nila kaya nagsalubong na naman ang mga kilay ko. Tapos no'n bigla nila akong nilapitan.



"Mayabang ka ah—" Susuntukin na sana ako ng isa sa kanila pero hindi niya nagawa 'yon dahil napigilan ko ang kamay niya at tinignan ko siya ng masama.



"Mayabang 'to!"



"Mukhang heartbroken mga, pre!" Nagtawanan sila kaya nagpanting ang tainga ko. Hindi ko na napigilang hindi sila kalabanin pero dahil marami sila, napagtulungan nila akong lahat.



"S-Shi..."



"May sinasabi ka ha?"



"Shimi."



"Ah, mukhang pangalan ng girlfriend niya." At muli silang nagtawanan.










JENRICK'S POV

S***. Hindi ko inaasahan na makita si Dazu na pinagtutulungan ng isang grupo ng kalalakihan. "Hoy!" Sigaw ko sabay bato ng coke in can sa isa sa kanila dahilan para lingunin nila ako.



"Aba! May isa pa." Pang-aasar no'ng lalaking binato ko. Nakaamba naman ako ng suntok sa kanila kaya nagsilapitan sila.



"Oy Jenrick! Hindi mo naman dapat sila solohin!" Napalingon naman ako nang marinig ko ang boses ni Vince kaya napangiti ako.



"Actually, nagwa-warm up palang ako!" Naglapitan ang mga Prince sa akin at nilapitan naman ni Russel si Dazu at inalalayang makapasok sa loob ng kotse. Nakapalibot kami sa isa't-isa.



"Sugod na mga bata!" Sigaw ng matandang kalbo.



"Alright, let's go guys!" Lahat kami ay nakaamba, at 'di nagtagal, pinagtulungan namin 'yong pitong mga lalaki para makabawi si Dazu sa ginawa nitong mga 'to sa kanya.



"Oh, Ano? Akala ba namin magaling kayo?" Sabi ni Renzo sabay tapon ng tubo sa kanila.



"Actually Renzo, kulang pa yata sa kanila 'yong ginawa natin." Pang-aasar ni Clifford.



Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon