CPMGP_Chapter 79

53.9K 1.7K 117
                                    

DAZU'S POV

Nakabenda pa rin ang kaliwa kong braso dahil sa injured na natamo ko kahit nakalabas na ako ng hospital tatlong linggo na ang nakakalipas. Nandito ako ngayon sa loob ng kuwarto ko. Nakaharap ako sa salamin at pinagmamasdan ko ang isang necklace na nakasuot sa leeg ko nang biglang dumating si Mama.



Nakita kong nakangiti siya kaya napangiti na rin ako. "Ma," Bigkas ko.



"Hm?" Aniya habang nakatalikod sa akin dahil nililigpit niya ang mga damit ko.



"Saan po galing 'tong necklace na sinuot n'yo sa akin? Kailan pa po ba 'to? No'ng may sakit pa po ako?" Bigla nalang napahinto si Mama sa ginagawa niya matapos kong magtanong. Pero hindi siya makasagot kaya nananatili pa rin akong nakatingin sa kanya.



"Insan?" Tawag naman ni Russel kaya napalingon ako sa pinto.



"Oh? Pasok ka." Nakahawak pa rin ako sa necklace na nasa leeg ko.



"Nga pala Russel, kailan ba babalik dito si Shimi?" Tanong ko dahil gustong gusto ko na siyang makita. "Baka mangitim 'yon don sa Palawan?" Matapos kong sabihin 'yon hindi na siya nakasagot kaya tinapik ko siya. "Hoy!"



"Ha?" Gulat naman niya. Pambihira 'to, parang hindi tinatanong.



"Amh, anak, baka nagugutom ka na? Gusto mo na bang magdinner? Ipaghahanda kita." Pagkasabi no'n ni Mama bahagya na akong nagtaka.



"Ha? S-Sige po."


"Amh Insan, nga pala, may kukuhain lang ako sa kuwarto ko. May ipapakita ako sa 'yong bagong album ng Bullet for my Valentines. Sandali lang ha?" Agad siyang lumabas matapos ding lumabas ni Mama.



Bahagya namang napakunot ang noo ko dahil parang na-cu-curious na ako. Bakit sa tuwing tatanungin ko sila tungkol kay Shimi parang natataranta sila o kaya natutulala? Nang biglang namang may nagtext sa akin.



Shimi Babe: Hi! Babe? How's ur day?


Text ni Shimi dahilan para mapangiti ako.


Dazu Babe: I'm fine. Can I call you now?


Mabilis na nagsent ang message ko.


Shimi Babe: Ha? Mahina ang signal ko rito. Puwede bang bukas nalang?



Hindi na ako nakapagreply dahil biglang dumating si Mama at may dala siyang mga pagkain. "Kumain ka na muna anak."



"Opo."



"Maiwan na muna kita, ah? Nandiyan naman si Russel."



"Sige po."



Pagkaalis ni Mama siya namang dating ni Russel. "Oh? Sino 'yang katext mo? Si Shimi?" Nakangiting tanong ni Insan sa akin.


"Ha? Oo siya nga."


Dazu Babe: Sige. Bukas nalang. I can't wait for your call.



Pero pagsend ko ng message kay Shimi bigla namang tumunog ang cell phone ni Insan. Kinuha niya 'yon at nagtext din siya. "Mukhang may chicks ka na ah? 'Yan bang katext mo?" Kantsaw ko sa kanya dahilan para mapangiti siya.



"Oo, hayaan mo at ipapakilala kita sa kanya."



"Nice. Palagay ko hindi na mau—"



"Ano ba? Ayan ka na naman! Puwede bang 'wag mo nang ibalik ang nakaraan? Ikaw talaga, Insan." Pinutol niya ang sasabihin ko sabay reklamo.



"Tss, oo na!" Napailing nalang ako.



"Nakuha mo na si Shimi, ah? Kaya puwede ba? 'Wag mo nang agawin 'to sa akin?" Sabi pa niya ulit.



"Haha! Oo, na nga sabi." Matawa-tawa kong sabi.



"Oy, mukhang nagkakasayahan kayo riyan ah, pasali naman." Biglang singit ni Kazu sa usapan at humiga siya sa kama ko.



"Teka lang Dazu, CCR lang ako. Oy, Kazu I-play mo na 'yang CD!" Sigaw ni Russel dahil nasa labas na siya ng kuwarto. Nang bigla namang nagtext si Shimi kaya in-open ko 'to at binasa.


Shimi Babe: Hm, do you miss me a lot??


Dazu Babe: Yeah of course. I just want to see you.


Shimi Babe: I can't hardly wait to see you too but it takes 2 months before we meet again.


Dazu Babe: Ugh! Sobrang tagal. I can't wait my babe."


Shimi Babe: of course you can, you love me, right?


Dazu Babe: Yeah! Of course.


Napapangiti ako dahil sa pakikipagpalitan kong mga text messages sa kanya. Until now, I didn't expect na mahal niya rin pala ako. Kahit na hindi kami nagkikita simula nang magising ako, It's not important to me. Dati magkaaway lang kami pero ngayon? This is real. She's my girlfriend now at pinaubaya na siya sa akin ni Russel.


Dazu Babe: I love you.


Sinundan ko pa ulit 'yon ng isa pang message. Pero nang bumalik ulit si Russel sa kuwarto ko at hindi na niya hawak ang cell phone niya, nang i-send ko 'yon, tumunog ulit ang cell phone niya. Na cu-curious lang ako dahil hindi lang ilang beses ito nangyari, nagtataka na ako dahil sa paulit-ulit na.



Muli kong sinubukang i-text si Shimi at nang magsend 'yon muling tumunog ang cell phone ni Russel pero hindi naman niya 'yon pinapansin kaya sobra na akong nagtataka.




Muli kong sinubukang i-text si Shimi at nang magsend 'yon muling tumunog ang cell phone ni Russel pero hindi naman niya 'yon pinapansin kaya sobra na akong nagtataka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon