CPMGP_Chapter 67

55.9K 1.7K 53
                                    

RUSSEL'S POV

Kalahating oras ang paghihintay namin nang dumating na sila Tito Ozu at Tita Crystal dito. Napatayo kaming lahat.



"Russel? Nasaan si Dazu?" Agad na tanong ni Tita Crystal.



"Anong nangyari? Si Kazu? Nasaan din siya? Bakit hindi n'yo siya kasama?" Tanong naman ni Tito Ozu, kasabay naman nito dumating na rin ang mga magulang ni Shimi.



"Jenrick, ijo, nasaan si Shimi?" Nag-aalalang tanong ni Tito Shin nang makalapit sa amin.



"Paanong nangyari 'to?" Sabat naman ni Tita Kimi at nagkatinginan silang apat.



"Ahm, Tita Crystal, Tito Ozu, sila po ang parents ni Shimi na kasama ni Dazu sa loob. Sila Tita Kimi at Tito Shin po." Pagpapakilala ni Jenrick sabay nagkamayan sila at nagbeso.



Bigla namang lumabas ang doctor na kausap namin kanina sa E.R dahilan para tawagin silang apat at maiwan ulit kami rito sa labas. Napabuga tuloy ako ng hininga nang makita ko sila. Nang bigla na ring dumating sina Kazu, Clifford, Brent, Ayesha, Jamaica at Alex.



"Anong nangyari kay Kazu?" Tanong ko nang makita siyang may nakabalot na tela sa braso niya at may dugo 'yon.



"Ayos lang ako Insan, kaonting galos lang 'to. Si Kuya? Kumusta 'yong lagay niya?"



"Hindi pa namin alam. Nasa loob na ang Daddy at Mommy n'yo ngayon, gano'n na rin ang parents ni Shimi." Paliwanag naman ni Vince kaya nagreact sila Alex.



"Nandiyan sila Master Shin?" Nagulat sila.



"Oo, nasa loob sila at tinawag sila ng doctor."



"Nako, sana hindi tayo maparusahan." Nag-aalalang sagot ni Ayesha.



"Sana nga." Sabat naman ni Jamaica sabay napaupo silang tatlo sa bench.



"Sa tingin ko hindi naman dapat kayo matakot. Wala kayong kinalaman sa nangyari." Paliwanag ni Brent na dating tahimik.



"Tama si Brent. Isa pa, walang may gusto sa nangyari kaya wala kayong kasalanan para parusahan." Sabi naman ni Clifford.



"Tss, mukhang nagkakamabutihan na sila." Bulong ko.



"Ha? May sinasabi ka, Insan?" Tanong ni Kazu sa akin. "Ang sabi ko dapat mo nang ipagamot 'yang braso mo." Pag-iiba ko.



"Oo nga. Halika na Prince Kazu." Hinila na siya ni Ayesha papunta sa kabilang kuwarto habang napangiti naman ako habang nakatingin sa kanila.









CLAIRE'S POV

"Anong sinabi mo?" Gulat na sambit ni Samantha. Sinabi ko sa kanilang lahat 'yong nangyari ngayong araw nang maikalma ko ang sarili ko.



"G-Gangster sila Shimi?" Sabay sabay nilang sabi at tumango nalang ako.



"Paano nangyari 'yon?"



"Hindi ako makapaniwala sa ikinuwento mo Claire."



"Tama. Isa pa, bakit hindi natin alam ang tungkol dito?"



"Wala sa itsura nila."



"Alam n'yo bang naalala ko tuloy 'yong tatlong babae na gumawa ng kalokohan sa atin sa fastfood no'ng nakaraang araw lang?"



"Yep, they look like a Gangster 'di ba?"



"Ah-huh."



Bigla naman silang nagkatinginang apat. "H-Hindi kaya sila 'yon?" Sabay sabay nilang sabi.



"Oh, my gosh! Sila nga kaya 'yon?"



"Wait girls, wala akong naiintindihan sa mga sinasabi n'yo." Matamlay akong sumabat sa pinag-uusapan nila.



"Kapag nalaman kong sila 'yon nakakainis lang!" Pero hindi nila pinansin ang sinabi ko.



"Hindi ko makakalimutan 'yong araw na 'yon!" At galit na galit pa sila.



"Uuwi nalang ako. Gusto ko nang magpahinga." Pagpapaalam ko.



"Ha? Pero Claire, akala ko ba gusto mong damayan ka namin?"



"No. I have to go. This time gusto ko munang mapag-isa." Nagmadali na akong umalis do'n dahil dumating na rin naman kasi ang sundo ko.









AIRA'S POV

Pagkaalis ni Claire agad akong nakaisip ng plano. "You know what girls? Gusto n'yo bang makaganti?" Taas-kilay ko silang tinignan habang nakangiti.



"Hm, mukhang alam ko na 'yang nasa isip mo Aira."



"Tss, kailangan nating makakuha ng ebidensya and then, BOOM?"



"Hm, gusto ko 'yan!" Nagtawanan kaming lahat nang magkasundo kami sa pinaplano namin.





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)On viuen les histories. Descobreix ara