CPMGP_Chapter 4

119K 3.6K 50
                                    

KAZU'S POV

Pinagmamasdan lang namin si Kuya Dazu ngayon. Hindi kasi namin alam kung bakit parang busy na busy siya sa cell phone niya. Nandito kami ngayon sa Teritoryo namin ng mga Prince.



"Ngayon? Tignan natin ang angas mo!" Sambit niya sabay ngumisi pa siya.


"Kazu, may kagalit ba 'yang kakambal mo?" Tanong sa akin ni Renzo.


"Hindi ko rin alam, e." Mabilis kong sagot.


"Ah, alam ko na! Naalala n'yo 'yong nakatapon ng cheese powder sa sapatos niya kahapon? Baka 'yon ang dahilan?" Singit naman ni Clifford sa usapan namin.


"Pre, nagquit na sila sa school kahapon pa, kaya malamang hindi na 'yon ang dahilan." Sagot naman ni Vince.


"Kung gano'n, sino sa tingin n'yo?"


"Hey! Hey Dazu? Anong problema? Baka may gusto kang sabihin sa amin?" Dumating si Hyung Jenrick. Tumabi ito sa kanya at inakbayan siya.


"Panuorin n'yo 'to." Ani kuya Dazu.


Nagsilapitan naman kami sa kanila dahil may pinapakita si Kuya sa cell phone niya. Kinuha namin 'yon at saka ni-play.


Wala pang isang minuto natapos na namin itong panuorin kaya nagkatinginan kaming lahat sa isa't-isa.


"Ang astig no'n, men." Manghang-mangha na sabi ni Renzo sabay iling.


"Grabe! Saan mo naman nakilala 'yong babaeng 'yon, ha, Dazu?" Tanong ni Hyung Jenrick sa kanya.


Tumingin naman siya sa amin ng masama. "Kapag nakita ko siya—magtago na siya!"


Muli kaming nagkatinginan matapos niya 'yong sabihin.


Ano naman kaya 'yong nagawa sa kanya no'ng babae 'yon? Ewan ko ba kasi riyan kay Kuya, beastmode palagi.


"Ano kayang nagawa sa kanya no'ng astig na babae? Bakit siya galit na galit doon?" Bulong ni Vince.


Nagkibit balikat lang kami dahil hindi rin talaga namin alam ang dahilan.


Nang pagmasdan ulit namin si Kuya halatang disperado siya roon sa babaeng 'yon. Napailing nalang ako.










SHIMI'S POV

Ini-enroll ako ngayon ni Mommy sa panibagong magiging school ko. Ang Kang Academy. Pero ang nakakainis lang do'n, bakit dito pa? Ganito 'yong itsura ng school uniform no'ng mga lalaking binugbog ko kahapon. Sila nga ang dahilan kung bakit ako aalis sa school ko tapos dito pala ako i-e-enroll.


Anak naman talaga ng teteng 'di ba? Nakaupo lang ako rito sa labas at tinitignan ang mga padaan daang mga estudyante.


Hindi ko nga lang alam kung bakit parang ilag na ilag sila sa akin sa tuwing mapapatingin sila. Ano kayang mayroon sa mukha ko? Para kasing natatakot sila.


Kung sabagay, kailan ba walang natakot sa akin? Palagi namang gano'n. Hindi ko nga lang talaga mahulaan ang dahilan.


At kung dito naman ako mag-aaral, ibig sabihin, makikita ko na 'yong Prince na sinasabi no'ng mga lalaki kahapon. Hindi na rin masama. Nakakacurious kasi.


"Shimi, anak?"


"Po, Mommy?" Tumayo na ako nang lumabas si Mommy mula sa faculty room.


"Puwede ka nang pumunta sa room mo. Enrolled ka na."


"Kahit po naka sivilian lang ako ngayon?"


"Oo raw kaya puwede ka ng pumunta roon ngayon. Mamaya papabilhan na kita ng school uniform mo para may maisuot ka na bukas."


"K. Mom."


"Okay, mauuna na ako. Bye! See you later." Sabi niya sabay halik sa akin.


Pagkaalis ni Mommy sinimulan ko ng hanapin 'yong magiging section ko. Section 3-C daw ako. Saan naman kaya banda 'yon?


Nang makakita ako ng ilang mga estudyante na nagpupulong sa gilid ng pasilyo lumapit ako sa kanila. "Puwede bang magtanong? Saan dito 'yong section 3-C?"


Hindi nila ako sinagot kundi tinuro lang nila kung saan 'yon banda. Mabilis silang naglaho sa harapan ko kaya nagtaka ako.


"Anong nangyari sa mga 'yon?" Turan ko. Madaling-madali silang umalis, e. Napailing nalang ako.


Patuloy akong naglakad lakad at hinanap ang section ko kaya nang matagpuan ko ito natuwa ako. "3-C! Sa wakas! Nakita rin kita." Bulong ko.


Nang binuksan ko na 'yong pintuan agad kaming nagkatitigan ng mga magiging kaklase ko, mga makakasama ko sa araw araw. Pero bigla silang natigilan sa mga ginagawa nila nang makita nila ako. Walang kurap silang mga nakatingin sa akin ngayon mula ulo hanggang paa.









(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon