CPMGP_Chapter 32

71.7K 2.3K 53
                                    

SHIMI'S POV

Nagtakbuhan na papalayo ang mga kaibigan ni Ross gano'n din siya kaya agad akong nagbuga ng hininga. "Ayos lang 'yan." Biglang sabi sa akin ni Prince Dazu. Nakita niya siguro 'yong paghinga ko ng malalim.



Nang bigla siyang tumawa pero hindi naman malakas. Ngayon nakatingin lang ako sa kanya habang nagtataka. "Hindi ko inaasahang ililigtas mo ako. No'ng nakaraang araw lang hina-hunting kita pero ngayon tinulungan mo ako." Napahinto siya sa sinasabi niya sabay biglang matutumba siya kaya mabilis ko siyang sinalo at inalalayan.



"Napakalaki mong tanga!" Bulyaw ko naman sa kanya pero nginitian pa niya ako.



"Lahat naman yata ng nagmamahal nagiging tanga." Aniya habang napaupo na kami sa lupa dahil nga natumba na siya ng tuluyan.



"'Wag ka na nga munang magsalita. Nanghihina ka na dahil diyan sa dugo na umaagos mula sa ulo mo." Agad siyang umiling. Tapos tumayo na ulit kami at inalalayan ko pa rin siya.



"Tandaan mo—ako si Dazu Kang. Isa ako sa mga Prince. Malakas ako." Matapos niya 'yong sabihin bigla siyang nawalan ng malay kaya napangisi ako.



"Malakas pala, ah?" Bulong ko sabay iling.



At dahil nga nawalan siya ng malay minabuti kong tawagan ang mga Black Sapphire Gang para matulungan nila ako. Sigurado kasi akong busy pa ngayon ang mga Best friend ko kaya hindi ko na sila aabalahin.










RUSSEL'S POV

Pagkapasok ko sa bahay nila Insan Dazu alalang-alala akong sinalubong ng mga magulang niya. "Russel? Bakit hindi mo kasama si Dazu?" Tanong ni Tita Crystal sa akin—ang mama niya.



"Hindi ba kayo magkasamang dalawa? Pati si Jenrick?" Tanong naman ni Tito Ozu sa akin—ang Papa niya.



"'Wag po kayong mag-alala, Tito, Tita. Si Dazu po kasi nasa bahay po ng nililigawan niya ngayon."



"ANO?" Magkasabay nilang sabi. Tapos parang nakahinga sila ng maluwag.



"Totoo ba 'yong sinabi mo ha, Russel?" Muling tanong ni Tita Crystal kaya tumango agad ako.



"Opo. Magkakasama po kaming tatlo kanina nila Jenrick. Umuwi na po kami ni Jenrick pero si Dazu po nagpaiwan pa ro'n."



"Hay salamat. Akala ko naman kung napaano na siya." Sabi naman ni Tito Ozu.



Pero mabilis bumalik sa isipan ko 'yong mga pangyayari kanina. Sa totoo lang kasi nawawala si Dazu kanina. At dahil hindi namin siya mahanap nagpatulong na ako sa mga body guards ko at natagpuan nilang nasa F.O.L daw si Dazu kaya agad akong nagpunta ro'n kasama si Jenrick kanina.



"Sigurado ba kayong nandiyan si Dazu?" Tanong ko sa kanila.



"Yes po, Young master, at nandiyan din po si Shimi Park kasama niya."



Napapaisip ako no'ng mga oras na 'yon maging si Jenrick kung bakit naroon si Dazu no'ng mga oras na 'yon pero hinayaan nalang namin at nagyaya na akong umuwi rito sa bahay nila at si Jenrick naman nakipagkita sa iba pang mga Prince.



"Tito, si Kazu po nasaan?" Iniba ko ang usapan baka kasi magtanong pa sila tungkol sa sinabi kong nililigawan ni Dazu. Pero ang totoo no'n ay si Shimi 'yon.



"Nando'n sa taas, Ijo. Nasa kuwarto niya. Umakyat ka nalang." Tumango na lang ako sa kanila at mabilis na umakyat sa itaas. Sigurado kasi akong sa mga oras na 'to nakauwi na rito si Kazu.












ALEX'S POV

"Baka naman umuwi na si Shimi sa kanila?" Hula ni Ayesha.



Kanina pa kasi namin siya hinahanap dahil hindi namin siya makita rito sa buong Asia Academy. Sinubukan din namin siyang tawagan pero hindi naman namin siya ma-contact.



"Kung sabagay baka nainip na siya." Sabi naman ni Jamaica.



"Ako nalang ang magtatabi ng T.O.R niya. Tara na at umuwi na tayo baka makaisip pa ako na mang-bully ng mga estudyante rito, tss." Sabi ko naman kaya agad silang sumang-ayon.







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon