CPMGP_Chapter 41

63.3K 2.2K 16
                                    

SHIMI'S POV

Pa-pampam 'to tch, "Insan, okay ka lang ba?" Tanong ni Russel sa kanya.



"Ah, oo, okay lang ako." Sa tingin ko na-o-op lang sa amin 'yan ni Russel. Ngumiti siya pero ang plastic naman.



"Russel, cr lang ako, ah?" Pagpapaalam ko sabay tayo.








DAZU'S POV

Kaming dalawa nalang ni Insan ang natira rito ngayon, pero hindi talaga ako mapakali. "Ahm, Insan, hihingi lang ako ng tubig." Tumayo na ako.



"Yeah, sure." Pag-alis ko siyang hanap ko kay Chimnie. Hindi naman talaga ako hihingi ng tubig. Dapat masabi ko na sa kanya 'yong gusto kong sabihin.



Nagpunta ako sa cr ng mga babae at inabangan ko siya rito sa labas. "Ay, Azu!" Gulat niyang bigkas nang magkabanggaan kami paglabas niya.









SHIMI'S POV

"Ay, Azuh!" Gulat kong sambit. Ano bang ginagawa niya rito? Palingon-lingon siya sa paligid na hindi mo maintindihan. Sinusundan ba niya ako?



"Adik ka ba?" Natanong ko bigla parang oo kasi e gawa ng kilos niya.



"Hay, ano bang sinasabi mo riyan? Tss, may sasabihin lang ako."



"Talaga? Sana lang may sense."



"'Wag kang mag-alala, mayroon talagang sense."



"Oh, e, ano ba 'yon?"



"Tutulungan mo akong makuha ulit si Claire." Pagkasabi niya no'n siyang nganga ko.



May sense ba 'yon? Gustong gusto ko na siyang bombahin. "Tanga ka ba talaga?" Deretsuhan kong sabi. "Bakit mo ba pinagsisiksikan ang sarili mo kay Claire?" Biglang nag-init 'yong ilong ko.



Napayuko naman siya sa sinabi ko. "Tulungan mo nalang kasi ako." Tapos bigla siyang nagmaktol.



"Tss, ilang beses ko na bang sinabi sa 'yo na ayoko. A.yo.ko naiintindihan mo?" Tinalikuran ko na siya.



"Sige. Pero—" Pinutol niya 'yong sinasabi niya kaya napalingon ulit ako sa kanya. "Pero sasabihin ko kay Insan ang tungkol dito." May hawak siyang papel na may nakasulat na—teka! Parang pamilyar 'yong sulat na 'yon.



"Sabi na nga ba. Tama ang hinala ko na may gusto ka kay Insan." Biglang nanlaki 'yong mga mata ko sa sinabi niyang 'yon.



"P-Paano napunta sa 'yo 'yang papel ko?" Papel na may nakasulat na pinaghalong pangalan namin ni Russel. Ginawa ko 'yon isang beses no'ng bored ako sa klase.



"E 'di, nakita ko sa gamit mo." Proud niyang sagot kaya mas lalong nanlaki 'yong mga mata ko.



"Pakialamero!"



"'Wag ka nang magalit. Ako lang naman nakakaalam. Basta tulungan mo lang ako kay Claire." Nakakaasar. Gagamitin niya kasi 'yon laban sa akin. Nakakainis.



"Ano? Tutulungan mo na ba ako?"



"Mukha mo!" Sabi ko sabay irap.



"Okay." Sabi naman niya sabay alis tapos sumipol pa siya.



"T-Teka, akin na 'yang papel ko!!" Hinabol ko siya pero bigo ako dahil nasa labas na kami kung saan maraming tao ang nakain. Humanda siya sa akin kapag sinabi niya kay Russel 'yon.



Pagpunta namin sa puwesto namin kung saan nando'n si Russel nakangiti na naman si Azu ng mapang-asar na mga ngiti. Mukha siyang impakto.



"Insan, may sasabihin nga pala ako sa 'yo." Sabi niya pagdating na pagdating namin kaya pinandidilatan ko siya ng mata. Buysit talaga.



"Si Chim—"



"Ang mabuti pa umalis na tayo rito." Naputol 'yong sinasabi niya nang sabihin 'to ni Russel. Pero nagtaka kami dahil nakatingin siya sa labas ng restaurant kaya napatingin na rin kami ro'n.








 Pero nagtaka kami dahil nakatingin siya sa labas ng restaurant kaya napatingin na rin kami ro'n

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon