CPMGP_Chapter 49

62.1K 2.1K 20
                                    

Nandito ako ngayon sa tapat ng F.O.L. Pero ang pinagtataka ko bakit nandito ngayon si Russel? Magkasama ba sila ni Chimnie ngayon? Nang nakatingin ako rito siyang labas ng ka-Gang ng Mommy ni Chimnie dahilan para papasukin niya ako sa loob.



Habang naglalakad naman kami hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung ano bang nangyari. Biglang kumatok sa pintuan nang office ng Daddy ni Chimnie 'yong kasama kong Gangster.



"Master Shin, nandito na po si Dazu." Sabi niya.



"Papasukin mo siya." Bigkas no'ng Daddy ni Chimnie mula sa loob. At nang makapasok naman ako sa loob, inaamin ko medyo kinakabahan ako. "Dazu ijo, maupo ka." Aniya. At nang makaupo na ako agad akong nagtanong sa kanya.



"Puwede ko po bang malaman kung nasaan ngayon si Russel?" Tumango siya.



"Nandon siya sa kabilang kuwarto at kasama niya si Shimi. Ginagamot sila."



"Po? Pero bakit po? May nangyari po bang hindi maganda sa kanila?"



"Ijo, pasasamahan kita mamaya roon para makita mo sila. Sasabihin ko sa 'yo 'yong nangyari sa kanila pero bago ang lahat, mayroon sana akong gustong ipakausap sa 'yo."



Ano naman kaya 'yong ipapakausap niya sa akin ?Nakatingin lang ako sa kanya habang iba iba 'yong naiisip ko.



"Please protect my daughter no matter what happen."



MAKALIPAS ang ilang minuto ng pag-uusap namin ng Daddy ni Chimnie, nandito na ako ngayon sa isang kuwarto kung saan nandito sila ni Russel. Pinagmamasdan ko lang sila habang ginagamot at wala pa ring malay.









ROSS'S POV

Asia King Teritory...

Hawak ko ang bracelet ni Shimi na nalaglag niya kanina habang nakikipaglaban sila ni Russel. Palagay ko hindi niya namalayan 'to. Mukhang maganda 'yong pinaplano ko. Tama ang hinala ko na isa siyang Gangster.



"Ross, ano? Kailan ba natin sisimulan 'yong plano?" Biglang tanong ni Jayson.



"Oo nga. Alam mo bang excited na ako ro'n?" Saad naman ni Calvin.



"Kung ako ang tatanungin n'yo, mas excited na akong makita kung paano mapapataob si Shimi kasama ang mga Prince." Wika naman ni Erick habang tumatawa.



"Tss, humanda na sila sa pasabog natin." Bigkas ni Barron. Halata naman ang kagustuhan ng lahat na gumanti sa kanila. Well, tignan nalang natin kapag dumating ang araw na 'yon.










*****

Kinabukasan...

SHIMI'S POV

Unti unti nagigising na ako. Pero mayroong mahapdi sa likod ko. Nang maalala ko ang mga pangyayari kahapon napadilat agad ako ng mata.



Pero sa pagdilat kung 'yon, hindi ko alam kung bakit siya ang una kong nakita. Pinagmamasdan niya ang mukha ko at magkalapit kami ngayon ng mukha kaya napasigaw ako sabay bangon.



"P-Prince Azu? Bakit nandito ka?" Tanong ko sabay pikit pikit ng mata. At pagtingin ko sa paligid ko si Russel naman ang nakita ko. Pero ang nakakapagtaka lang bakit sila mga naka-apron na dalawa? "A-Ano namang kalokohan 'yan?" Tanong ko bigla.



"Woah! Gising na pala ang Gangster Princess natin." Sabat naman ni Prince Jenrick.



"Hello, nandito rin kami." Sabi naman no'ng isa pang Prince pero hindi lang isa kundi lahat ng Prince nandito ngayon.



"Nananaginip ba ako?" Bigkas ko kaya natulog ulit ako at muling humiga sa higaan ko.







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon