CPMGP_Chapter 10

88.9K 3K 44
                                    

SHIMI'S POV

"May gusto pa bang lumaban sa inyo?!" Paghahamon ko.



Halos hindi na sila makabangong lahat. May mga tatak na rin silang PP sa mga noo nila. Akala ko tatagal pa 'yong labanan namin pero hindi naman pala.



Naghihintay ako ng sasagot sa kanila pero mukhang baldado na ang mga ito. Mabuti nga at ito lang ang inabot nila sa akin e dahil wala pa ako sa wisyong makipaglaban ngayon.



Minabuti kong tignan 'yong lalaking pinagti-trip-an nila kanina. "Umalis ka na rito." Utos ko sa kanya.



"K-Kung sino ka man, maraming salamat sa pagligtas mo sa akin." Sabi niya at mabilis na nilisan ang lugar.



Binalikan ko naman ng tingin ang mga lalaki. Namimilipit pa rin sila sa sakit dulot ng ginawa ko sa kanila kanina.



"Sana sa susunod, hindi na ulit tayo magkita-kita pa, dahil kung mangyayari man 'yon at maulit pa itong ginawa ninyo, tatapusin ko na kayo." Pagbabanta ko. Pinulot ko na ang helmet ko at sumakay na ako sa motor ko.








DAZU'S POV

"Ayan na si Prince Dazu!" Narinig kong boses no'ng mga inutusan ko kaya dali dali naman akong bumaba ng kotse.



"Asan na 'yong babae?" Tanong ko agad sa kanila habang humahangos pa.



"Ayon siya, Prince Dazu!" Itinuro nila ito.



Nang makita ko 'yong babae papasakay na siya ng motor. Agad naman akong tumakbo papunta sa puwesto niya sa kagustuhan ko siyang makaharap. Pero sadyang maliksi talaga siya. Napakabilis niyang pinaharurot ang motor niya.



"Ang bilis niyang magpatakbo." Napuna siya ng mga inutusan ko.



"Oo nga!" Pagsang-ayon ng iba.



Nakatingin lang ako sa kanya ngayon habang papalayo na siya. Nang makita ko naman 'yong mga lalaking nakahilata rito ngayon, tinitigan ko 'yong mga noo nila. May mga tatak silang PP sa noo katulad ng nakita ko sa video.



"Sigurado ba kayong siya 'yong Shimi Park?" Pagsisiguro ko.



"Oo Prince Dazu, siya nga, at siya rin 'yong babaeng nambugbog sa amin no'n."



"Siyang tunay, Prince Dazu. Maniwala ka sa amin dahil lahat kami rito, nakalaban na niya at isa ng patunay 'yang PP na tatak sa mga noo nila. Nagkaroon na rin kami niyan."



Hindi ko na sila sinagot pa. Sapat na sa akin na halos lahat sila ay nagpapatunay na iisa lang si Shimi Park at 'yong babae sa video.



"Kung gano'n, hindi siya isang pangkaraniwang babae." Sambit ko.






*****

SHIMI'S POV

Recess na namin ngayon. Habang nagkakainan ang grupo ko rito sa isang tabi ng canteen, ang ingay ingay nitong tatlo. Medyo naghaharutan pa nga sila samantala ako in-enjoy ko lang ang pagkain ko ng Potchi.



"Nandiyan ang mga Prince!!!"



Nagulantang ang buong canteen nang marinig nilang paparating daw ang mga Prince. 'Yung mga babae mabilis nilang nilabas 'yong mga pampaganda nila. 'Yung buong canteen nagmistulang beauty parlor ngayon.



Samantala kami nakatingin lang kung saan sila daraan. Pero joke lang pala 'yon dahil itong tatlo kasi nakisali rin pala sa mga 'yon. Nagmadali rin silang nagsuklay at nagpolbo. Naglipstick pa nga sila at nag-eyeliner.



Nang sa pagbukas ng pintuan ng canteen biglang humangin ng malakas kaya nilipad 'yong balat ng Potchi na kinakain ko. Sinubukan ko pa 'yong habulin pero natigilan ako.



Papalapit kasi sa dereksyon namin ang mga Prince nang magulantang ang lahat sa biglaang pangyayari. Sabay sabay nanlaki ang mga mata namin nang makita namin ang itsura ngayon ni Prince Dazu.



'Yung balat kasi ng Potchi na kinakain ko e sumakto 'yon sa ulo niya. At ang nakakagimbal pa ro'n, 'yong asukal, napunta lahat 'yon sa ulunan niya.



Okay lang sana kung isang pirasong Potchi lang ang nilalaman ng balat na 'yon, e. Eh, ang kaso snack pack 'yon.



Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa pangyayari. Ilang beses akong napalunok habang nakatitig sa kanya. Nakanganga pa nga ako.



Natahimik ang buong canteen sa pangyayari.



"Patay." Nakita kong bigkas ni Ayesha sa hangin.



"Puwede pa naman tayong tumakbo 'di ba?" Suhesyon naman ni Alex.



Naging bato naman si Jamaica. Nagulat din ang mga Prince. Napapikit naman ako ng mariin nang makita ko 'yong maraming butil ng asukal na nagkalat sa ulunan niya.



Nang bigla niya akong sinamaan ng tingin kaya nagulantang ako. Dahan dahan siyang pumunta sa kinaroroonan naming apat kaya nagkatinginan kami sa isa't-isa.



Nang makita niyang may asukal ako sa daliri ko napakunot ang noo niya. Nakaramdam ako ng kaba.



"Alam mo ba kung anong puwedeng mangyari sa 'yo ngayong araw?" Nilapitan niya ako at binulungan.



Napalunok ulit ako sabay iling. Wala akong ideya sa sinasabi niya. Maya-maya pa napangisi siya. "Magtago na kayo." Pagbabanta niya matapos ay umalis na siya kasama ng mga Prince. Naiwanan kami ritong nakanganga.



"Oh my! Anong ibig sabihin niya ro'n?" Natatarantang sabi ni Alex.



Kinulbit naman kami ni Jamaica. "T-Tignan n'yo 'yong mga ka-schoolmate natin," Tinignan naman namin ang mga kaschoolmate namin katulad ng sinabi niya. Pero parang may mangyayaring hindi maganda nang tignan namin sila.



"Tumakbo na tayo!!!" Sigaw ni Ayesha kaya nagsitakbuhan naman kami papalabas.



"HABULIN SILA!!!"



"Aaaaaah!" Sigaw ng tatlo.



What the—ang malas naman ng araw na 'to. Hindi ko naman sinasadya 'yon e.








(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon