CPMGP_Chapter 80

55.8K 1.7K 60
                                    

Napapatitig ako sa cell phone na nasa bulsa ng pantalon ni Russel ngayon dahil umilaw ito nang magsend ulit ako ng message kay Shimi habang nag-uusap sila ni Kazu.



"Uy Insan, pakinggan mo. Ang ganda ng new album nila 'di ba?" Sabi niya kaya't hindi na ako tumingin pa ulit sa cell phone niya at binalewala ko na 'yong hinala ko sa kanya.



"H-Ha? Ah, oo." Sagot ko.



Ilang oras ang nakalipas, nakaidlip pala kaming pare-pareho rito sa kama ko. Nasa gitna nila akong dalawa habang nakadantay sa mga binti ko. "Pambihira 'tong mga 'to." Bulong ko sabay iling. Umupo ako at hinawi ang mga paa nila. Pero nang mapatingin ako sa bulsa ni Russel, nakita ko na naman 'yong cell phone niya.



Napatitig ulit ako ro'n at na-curious na parang gusto ko itong kuhain at tignan kung anong nilalaman, pero nang kukuhain ko na ito bigla siyang nagising kaya imbes na kukuhain ko 'yon nagkunwari akong nagtetext at hawak ko ang cell phone ko.



"Oh, Insan?" Napabangon siya. "Dito na pala kami nakatulog ni Kazu. Pasensya na." Sabi niya habang nagkukusot ng mata.



"Ayos lang. Kumain na ba kayo? Alas-diyes na ng gabi."



"Hindi pa. Uy Kazu, gising. Tara, samahan mo akong magdinner sa baba." Ginising niya ang kakambal ko.



"Ha, bakit? Anong oras na ba?" Sabi naman ni Kazu habang nakapikit pa.



"Exactly ten. Halika na. Gumising ka na riyan dahil gutom na ako."



"Oo na." Bumangon na si Kazu. Tinitignan ko lang sila habang papaalis ng kuwarto ko. Humiga na lang ulit ako habang blangko ang isipan ko. Nang bigla namang may nagtext sa akin na unknown number.


Unknown no.: Dazu.


Ayon lang 'yong laman ng text, pangalan ko lang.


Me: Who is dis?


Hanggang sa maghintay ako sa reply no'ng nagtext.


Unknown no.: It's me Claire.


Bigla akong napa-isip kung anong irereply ko sa kanya.


Me: Hey?


Matipid kong reply


Unknown no.: Hey too!


Nasundan pa ng isa pang text niya.


Unknown no.: Can we talk?



Napaisip ulit ako kung anong irereply ko nang bigla siyang tumatawag kaya I answered the phone.



"Dazu?"



Mahina niyang bigkas sa kabilang linya at pinapakinggan ko lang siya dahil parang umiiyak siya.



"Are you crying?" I asked her pero hindi siya sumagot. "Are you okay Claire?" Muli kong tanong.



"No. I'm not."



Naririnig kong umiiyak pa rin siya kaya napaisip tuloy ako at napabuntong hininga. "Okay, tomorrow." I said.



Kinabukasan nakipagkita ako kay Claire. Dito ulit kami nagkita sa dating restaurant kung saan noo'y pinilit ko siyang makipagbalikan sa akin kahit boyfriend na niya noon si Ross. Pagpasok ko sa loob nakita ko siyang nakatungo lang. Waiting for someone at ako 'yon.



"Claire," Bigla siyang napatayo nang makita ako.



"Dazu." Nang bigla siyang yumakap sa akin. "I miss you." Sabi pa niya. Pero hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanya.



"Maupo muna tayo." Inalalayan ko siya kahit na nakabenda pa rin 'yong right arms ko. At ngayong magkatabi kami, hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa kanya na hindi ko na siya gusto at si Shimi na ang mahal ko.



"Wala na kami ni Ross." Hayag niya kaya napatitig ako sa kanya. Nakayuko lang siya at parang babagsak na ang mga luha niya.



"A-Ako ba ang dahilan? I- I'm sorry, Claire."



Mabilis siyang umiling. "Hindi mo naman kailangang manghingi ng sorry kasi, kasi 'di ba ayon naman 'yong gusto mong mangyari? P-Puwede na ulit tayong magsimula." Para siyang nagmamakaawa.



"Pero Claire..."



"D-Di ba ang sabi mo hiwalayan ko na siya at ikaw ang piliin ko? Please Dazu, puwede na tayong magsimula ulit." Halos yakapin na niya ako ngayon at parang ayaw niya akong bitiwan.



"C-Claire, sandali lang, I'm sorry pero si Shimi na ang mahal ko." Mabilis lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin nang sabihin ko 'yon.



"H-Ha?" Pero nagtataka siyang humarap sa akin.



"Si Shimi na ang mahal ko Claire at sana mapatawad mo ako."



Pumatak ang mga luha niya nang deretsuhin kong sabihin sa kanya 'yon. "Hindi. D-Diba ako 'yong mahal mo? Fake lang naman ang relasyon n'yo 'di ba?"



"Dati 'yon, Claire."



"A-Ano bang ibig mong sabihin? Wala naman na si Shimi rito 'di ba? Umalis na siya at iniwan ka na."



Napaisip ako sa sinabi niya at ikinanuot ko 'yon ng noo. "What are you talking about? Oo nasa Palawan siya."



"Hindi nila sinabi sa 'yo ang totoo? Wala na si Shimi rito sa bansa Dazu, kaya please, ako nalang ang piliin mo. D-Diba dati nagmamakaawa ka rin naman sa akin at pinagbigyan kita? Kaya please, ako naman ang pagbigyan mo ngayon, Dazu."



Hinawakan ko ang kanan niyang braso saka ko ito hinigpitan dahilan para mapatigil siya. "Anong wala na rito sa bansa si Shimi?" Seryoso ko siyang tinitigan.



"Nasa korea na siya, at do'n na siya nakatira. Hindi na siya babalik dito, Dazu, kaya please... I love you..." Lumuhod na siya ngayon sa harapan ko habang nagmamakaawa samantala ako, natulala ako sa mga binunyag niya.



Bakit walang nagsabi sa akin ng totoo?



"I'm sorry Claire pero... tapos na tayo." Tinalikuran ko na siya at tuluyan ko na siyang iniwan do'n.





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon