CPMGP_Chapter 64

54.2K 1.9K 88
                                    

SHIMI'S POV

Nagising ako nang marinig kong may pinagtutulungan ang grupo ni Ross ngayon. Pero nagulat ako sa nakita ko dahil si Dazu ang nakikita ko ngayon. Paanong nandito siya?



Nakita kong hinampas siya ni Calvin ng bat sa kaliwa niyang binti at ngayon halos mamilipit siya sa sakit. Si Claire naman nakita ko siyang nakatali ang mga kamay at may pasak sa bibig niya, hindi siya makalapit dahil itinali siya sa poste. Sumisigaw siya pero hindi ko maintindihan 'yon.



"D-Dazu..." Bigkas ko naman habang pinagmamasdan siya.



"Shimi," Sambit naman niya habang nagapang papalapit sa akin.



"Sige Dazu! Ngayon, papapiliin kita. Sino ang ililigtas mo sa kanila? Si Claire o si Shimi?" Biglang tanong ni Ross.



Samantala hinawakan nila Barron at Jayson si Claire habang lumapit naman sa likuran ko sina Calvin at Erick matapos nilang pagtulungan si Dazu. At nananatili pa ring nakadapa sa flooring si Dazu at tila nag-iisip habang namimilipit pa rin sa sakit.



"W-Wag! Pakiusap!" biglaang bigkas ni Dazu. Pero hindi ko alam kung bakit. Basta nakatitig lang siya sa likuran ko at magkatitigan lang kami habang patuloy naman ako sa panghihina dahil sa patuloy na pag-agos ng dugo mula sa ulo ko.











DAZU'S POV

"W-Wag! Pakiusap!" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sina Erick at Calvin sa likuran ni Shimi habang may dala silang bat at may tangka silang ihampas 'yon kay Shimi ng hindi niya nalalaman.



Napakasama nila! Paano nila nagagawa 'to? Pilit pa rin akong tumatayo. Hindi nila puwedeng gawin kay Shimi 'yon.



"Please protect my daughter no matter what happens." Halos paulit ulit 'tong pabalikbalik sa isipan ko gano'n din ang paghalik ko sa kanya nang may maramdaman akong kakaiba. Pero paano si Claire? Sino sa kanilang dalawa ni Shimi ang pipiliin ko?



"Mamili ka na Dazu." Turan ni Ross.













RUSSEL'S POV

Bumalik kami ng mga Prince kasama ang mga Gangster Princess dahil nalaman naming mali 'yong ni-send sa kanilang address. Lumiko naman kami sa kabilang daan kung saan dito namin huling nakita si Dazu kanina.



Nang ma-curious kami sa isang malaking abandunadong bahay kaya pinasok namin ito lalo't may narinig kaming sumigaw mula sa loob at kaboses 'yon ni Dazu. Nagulat kaming lahat nang makita namin si Shimi na may nakaambang hahampasin siya nila Erick at Calvin mula sa likuran nito at mukhang hindi niya 'yon nalalaman.



Mga nakatali ng mahabang kadena si Shimi gano'n din ang mga paa at kamay niya habang nanghihina. Samantala si Dazu nakadapa malapit kay Shimi at tila may iniindang sakit.



Si Claire naman nakita naming umiiyak habang may pasak sa bibig niya at nakatali ang mga kamay niya sa poste at katabi niya sila Jayson at Barron.



Si Ross nakatayo lang habang nakatingin kay Dazu nang bigla itong sumenyas kila Calvin at Erick dahilan para kabahan kaming lahat.



"'WAG!!!" Malakas na sigaw ni Dazu.



Nang makita ko namang hahampasin si Shimi tumakbo ako ng mabilis papalapit sa kanya pero naunahan ako ng pinsan ko. Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano niligtas ni Dazu si Shimi. Gulat lang kaming lahat na nakatingin sa kanilang dalawa ngayon.






(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon