CPMGP_Chapter 43

68.5K 2.2K 190
                                    

CALVIN'S POV

Pagkatapos sabihin sa amin ni Ross na postpone 'yong plano namin tungkol sa babaeng Gangster umalis na lang siya bigla. "Anong pinaplano niya?" Tanong ni Jayson.



"Bakit hindi niya sa atin ipaalam para matulungan natin siya?" Sabat naman ni Barron.



"Guys, hayaan n'yo nalang siya kung anong gusto niyang gawin."



"Tama si Erick, hayaan nalang natin siya. Pero kung hihingi siya sa atin ng tulong—saka natin 'yon gagawin." Singit ko sa usapan nila habang nakatingin pa rin kami sa likuran ni Ross ngayon na naglalakad palayo.



"May point naman kayo. Kaso, curious lang din kasi ako sa pagkatao no'ng babaeng Gangster na 'yon."



"Sino bang hindi? Aaminin ko, kahit ako curious din. Pero, tignan nalang muna natin kung anong plano mayroon si Ross. Sigurado naman akong ipapaalan niya sa atin 'yon maghintay lang tayo."



"Kung gano'n, kapag nahanap na ni Ross 'yong babaeng 'yon, humanda siya sa akin. Ibabalik ko sa kanya 'yong mga suntok na ginawa niya sa akin at sisiguraduhin kong mawawala na siya sa mundo oras na magharap ulit kaming dalawa."




     Calvin Herrera - 2nd KING of ASIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Calvin Herrera - 2nd KING of ASIA

     Calvin Herrera - 2nd KING of ASIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Erick Zamora - 3rd KING of ASIA

      Jayson Dela Fuente - 4th KING of ASIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jayson Dela Fuente - 4th KING of ASIA

      Jayson Dela Fuente - 4th KING of ASIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Barron Ferrer - 5th KING of ASIA








ROSS'S POV

Pagkatapos kong bumaba ng kotse ko pinagmamasdan ko lang itong Kang Academy— Ang Campus ng mga Prince. Oo, at nandito ako ngayon.



Habang nandito ako sa tapat ng gate pinagtitinginan ako ng mga estudyante rito. Kilala kasi akong kaaway ng mga Prince dahil taga Asia Academy ako at isa ako sa mga King doon.



"Dumating na ang mga Prince!!!"



"Nandiyan na sila!!!"



"Campus Prince!!! Campus Prince!!!Campus Prince!!! Campus Prince!!!"



Tumahimik ang lahat nang bigla akong lapitan ng mga Prince. Ngayong nasa harapan ko na sila, lahat ng mga estudyanteng nandito ngayon ay mga nakatingin lang sa amin.








DAZU'S POV

"Anong dahilan ng pagpunta mo rito?" Kunot-noong tanong ni Jenrick kay Ross. Pero laking gulat ni Ross nang bigla siyang suntukin ni Jenrick sa sikmura niya kaya agad naming narinig ang pagdaing niya. Namimilipit siya ngayon sa sakit.



Habang si Kazu naman, ang kakambal ko, nilapitan din siya at binuhusan ng zagu dahilan para lamigin siya. "Kulang pa 'yan sa ginawa mo sa kakambal ko." At binato pa niya ng lagayan ng zagu si Ross.



Nang bigla namang lumapit sina Clifford at Renzo sa kanya at sinulatan nila ng pentel pen ang uniform ni Ross at ang nakalagay ay '2 timer King' na siyang kinangisi ng dalawang Prince.



"Bagay sa 'yo, Ross." Sabi naman ni Renzo.



At si Brent naman ang lumapit sa kanya ngayon at may binulong ito sa kanya na siya niyang ikinagulat. At pagtingin niya sa kotse niya marami na itong dumi at halos punong puno ng pintura na kagagawan naman ni Vince.



"Ayos ba ginawa ko Ross?" Nakangiting sabi ni Vince sa kanya at muli siyang sinikmuraan ni Brent dahilan ng muli niyang pamimilipit.



"Ngayon, sagutin mo kami. Anong dahilan ng pagpunta mo rito?" Tanong ko naman sa kanya habang nasa harapan na niya ako.



"G-Gusto kong... makausap si S-Shimi." Namimilipit niyang sabi.



"Talaga?? At sa tingin mo papayagan kong makausap mo ang GIRLFRIEND KO?" bigkas ko



"A-Anong sinabi mo?" Gulat naman niya.







CLAIRE'S POV

Hindi alam ni Ross na sinundan ko siya kanina nang makita ko siyang nagmamadaling umalis sa Asia Academy. At nang sundan ko siya nagtaka lang ako kung bakit sa Campus ng mga Prince siya nagpunta.



Nandito lang ako sa 'di kalayuan sa kanila kaya hindi nila ako nakikita. Pero hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon dahil sa ginawa ng mga Prince sa kanya. Bakit hindi siya lumaban? At bakit niya hinahanap si Shimi?



Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako ngayon nang marinig ko ang sinabing 'yon ni Ross na nagmula mismo sa bibig niya. Ex-girlfriend na niya si Shimi. Bakit pa niya hinahanap? Anong kailangan niya ro'n?









(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon