CPMGP_Chapter 14

90.8K 2.7K 196
                                    

DAZU'S POV

Today is my Mom's birthday that's why they're all busy. Naghahawian ang lahat ng mga bisita ngayon nang makita nila kaming pito na naglalakad papunta kung saan naandon nakapuwesto si Russel.



Nang makalapit kami sa kanya kaagad na nakipagkamayan ang mga Prince. Pero hindi pa man kami nakakainom, mayroon ng asungot akong nakita. Biglang napakunot 'yong noo ko.



"Teka, anong ginagawa rito ni Ross?" Pagtataka ni Renzo.



"Dazu Kang..." Sabi niya ng makalapit sa amin and he suddenly smirked dahilan ng pagtititigan naming dalawa.






Kang Residence...

SHIMI'S POV

Pagpasok namin dito sa loob manghang mangha lang naman kami sa nakikita namin ngayon.



"Woah! Grabe ang laki ng bahay nila."



"Oo nga. Parang mansion."



"Mga Prinsipe nga talaga sila."



"Uuwi na ako." Sabi ko sabay talikod.



"Teka, sandali lang Shimi. Ngayong gabi lang naman, e."



"Oo nga. Isa pa, wala ka namang gagawin sa inyo."



"Korak! Tignan mo rito mukhang masaya. Madami na ngang mga pagkain, makikita pa natin ang mga Prince."



"Hindi naman ako interesado sa mga 'yon, e." Nakaharang silang tatlo sa daraanan ko.



"Hoy Shimi, sige na, 'wag ka na munang umuwi." Pinaggitnaan nila ako habang nakahawak sa kamay ko at nagmamakaawa sila.



"Tss, baka nakakalimutan ninyong may kasalanan pa kayo sa akin, ha?"



"Oo alam naman namin 'yon, e. After nito promise babawi kami sa 'yo."



"Pumayag ka na kasi Shimi, sige na."



"Nyaah~ tignan n'yo 'yong mga Prince."



"Ha?" Sabay lingunan naman namin ng may tinuturo si Jamaica.



"Saan sila pupunta? Saka sino 'yong lalaking kasama nila?" Nang mapatingin ako sa kanila nakita ko ring kasama nila si Russel.



"Bakit hindi natin sundan?"



"Tara. Uy! Shimi, sasama ka ba?"



"Ha? S-Sige." Pumayag na ako kasi nando'n si Russel, e. Naglalakad na kami ngayon at palihim na sumusunod sa kanila.



"Saan ba sila papunta?"



"Basta sundan nalang natin sila." Bigla nang huminto ang mga Prince at magkakaharap na sila ngayon. Tapos kami parang ispiya lang.



"Dito tayo magtago." Sabi ni Ayesha kaya nagsiksikan kami sa isang maliit na taguan. Nakasilip lang kami.



"Nakakacurious naman. May rumble bang magaganap?" Saad ni Alex. Nagulat naman kaming lahat ng biglang lumuhod si Prince Dazu sa harapan no'ng lalaki.



"K-Kuya, anong ginagawa mo?" Tanong no'ng isang Prince. Lahat sila nagulat sa ginawa ni Prince Dazu.



"Sino ba 'yong lalaking 'yon? Bakit kailangan siyang luhuran ni Prince Dazu?" Sabi ni Jamaica. Nakatingin lang kami sa kanila. Tapos napangisi lang 'yong lalaki sa ginawa ni Prince Dazu.



"Ibalik mo na sa akin si Claire." Habang sinasabi 'yon ni Prince Dazu nakaluhod pa rin siya sa harapan no'ng lalaki pero maangas pa rin 'yong dating niya.



"Sino si Claire?" Tanong naman ni Alex.



"'Wag n'yong sabihing may girlfriend si Prince Dazu?" Wika naman ni Ayesha.



"Bakit hindi natin alam ang tungkol do'n?" Sabat naman ni Jamaica.



Habang ako nakatingin lang do'n sa lalaking nasa harapan ni Prince Dazu. Para kasing pamilyar siya sa akin lalo na 'yong pagkamaangas niya. Bigla niyang hinubad 'yong suot niyang shades dahilan para mapatulala ako sabay tinginan naman sa akin nitong tatlo.



"S-Si Ross?" Gulat na sabi ni Jamaica. "Shimi, bakit nandito si Ross?" Aniya. "Close ba sila ng mga Prince?" Napakunot naman bigla 'yong noo ko.



 "Close ba sila ng mga Prince?" Napakunot naman bigla 'yong noo ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Position: King of Asia Academy

Name: Ross Lazaro

Age: 17

Blood Type: B

Characteristic: He's known as King of Asia Academy. And also ex boyfriend of Shimi.

"Ang mga manloloko hindi na dapat nabubuhay pa rito sa mundo." Mahina kong sabi sabay tayo pero napigilan ako dahil sa isang babae na dumating.



"Babe, ano bang ginagawa mo ri—" Naputol 'yong sasabihin niya nang makita niya ang mga Prince gano'n din si Dazu.



"Teka! Tama ba 'yong nakikita ko si Claire?" Gulat na sabi ni Alex.



"Claire Ann Lopez?" Sabay sabay nilang sabing tatlo.


"Claire Ann Lopez?" Sabay sabay nilang sabing tatlo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(CLAIRE ANN LOPEZ ang ex- bestfriend ni Shimi. Dahilan ng paghihiwalay ni Shimi at Ross)








(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon