CPMGP_Chapter 42

63.6K 2.1K 28
                                    

SHIMI'S POV

Napakunot ang noo ni Prince Dazu nang makita niya ang grupo ni Ross kasama si Claire. Papasok sila rito sa restaurant na pinagkakainan namin ngayon kaya nagulat din ako nang makita ko sila.



"Ang mabuti pa nga lumabas na tayo rito." Tumayo na ako. At nang mapatingin naman ako kay Prince Dazu bigla rin siyang tumayo pero nilapitan niya si Claire habang nakatingin lang kami ni Russel sa kanya.



"Bakit siya lumapit do'n?" Kunot-noo kong bigkas.








ROSS'S POV

Napatingin ako kay Calvin nang ibulong niya sa aking nandito raw si Dazu sa pinuntahan naming restaurant ngayon kaya napatingin ako sa tinuturo niya.



"Akalain n'yo 'yon, nandito pala ang Prince ng Kang Academy?" Sabi ni Jayson nang mapansin niya rin si Dazu.



"Ang prinsipeng nagtatago sa likod ng isang babaeng gangster, tss." Pagkasabi naman nito ni Erick lumapit ako kay Dazu at hinila ko si Claire sa likod ko.



"Talaga bang hindi ka titigil sa kakasunod mo sa amin?" Seryoso kaming nagkatitigang dalawa.



"Ross, hindi lang siya ang nandito ngayon." Pagkasabi naman no'n ni Calvin napatingin kami sa mga papalapit na Si Russel na Pinsan ni Dazu at si Shimi, ang ex-girlfriend ko.



"Yun ba ang tingin ninyo? Kayo ang palaging sinusundan?" Nakangising sabi ni Shimi sabay iling.



"Ahm, babe, d-don nalang tayo sa kabilang counter. Umalis nalang tayo rito, please?" Pagmamakaawa naman sa akin ni Claire dahilan para umiwas kami sa kanila. Tinitigan ko na muna ng masama si Dazu bago kami tuluyang lumipat sa kabilang counter.



"Umalis na tayo rito, Dazu." Narinig ko namang sabi ni Russel.



Ilang minuto ang makalipas, "Babe, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Claire kaya bumalik ako sa ulirat ko. Baka napansin niyang kanina pa ako tahimik matapos naming magpangita nina Shimi at Dazu kanina.



"Uh, yeah. I'm okay, cr lang ako." Mabilis kong tinungo ang cr. Nang makapasok ako sa loob, humarap ako sa salamin at biglang bumalik sa isipan ko 'yong nakita ko sa kamay ni Shimi kanina. May kahawig 'yon pero hindi ko alam kung saan ko 'yon nakita.



"Oh, Ross, ayos ka lang?" Biglang tanong sa akin ni Barron nang makita niya ako rito sa CR na nakatingin sa salamin habang nag-iisip. "Napansin kong naging tahimik ka kanina. Bakit? Si Shimi ba ang dahilan?" Sabi pa niya.



"Ha? Hindi. May iniisip lang ako tungkol sa plano natin." Pag-iiba ko sa usapan.



"Gano'n ba? 'Wag mong masyadong isipin 'yon. Makikita rin natin 'yong babaeng gangster na 'yon. At sinisigurado ko sa 'yong makakaganti tayo sa kanya." Inakbayan niya ako.



"Halika na. Baka hinihintay na tayo ni Claire." Anyaya niya kaya tumango lang ako. Pero habang naglalakad ako kasama itong si Barron, hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong nakita ko sa kamay ni Shimi. Hanggang sa umuwi kami at ihatid ko si Claire sa bahay nila, hanggang sa umuwi na rin ako sa bahay namin hindi pa rin nawawala sa isipan ko 'yon.



Habang umiinom ako mag-isa rito sa rooftop, naisipang kong muling i-play 'yong video ng babaeng Gangster. Pero halos makasampung play na yata ako rito sa video nag-iisip pa rin ako.



"Saan ko ba nakita 'yon?" Bigkas ko.



Pero maya-maya lang napatitig ako sa kamay ng babaeng Gangster. Hanggang sa manlaki 'yong mga mata ko dahil 'yong nakita ko sa kamay ni Shimi at no'ng babae sa video ay iisa. "P-Paano nangyari 'to?" Gulat kong bigkas.








(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon