CPMGP_Chapter 46

60.8K 2.1K 55
                                    

ROSS'S POV

Matapos ang klase, hindi alam ni Shimi na sinundan ko siya dahilan para hindi niya namamalayang kanina pa kami nakamasid sa kanya. Pero hindi ko inaasahang napakabilis niyang magpatakbo. Inihinto ni Shimi ang motor niya sa isang Park kaya nandito rin kami pero medyo malayo sa kanya.



"Ano bang gagawin niya rito sa ganitong oras nang pagabi?" Bigkas ko.



"Ross, sigurado ka ba talagang si Shimi 'yong babaeng Gangster na nasa video?" Tanong ni Erick.



"Tch! Ayon nga 'yong dahilan kung bakit natin siya sinusundan ngayon 'di ba?"



"Tignan n'yo parang may hinihintay siya." Turan ni Barron.



"Grabe, hindi ako makapaniwala na marunong pala siyang magmotor at ang bilis pa niyang magpatakbo. Hindi naman siya gano'n dati." Saad naman ni Calvin.



"Puwede ba? Tumahimik ka muna Calvin." Inis kong sabi sa kanya.



"Okay." Mabilis namang niyang sagot sabay iling.



"Dapat malaman natin ang totoo ngayon na mismo." Kunot-noo kong bigkas.



"Tignan n'yo kung sino 'yong papadating." Turo ni Jayson kaya napatingin kami sa tinuturo niya.



"Si Russel? Russel Kang Montero?" Gulat na sabi ni Erick kaya nagulat din kami.



"Akala ko ba ang boyfriend ni Shimi si Dazu? Bakit nakipagkita siya kay Russel na pinsan ni Dazu?" Nagtatakang tanong ni Jayson.








RUSSEL'S POV

Napangiti muna ako nang makita kong nakaupo ngayon si Shimi sa bench dito sa Park. "Yowh!" Bati ko sa kanya nang lapitan ko siya. "Na storbo ba kita?" Inabutan ko siya ng drinks.



"Hindi naman. Wala pa naman akong gagawin sa bahay. Isa pa, wala namang pasok bukas." Sagot naman niya sabay kuha ng drinks na inaabot ko.



"Nice." Matipid kong sagot. Bigla namang tumahimik nang magkatabi na kami sa upuan.



"Ahm..." Napatingin ako sa kanya nang parang may gusto yata siyang sabihin. "H-Hanggang kailan 'yong bakasyon mo rito sa Pilipinas?" Napangiti muna ulit ako bago ko siya sagutin.



"May isang buwan pa."



"Uh. Okay 'yon." Tumango-tango siya habang nakangiti.



"Uhm..."



"Ahm..."



"May gusto ka pa ulit itanong?"



"Ha? S-Sana?"



"Hahaha! Sure. Ano ba 'yon?"



"M-May—nagkaroon ka na ba ng girlfriend dati?"



"Ah, love life? Haha! Never."



"Eh?" Gulat niya. "Hindi nga?" Ulit niya pa kaya napangiti na naman ako.



"Totoo 'yon."



"Kung gano'n, bakit?"



"Dahil hindi ko pa nahahanap 'yong right girl para sa akin."



"Ah..."



"Pero ngayon,"



"Ha? Pero ngayon ano?"



"tingin ko nakita ko na siya."



"Ang suwerte naman niya kung gano'n."



"Hm? Oo haha! Ayon e kung gusto niya rin ako."



"Bakit naman hindi?"



"Sa tingin mo gusto niya rin kaya ako?"



"Paano ko naman malalaman kung magugustuhan ka niya e hindi ko nga siya kilala?"








SHIMI'S POV

Kaasar pinapakilig niya ako. At sino naman kaya 'yong masuwerteng babae na gusto niya? Bigla siyang tumawa na siya kong ikinagulat. Ay baliw lang? Sana ako nalang 'yong crush niya.



"Paano kung sabihin kung....nasa har-"



"Sabi na nga ba at babalik ang babaeng Gangster dito."



Naputol 'yong sasabihin ni Russel dahil mayroong biglang nagsalita mula sa likuran namin. At nang mapalingon kami rito, hindi lang siya isa, kundi madami sila. Nakapalibot sila sa amin at unti-unti nila kaming nilalapitan.



"Kilala mo ba sila Shimi?" Biglang tanong sa akin ni Russel. Unti unti naman kaming tumayo at tumalikod sa isa't isa. Pero napapaisip ako kung kilala ko nga ba sila.



"Hindi mo na kami kaagad matandaan ha Miss Gangster?" Sabi no'ng isa sa kanila sabay tinapon niya 'yong helmet ko. Sino ba 'tong mga 'to? Napakunot na ako ng noo. "Puwes kami, natatandaan ka namin at 'yang motor mo!!!" Bigla siyang sumugod sa amin ni Russel kaya naitikom ko ang kamao ko.



"Freak! Umalis ka na rito Russel." Sabi ko sa kanya habang nakikipaglaban na ako ngayon.



"Tss, bakit naman kita iiwanan?" Sagot naman niya habang nakikipagsuntukan na rin siya. Pero hindi kaya itong mga kalaban namin ngayon ay minsan ko ng nakalaban? Freaking s***!







ROSS'S POV

Halos magulat kaming lahat dahil sa nakikita namin ngayon. Hindi kami makapaniwala na napakagaling ni Shimi na makipaglaban. Kahit naman nasa malayo kami narinig namin 'yong sinabi ng isa sa kalaban nila.



Tinawag siyang Miss Gangster at sa palagay ko dati na niyang nakaharap ang mga lalaking kalaban nila ngayon. Ngayon, confirmed na ngang siya 'yong bumugbog dito sa mga King at siya 'yong babaeng nasa video. Habang nakikipaglaban silang dalawa ni Russel pinagmamasdan lang namin sila.






(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Where stories live. Discover now