CPMGP_Chapter 26

73.3K 2.5K 167
                                    

"Daddy, kilala n'yo po ang mga magulang ni Dazu?" Tanong ko.



"Ha? Hindi. Nagbibiro lang naman ako." Tumawa ng malakas si Daddy kaya napalihis nalang ako ng tingin. Joke pala 'yon pero 'di ako natawa.



Pagtingin ko naman sa tatlo awkward silang tumawa. Nakikisakay nalang siguro sila kay Daddy.



"Nga pala, saluhan n'yo muna kami sa tanghalian habang nagkukuwentuhan tayo." Sabi ulit ni Daddy.



LUNCH TIME na. Nasa isang malaking lamesa kami ngayon at nagsasalo-salo kasama ang Gang ni Mommy. Nagigitnaan nila 'yong tatlo (Prince Dazu, Russel, Prince Jenrick) kaya hindi sila makakain ng maayos.



Samantala magkakatabi naman kami nila Daddy at napapagitnaan nila ako ni Mommy kaya magkatapat kami ni Prince Dazu ngayon.



"Nga pala, Dazu, itong unica ija ko iingatan mo 'to. Dito sa lugar namin siya ang prinsesa kaya dapat gano'n mo rin siya kung ituring." Biglang nabilaukan si Prince Dazu matapos 'yong sabihin ni Daddy.



"Oho! oho! oho!!"



"Ito uminom ka." Inabutan siya ni Mommy ng tubig kaya uminom naman siya agad.



"Okay ka lang Ijo?" Tanong ni Daddy sa kanya.



"O-Opo okay lang po." Sagot niya sabay siko ulit sa kanya ng dalawa niyang kasama at nakita ko 'yon. "Ah, o-opo gano'n ko naman po kasi siya kung ituring." Pagkasabi naman niya no'n ako naman 'yong nabilaukan.



"Young Miss, okay ka lang?"



"Painumin n'yo siya." Utos naman ni Daddy kaya inabutan kaagad ako ni Mommy ng tubig at agad nila akong pinalibutan lahat.









DAZU'S POV

Gano'n ba talaga siya kaimportante sa mga gangsters na 'to? Eh, kung sigaw sigawan ko nga siya sa Campus wala akong pakialam e. "'Wag n'yo po akong alalahanin. A-Ayos lang po ako. Nasamid lang po ako pero okay na." Sabi niya kaya nagsibalikan na 'yong mga Gangsters sa mga upuan nila sa tabi namin.



"Kung gano'n, ijo Dazu," Sabi ulit no'ng Daddy niya kaya napaharap na naman ako rito. "Dederetsuhin na kita," Ano naman kaya 'yong sasabihin niya? Nakakakaba e. "Gaano mo ka-Mahal ang anak ko?"



Gaano mo ka mahal ang anak ko?
Paulit ulit lang naman 'tong pabalik balik sa utak ko. Anong isasagot ko? I hate your daughter? Baka hindi na ako nito makalabas ng buhay dito.



Sa totoo lang naiirita pa nga ako sa kanya e tapos magkaaway pa kami. Hays, kung puwede lang sanang sabihin 'yong gano'n sinabi ko na.



"Narinig ko pong sabi nya dati kay Shimi.... IBIGIN MO LANG AKO DADAMI TAYO." Biglang sabi ni Jenrick sabay napanganga naman ako



"Agad agad?" Biglang napasagot 'yong Mommy niyang tahimik.



"Tama! Narinig ko rin sa kanya 'yon. 'Di ba, Insan?" Sabi naman nitong si Russel sabay siko ulit sa akin.



"Ha?" Pagtataka ko naman. Ano bang mga kasinungalingan 'yong ini-imbento nitong dalawang 'to?



"Hahaha!!!" Nang bigla tumawa 'yong Daddy ni Chimnie. Pambihira 'tong mga 'to babanat lang ng lines 'yong marahas pa.



"Nakakatawa ka naman, Ijo. Nga pala, bakit pala sinundan mo ang anak ko hanggang dito? Bilib ako sa tapang mo ah?"



"Ha?Ah, k-kasi po ang totoo niyan nag-iispiya lang naman tal—"



"Kasi po gustong gusto nya po yung anak nyong si Shimi kaya nag iispiya po sya ngayon at isinama pa nga po nya kami dito ohh." Biglang singit ulit ni Jenrick. Anak ka ng....anong pinagsasasabi nya?



"Talaga? Pero alam mo bang ikaw lang ang kauna-unahang naglakas loob na gawin 'yon?"



"Ah, t-talaga po?" Awkward ulit akong tumawa.



"Oo, ikaw lang talaga. Mayroon pa pala akong itatanong."



"S-Sige po kahit ano." Uminom ulit ako ng tubig. Libre naman ang magtanong e 'yon nga lang nakakaba kasi mga tanong niya sa akin.







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon