CPMGP_Chapter 19

83.7K 2.6K 41
                                    

SHIMI'S POV

Alas-sais na nang gabi ngayon at hanggang ngayon nandito pa rin kami sa Campus. Pero ang kinaiinisan ko ay naglilinis kami ngayon ng sasakyan ng mga Prince dahil sa mga Best friends ko. Tinitigan ko sila ng masama.



"Maggagabi na! Nakakainis kayong tatlo!" Anas ko.



"'Wag ka ng mainis Shimi. Hindi naman namin akalaing ganito ipagagawa sa atin ng mga Prince e~" Sabi ni Ayesha. Mga nakanguso sila sabay kamot sa ulunan.



"Bakit kasi sinabi n'yong gagawin n'yo ang lahat 'wag lang tayong itaboy?!" Sigaw ko pa sabay tingin sa kawalan. "Nakakainis talaga 'yong Prince Azu na 'yon!" Pinalipit ko 'yong basahang pamunas sa sasakyan dahilan para mapiga 'to ng husto kaya nang mapatingin ulit ako rito sa tatlo nagtutulakan sila. "Humanda siya sa akin!!!" Sigaw ko pa.



"'Wag ka nang mainis." Biglang may nagsalita mula sa likuran ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Para kasing pamilyar 'yong boses na 'yon.



"Russel Kang Montero?"
Sabay sabay na sabi no'ng tatlo habang dahan-dahan ko naman siyang nilingon.



"Hi! Girls." Sabi niya sabay kindat kaya parang nanigas 'yong tatlo sa kinatatayuan nila.



Bakit kaya siya bumalik dito? Narinig niya kaya 'yong sigaw ko? Nakakahiya! "Pagpasensyahan n'yo na 'yong pinsan ko, ha? Pero at least, mananatili pa rin kayo rito sa Campus." Sabi pa niya ulit.



"W-Wala 'yon." Rinig kong nagpapacute na boses ni Alex.



"H-Hi Russel ihh~" Pabebe talk naman na sabi ni Jamaica.



"Ang bango bango mo~" Sabi naman ni Ayesha.



Samantala ako napalihis ng tingin. Pambihira kasi 'tong tatlong 'to. Hindi ba sila nahihiya sa ginagawa nila? Kasi ako nahihiya e. Nakangiti lang sa aming lahat ngayon si Russel. At nang magkatinginan kaming dalawa napapaiwas talaga ako ng tingin sa kanya. Nanatili siyang nakangiti sa akin.



"Ahm, tulungan ko na kayo." Alok niya kaya nagulat kami.



"Hindi nga?" Sabay sabay naming sabi.



"Ikaw? Russel Kang Montero tutulong sa amin?" —Jamaica.



Ngiting ngiti 'yong tatlo ngayon. "Ang gentleman mo naman~" —Alex.



"Hindi na Russel, kaya na nilang tatlo 'yan." Sabat ko.



"'Wag ka namang ganyan, Shimi." Hinampas nila akong tatlo sa braso ko kaya nagpigil akong 'wag gantihan itong 'tatlong 'to. Pasalamat sila at si Russel ang kaharap namin ngayon dahil kung hindi, binigwasan ko na sila isa-isa.



"Wag mo siyang ipagkait." Sabay sabay pa nilang sabi.



"Pero teka lang? Paano kayo naging magkakilala?" Curios na sabi ni Ayesha sa akin.



"Oo nga. Saka close ba kayo?" Sunod namang tanong ni Alex.



"Uy Shimi! Magsalita ka naman." Inalog ako ni Jamaica.



"Wala akong alam sa sinasabi n'yo." Pagtatanggi ko. Ang bilis talagang makahalata nitong mga 'to.



"Ang daya niya ayaw niyang magsalita!" Pagmamaktol nila dahilan para tumawa si Russel.



"Ang mabuti pa, umpisahan na nating linisin 'to para makauwi tayo ng maaga." Naghuhubad siya ng damit pang-itaas habang sinasabi ito ni Russel kaya nanlaki ang mga mata namin pare-pareho.



"Hihimatayin ako~" Sabi ni Jamaica.



"Hindi ako makahinga~" Sabi naman ni Alex. Samantala si Ayesha naman e napatulala nalang—at ako? Nanigas lang naman ako sa kinatatayuan ko.



"Mukhang kailangan ko ng nebulizer." Bulong ko habang hindi matinag sa pagtitig sa katawan niya. Ang laki kasi ng abs niya. Ang macho ng katawan niya. Napatalikod nalang ako sabay kagat sa ibabang labi. Putspa. Kailangan niya ba kasi talagang gawin 'yon sa harapan namin? Kailangan ko ng oxygen!



"Girls??" Nagtataka niyang sabi habang nakatingin sa amin kaya bumalik ako sa ulirat ko. Nawala tuloy 'yong pagkainis ko kay Prince Dazu nang dahil sa kanya.








JENRICK'S POV

"Tama lang 'yong parusa na 'yon sa kanila." Kausap ni Dazu 'yong sarili niya habang tumatawa. Nakaupo siya ro'n sa sofa mag-isa habang nakatalikod sa amin.




Nandito kami ngayon sa Teretoryo namin ng mga Prince. Pinagmamasdan lang namin ngayon si Dazu dahil tuwang tuwa siya ro'n sa parusang pinagawa niya kina Shimi. Napailing nalang ako.



"Masaya na siya ro'n?" Pagtataka ni Clifford.



"Grabe talaga 'yang kakambal mo Kazu." Saad naman ni Renzo.



"Hayaan n'yo na, minsan n'yo lang naman makitang masaya 'yan." Singit ni Brent—ang Silent Type sa grupo namin. Mukhang may point siya kaya sumang-ayon naman kami.



"Sabagay, kung 'yan ang ikakasaya ni Kuya hayaan na natin." Sabi naman ni Kazu kaya tumango tango nalang kami.



"Magkaiba talaga kayo, 'yon lang ang masasabi ko." Sabi ni Vince sabay iling.



Tapos muli na namang tumawa si Dazu at maya-maya pa nagseryoso na naman siya. "Tignan natin kung hindi kayo sumuko sa mga ipagagawa ko." Sabi niya sa hangin kaya ako naman ang napailing ngayon.



"Moody maker talaga." Sambit ko sabay tawa ng mahina.



Nang biglang may tumawag sa cell phone niya kaya sinagot niya 'yon. "Okay, magkita tayo. 'Wag kang aalis, hintayin mo ako." Agad siyang tumayo.



"Teka Kuya! Saan ka pupunta?" Tanong ni Kazu ng sundan namin siya ng tingin pero huli na ang lahat dahil ang bilis niyang umalis. Hindi man lang siya nagpaalam sa amin.



"Hayaan mo nalang siya, Kazu." Hinawakan ko si Kazu sa balikat niya. "Ang mabuti pa, manuod nalang tayo ngayon ng TV dahil laban ngayon ng Cavs vs. Golden State."



"Ngayon na ba 'yon? Tara! Tara!"





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Where stories live. Discover now