CPMGP_Chapter 57

57.1K 2K 74
                                    

SHIMI'S POV

Anong oras na, hindi pa rin ako makatulog hanggang ngayon. Nandito ako ngayon sa kama ko at hindi ko alam kung anong pusisyon ang gagawin ko sa paghiga.



Ang hirap ng ganito baka kung anong isipin ni Russel sa amin ni Prince Dazu. Hindi niya sinasagot 'yong mga tawag ko at kahit maraming beses na akong nagmiscalled sa kanya hindi pa rin ako sumusuko. "Please, Russel, sagutin mo." Bulong ko. Nagulat naman ako nang biglang may sumagot.



"H-Hello Russel?" Bigkas ko kaagad.



"Chimnie?" – sabi ro'n sa kabilang linya at parang nawawala-wala 'yong signal niya. Pero ang nakakapagtaka ro'n bakit parang boses ni Prince Dazu 'yon? Bakit siya ang sumagot ng tawag ko kay Russel?



"H-Hello? Prince Dazu, ikaw ba 'yan?"



"Chimnie! Nandito... kami sa... Bar."



Nagtaka ako sa narinig ko. Anong ginagawa nila ro'n ng ganitong oras? "Hello? Anong ginagawa n'yo riyan? Russel? Prince Dazu?" Nang biglang naputol 'yong call kaya nag-alala ako.



Sana naman walang nangyari. Bakit nando'n sila? Dali dali akong nagbihis at umalis ng bahay para puntahan sila ro'n. Pinaandar ko ng mabilis 'yong motor ko pagkalabas ko.






DAZU'S POV

"Hindi! Kaya ko pang uminom!" Pagpupumiglas ni Russel nang kunin ko 'yong baso niyang may laman na alak. Marami-marami na siyang naiinom kaya hindi na niya ma-control ang sarili niya.



"Insan, hindi ka puwedeng makita nila Mama at Papa na ganyan, maga-grounded ako. Alam mo namang sagutin kita hangga't nandito ka sa Pilipinas. Hays! Ano bang gagawin ko?"



Mag-isa lang kasi ako at hindi ko na pinaalam 'to sa mga Prince puwera lang kay Jenrick pero ang tagal niyang dumating. Uminom pa ulit si Russel ng alak. "Hays, kung si Chimnie ang dahilan ng lahat nang 'to, sorry na. Hindi ko naman sinasadya, tch!"



"Dazu?" Narinig kong boses ni Jenrick kaya agad akong napalingon sa kanya. "Salamat naman at dumating ka na. Tulungan mo nga akong kaladkarin 'to palabas." Pinagtulungan naming hawakan si Russel sa magkabila niyang braso at hinila na namin siya ngayon palabas.


"Gusto ko pang uminom." Wala sa sarili niyang sabi dahil halatang marami na talaga siyang nainom.



"Insan, sorry na talaga. Dapat kasi nag-usap nalang tayo tungk—" Naputol 'yong sinasabi ko nang pagdating namin sa labas nakita namin si Chimnie na nagmamadali ring pumasok dito sa loob kaya napahinto kami at napatitig naman siya sa amin.



"Hindi ko inaasahang... pupunta ka." Sabi ko sa kanya. Pero nagulat kami nang bigla siyang lapitan ni Russel at niyakap siya nito. Nakatingin lang kami ni Jenrick sa kanilang dalawa.



"Shimi," Bigkas ni Russel.



"R-Russel, bakit ka uminom?" Tanong naman ni Chimnie sa kanya. Halata ang pag-aalala niya kay Russel.



"I-..... i love...you." Pagkasabi nya nito syang halik nya kay Chimnie na labis naming ikinagulat ni Jenrick, na mas ikinagulat ni Chimnie.



Pero sa pagkakataong 'yon, hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang nilapitan si Russel sabay sinuntok ko siya dahilan para makatulog siya.



"Dazu! Bakit mo ginawa kay Russel 'yon?" Tanong ni Jenrick sabay lapit at alalay niya kay Russel. Pero pagkatapos ko namang suntukin si Russel nagulat din ako sa ginawa ko sabay tingin kay Chimnie na nagulat din sa ginawa ko.



"P-Puwede bang sa F.O.L nalang muna siya?" Sabi ko sa kanya.






(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon