CPMGP_Chapter 39

66.2K 2.3K 139
                                    

DAZU'S POV

Habang naglalakad kami sa hallways pinagtitinginan kami ng mga ka-schoolmates at guro namin na nakakakita sa amin ngayon—at habang si Chimnie nagtatago ng mukha, ako naman proud sa suot ko dahil kaming dalawa ngayon ang kakaiba. Nandito na kami ngayon sa tapat ng room.



"Uy Chimnie, pumasok na tayo sa loob." Anyaya ko.



"Ayaw." Sabi niya sabay iling.



"Akala ko ba ayaw mong makaligta ng subject? Sige ka, magagalit mga magulang mong Gangs—" Naputol 'yong sasabihin ko. "Halika na kasi!" Anyaya ko ulit.



"Ayaw."



"Bakit ba ayaw mo?" Bigla akong napaisip. "Ah, dahil ba magkapareho tayo ng suot ngayon, ha?" Napapangiti ako at 'di naglaon tumawa na ako ng malakas.










SHIMI'S POV

Matapos niyang sabihin 'yon tumatawa lang naman siya ngayon. Baliw! "Ulol!!" Sabi ko sa kanya.



"Tss, halika na kasi. Bakit ka mahihiya? Prinsipe ako rito kaya masuwerte ka sa akin kahit pagtinginan nila tayo."



"Baka malas." Mahina kong sabi.



"Eh, ano ba kasi kung pagtitinginan nila tayo?" Nang biglang may nagbukas ng pintuan nitong room namin dahilan para magulat kami. Tila na nigas ako sa kinatatayuan ko.



"Bakit hindi pa kayo pumasok dito sa loob?" Sabi no'ng teacher namin, kaya no'ng pagpasok namin sa loob...



"Yun oh!" Sigaw ng isang Prince at naghiyawan silang lahat. Nakakahiya talaga dahil pareho kaming nakaP.E ng bitin.



"Mukhang may namumuo na talaga!" Sigaw pa ng isa pang Prince.



"Uy Shimi! Kayo na ba ni Prince Dazu, ha?" Sigaw naman ni Alex. Nakakaasar lang dahil pati sila nakikisali sa pang-aasar sa amin.



"Oh, my gosh! Sila na ba?" Bigla silang nagsigawan ulit.



"SHI.ZU!!!SHI.ZU!!!SHI.ZU!!!SHI.ZU!!!SHI.ZU!!!!"



Ang ingay ng mga kaklase namin at parang may sinisigaw sila. Pero damn it! Ginawa nila kaming aso, ang sagwa kaya. Nakayuko nalang ako habang si Prince Azu nakangiti ng wagas. Ang plastic niya talaga.



"Umupo na tayo." Aniya sabay hila sa akin dahilan para magtilian ulit ang mga kaklase namin.



"Bagay kayo!!!"


"Sandali lang!" Sigaw pa no'ng isa pang Prince. "Sagutin n'yo muna kami, kayo na ba?!" Bigla akong napanganga dahil sa naghihiyawan na talaga sila.



"Uhm! Kami na." Sagot naman ni Prince Azu dahilan para lalong umingay sa loob ng classroom.



Humanda siya sa akin mamaya. Pagkaupo naman naming dalawa nakasimangot akong nakatingin sa kanya samantala siya kinindatan naman niya ako kaya kinilabutan ako. Hindi niya ako madadaan sa pakindat kindat niya 'no.







*****

Asia Academy...

ROSS'S POV

"Sino ba 'yong babaeng tumulong kay Dazu?" Sambit ko. Napapaisip talaga ako.



"Ross?" Napalingon ako nang tawagin ako ni Calvin, kasama niya ang mga kaibigan namin. Pero may mga band aid sila sa mukha dahil gawa nga no'ng babae.



"Nakuhaan namin ng video 'yong babaeng tumulong kay Dazu." Sabi naman ni Erick.



"Anong sinabi n'yo?" Gulat ko sabay may inabot silang cell phone sa akin at ni-play nila 'yong video.



"Ross, tignan mo 'yong suot niyang uniform, hindi ba't ka-schoolmate din nila?" Saad naman ni Barron.



"Ka-schoolmate nila? Kung gano'n, sino siya?" Napaisip ulit ako. Kunot-noo lang akong nakatingin sa mga kaibigan ko ngayon.



"May ginawa na kaming plano Ross." Sabi naman ni Jayson.



Nang matapos ko itong panuorin napangisi nalang ako. "Once na malaman ko kung sino siya, lagot siya sa akin at isasama ko pa si Dazu." Bulong ko. "Sige, sabihin n'yo sa akin kung anong naisip n'yong plano."







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon