CPMGP_Chapter 76

53.1K 1.7K 37
                                    

ALEX'S POV

Nandito kami sa gate ng Campus at hinihintay namin si Shimi, pero nagtataka kami dahil hindi namin siya ma-contact kanina pa. Bakit gano'n e dati naman siya 'yong palaging nauuna rito. "Mauna na kaya tayo sa room? Baka ma-la-late lang 'yon." Sabi ni Ayesha kaya tumango naman kami.



Pero lumipas ang buong maghapon sa klase ni anino ni Shimi ay hindi namin nakita, kaya pinagkasundaan naming bisitahin siya sa bahay nila. Malapit na kami sa tapat ng bahay nila Shimi nang bigla kaming magtaka dahil nandito rin si Russel papalabas ng gate nila.



"Russel?" Sabay sabay naming bigkas kaya napalingon siya sa amin.



"Amh, binisita mo si Shimi?" Tanong ko.



"Bakit daw kaya hindi siya nakapasok? Masama ba 'yong pakiramdam niya?" Tinatanong namin siya pero tahimik lang siya at nakayuko pa.



"Bakit? May problema ba?" Tanong pa ni Jamaica sa kanya at hinihintay namin siyang magsalita.



"Wala na siya." Sagot niya kaya naguluhan kami.



"Anong wala na siya?" Tanong ko.



"Umalis na siya ng bansa."



"Ano?" Gulat naming tatlo sabay nagtakbuhan kami papasok sa loob ng bahay nila at naiwan si Russel sa labas.



Pagpunta namin dito nakausap namin ang isa sa mga katulong nila. At dito namin na laman na totoo nga ang sinabi ni Russel at hindi siya nagsisinungaling. Halos manglambot din kami sa nalaman namin katulad ng itsura ni Russel kanina nang makita namin siya. Unti-unti kaming lumalabas ng gate habang nakayuko.



"Bakit hindi niya pinaalam sa atin?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Jamaica.



"Ang daya niya. Bakit niya tayo iniwan?" Maluha-luha ko namang sabi.



"Akala ba natin walang iwanan?" Sabi naman ni Alex habang nagpupunas ng luha. "Paano na 'yong friendship natin?"



Napatingin kami kay Russel at tila mas malungkot siya kaysa sa amin. Pero paano pa kaya kung si Prince Dazu na ang makaalam nito kapag ka nagising na siya? "R-Russel, wala rin kaming alam tungkol sa pag-alis niya."



"Ang daya ni Shimi, nang iwan siya." Aniya at halatang malungkot ang mga mata niya.



"P-Paano na si Prince Dazu?"



"Mauuna na ako sa inyo. Bibisitahin ko pa si Dazu." Pagpapaalam niya sabay sakay sa kotse niya habang kami, pinagmamasdan lang namin 'yong napakalungkot niyang mukha.



"Hala. Naiiyak na ako." Sabi ni Jamaica.



"Ikaw lang ba?" Sabat ko naman



"Sana contact-in naman niya tayo hindi 'yong parang wala lang." Nagyakapan kaming tatlo sabay nag-iiyakan.










RUSSEL'S POV

Habang nagda-drive ako ng napakatulin hindi ko maiwasang hindi i-question si Shimi sa pag-alis niya. Halos mamilipit 'yong mga daliri ko sa galit dahil sa ginawa niyang pang-iiwan.



Anong dahilan niya? Bakit bigla siyang umalis ng gano'n gano'n na lang? "Bakit Shimi? Bakit iniwan mo si Dazu? Anong dahilan mo?" Mahina kong bigkas. Nang biglang bumalik sa isipan ko 'yong sinabi ng katulong nila kanina.



"Hindi na po babalik dito sila Ma'am at Sir."


"A-Ano? Bakit daw?"


"Ang alam ko po roon na ipagpapatuloy ni Young Miss ang pag-aaral niya sa Korea."



Bigla kong hininto ang sasakyan. "Paano mo nagawa 'yon? Bakit?!" Hinampas ko 'yong manibela dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.






 "Paano mo nagawa 'yon? Bakit?!" Hinampas ko 'yong manibela dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon