CPMGP_Chapter 50

64.2K 2K 80
                                    

Bigla akong napasigaw sabay bangon, sabay tingin sa paligid nang maalimpungatan ako. Nasa F.O.L pa ako at nananaginip nga lang ako. Akala ko nandito na 'yong mga Prince at alam na nila 'yong totoo kong pagkatao.



Mabuti nalang at panaginip lang 'yon.



Nang bigla ko namang maalala na katabi ko rito kagabi si Russel habang ginagamot kami, pero pagtingin ko sa higaan niya wala na siya rito ngayon.



"Saan naman kaya nagpunta 'yon?" Tumayo na ako at lumabas ng kuwarto para hanapin siya.









DAZU'S POV

Magkasama kami ngayon ni Russel at nagbababad ako ngayon sa hot spring habang siya, 'yong mga paa niya lang 'yong nakababad dahil nga may mga sugat siya sa likuran niya.



Nandito pa rin kami hanggang ngayon sa F.O.L. Tahimik lang kaming dalawa at tila nagpapakiramdaman sa isa't isa.



Dito na kami pinatulog ng Daddy ni Chimnie kagabi dahil hindi nga puwedeng malaman nila Papa at Mama ang nangyari sa kanya, lalo na ni Tita Mimi—ang Mommy niya na hinahanap siya kahapon pa.



"Umm, naikuwento sa akin ng Daddy ni Chimnie ang nangyari sa inyo kagabi." Panimula ko sa usapan.



"Umh." Matipid niyang sagot sabay ngiti kaya nagtataka akong napatitig sa kanya."Hoy Insan, anong nginingiti- ngiti mo riyan?"



.."I think I'm inlove with her." Sabi nya ng nakangiti pa din.



"Si... Chimnie?" Tanong ko.



"Yup."



"Really?"



"Yeah. Sa tingin mo ba, gusto niya rin ako?"



Sa tanong niyang 'yon napaisip ako bigla. Ibig sabihin pareho nilang gusto ang isa't isa. "Bakit hindi mo sa kanya itanong 'yan? Ang hina mo pa rin talaga sa ganyan hanggang ngayon."



Napangiti ulit siya. "Natatakot lang kasi ulit ako."



"Na maulit 'yong dati?" Hindi na siya sumagot sa sinabi ko.



Bumalik naman sa alaala ko 'yong minsang nagkagusto sa akin 'yong babaeng nagugustuhan niya noon na nagustuhan ko rin sa 'di inaasahang pagkakataon. Four years na rin naman na ang nakakalipas pero parang dala dala pa rin niya 'yon hanggang ngayon.



"Hindi na mauulit 'yon, Russel." Sabi ko dahilan para batukan niya ako. "Hays! Bakit mo ginawa 'yon?" Napahawak ako sa ulunan ko.



"'Wag kang magsalita ng tapos." Sabi niya sabay tayo at alis.



"Teka! Saan ka pupunta?!" Sigaw ko pero hindi na siya lumingon pa.










ALEX'S POV

Maaangas ang dating namin ngayon habang nagpapaandar ng mga motor namin. Humaharurot kami papuntang F.O.L para samahan si Shimi sa pagsasanay. Pero habang nagpapatakbo kami ng matulin nina Ayesha at Jamaica, hindi ko inaasahang may mapapansin ako sa dinaraanan namin ngayon kaya bigla akong napahinto.



"Uy! Bakit ka huminto?!" Tanong ni Ayesha nang mapansin niya ako. Napahinto silang dalawa ni Jamaica.



"Anong mayroon?" —Jamaica.



"Nakikita n'yo bang nakikita ko?" Balik kong tanong sa kanila habang nakatingin sa mga babaeng taga Asia Academy.



Tss, ang mga Asia Queens. Nasa isang fastfood sila kumakain pero nasa labas sila, nagtatawanan at nagmamaganda. Nyemas. "Ang mga impakta, nandito pala." Bigkas ni Jamaica nang makita niya rin 'yong tinitignan ko ngayon.



Yung limang babae na nakikita namin ngayon, sila 'yong mga bagong kaibigan ni Claire na dati na rin naming mga nakabangga. Nilampaso nila kami no'n dahil inawat kami ni Shimi at nagpipigil lang kami no'ng mga oras na 'yon dahil hindi puwedeng malaman ng kahit sino kung paano kami makipaglaban bilang mga Gangsters.



Pero kung nagkataong nasa tagong lugar kami no'n hindi ko palalampasin na ingudngud 'yong mga mukha nila sa flooring. Feeling nitong mga 'to magaganda sila pero damn it, ang chaka naman ng mga mukha. Hindi ako judge mental, nagsasabi lang ako ng totoo. Idagdag pa 'yong mga masasama nilang mga ugali.



Biglang akong lumapit sa kinaroroonan nila at sinundan naman ako nina Jamaica at Ayesha. Kinuha ko 'yong dalawang baso ng tubig na nasa harapan nila na mayroong lamang yelo sabay tapon sa mga mukha nila dahilan para magulantang sila.







 Kinuha ko 'yong dalawang baso ng tubig na nasa harapan nila na mayroong lamang yelo sabay tapon sa mga mukha nila dahilan para magulantang sila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon