CPMGP_Chapter 23

75K 2.5K 18
                                    

Isang oras ang makalipas nakaalis na kami ng bahay at mabuti nalang din walang pasok ngayon. "Oy Insan, sigurado ka bang dito 'yong bahay no'ng Chimnie na 'yon?" Tanong ko. Hindi kasi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ang laki laki ng bahay nila pero parang nakakatakot.



"Oo, dito raw nakita ng inutusan ko si Shimi kagabi, e."



"Kung gano'n, umuwi nalang tayo." Sabi ko sabay talikod.



"Oops, oops, mag-iispiya nga 'di ba?" Singit ni Jenrick—ang bestfriend ko sa mga Prince at kasama namin siya kaya bale tatlo kami rito ngayon. "Tingin ko talaga hindi pangkaraniwang babae si Shimi." Dagdag pa niya.



"Teka, may papalabas." Napansin kong may tao sa gate nila. Nagtago naman kami sa halamanan at nakasilip lang. Pero nagulat kami sa nakita namin dahil sampung katao 'yong lumabas at mga nakamotor sila at super tulin magpaharurot.



"Grabe, tao ba 'yong mga nagpapatakbo no'n?" Gulat ko.



"Woah, ang astig." Saad ni Jenrick.



"Napansin n'yo ba kung isa si Shimi ro'n?" Tanong naman ni Russel.



"Ha? Hindi."



"Tara! Sundan natin." Anyaya niya kaya sumakay na kami sa kotse. Sampung minuto ang makalipas nasa harap na kami ngayon ng isang napakalaking hindi ko alam kung anong itatawag ko rito pero nakakatakot ang itsura.



"Ano bang klaseng lugar 'to?" Tanong nitong si Jenrick. Hindi kasi kami makapaniwala sa nakikita namin ngayon.



"Sa palagay ko, gangster ang mga nandito." Sagot naman ni Russel.



"Gangster???" Gulat na sabi namin ni Jenrick.



"Ahm, puwede naman na tayong umuwi 'di ba?" Agad kong sabi sabay talikod.



"Itutuloy natin 'to." Sabi ulit ni Russel.



"Pambihira ka naman, Insan. Mahal ko pa ang buhay ko. Isa pa, kapag nalaman nila Mama at Papa ang pagpunta natin dito siguradong maga-grounded ako kaya tara na." Tumalikod na ulit ako pero nagulat ako nang may mga nakatingin na pala sa amin ngayon. "M-Mukhang may nakakita sa atin." Napaatras ako sabay napalingon naman itong dalawa sa akin dahilan para magulat din sila sa nakikita ko ngayon.







SHIMI'S POV

Nang makarating ako rito sa F.O.L siyang pasok ko kaagad sa loob at ginalang ako ng mga tauhan namin habang naglalakad ako papasok. F.O.L - [Fight or Life Place] kung saan dito ginaganap ang labanan ng mga Gangster to Gangster kapag may naghamon sa grupo namin. Ang Daddy ko ang Great Founder nito at ang Mommy ko naman ang kilalang Rank 2 ng pinaka-kinakatakutang Gang nila.



Hindi naman sa nagyayabang ako pero ito ang buhay ko. Namulat ako sa labanan dahil oo—I'm a Gangster. My Mom and Dad are both GANGSTERS. Kapag wala akong pasok sa school dito ako nagsasanay palagi para lalo akong mahasa sa pakikipaglaban. Inaamin ko pagdating ng araw mamanahin ko ang lugar na 'to. Napangisi ako habang nililibot ko ang tingin sa buong kapaligiran.



"Ayan na si Young Miss." Sabi ni Unnie Mizty. Ang Rank 3 sa Gang nila Mom.



BLACK SAPPHIRE GANG CHART:

Rank 1: Jhay-d Famen [Killer Ahkeyn]

Rank 2: Kimi De Vina [Silent Princess]

Rank 3: Prince Mendoza [Prince]

Rank 4: Mizty Arrin Dizon [Stealth Walker]

Rank 5: Girlie Ann Dominguez [Lady Death]

Rank 6: Ken "Uno" Cani [Dark Cyclone]

Rank 7: Mira Chloe Mendez [Queen Betrayal]

Rank 8: Janine Casano [Black Assasin]

Rank 9: Haven Chen [Vengeance Reaper]

Rank 10: Triztan Mendoza [Triztan]


Habang naglalakad ako napahinto ako nang makita ko ang Chart na 'to. Ito 'yong Gang nila Mom kung saan ngayon sila na 'yong nagga-guide sa akin para masanay ako ng husto sa pakikipaglaban. At ang tawag ko sa kanila Oppa and Unnie, except kay tito Jhay-d. Tito ko siya dahil ang napangasawa niya ay pinsan ni Daddy. Siya ang rank 1 sa Gang nila Mommy.



"Na miss kaagad kita pamangkin ko." Sabi ni Tito kaya nagbigay galang kaagad ako sa kanya.



"Gano'n din po ako." Sagot ko.



"Umpisahan na natin ang pagsasanay Young Miss?" Sabi ni Oppa Uno kaya tumango naman ako pero hindi pa man kami nagsisimula may mga dumating ng mga tauhan dito kaya napahinto kami.



"May nag-iispiya sa atin sa labas mga Master." Sabi no'ng isa sa kanila pagkalapit kila Tito Jhay-d kaya nagkatinginan kaming lahat sa isa't-isa.



Kita kong napakunot ang noo ni Tito. "Kung gano'n tayo na." Lumabas kaming lahat nang i-utos niya 'yon.







**********
Author's Reminder
'Yung Gang ng Mommy ni Shimi na nabasa n'yo sa chart, mababasa n'yo po  ang kuwento nila sa The Silent Gangster Book 1 & 2.



**********Author's Reminder'Yung Gang ng Mommy ni Shimi na nabasa n'yo sa chart, mababasa n'yo po  ang kuwento nila sa The Silent Gangster Book 1 & 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon