CPMGP_Chapter 66

57.1K 1.9K 70
                                    

Shin Kai Park's POV (Shimi's Father)

"Anong sinabi mo??" Gulat kong bigkas sabay baba ng phone.



"Shin, sino 'yong kausap mo?" Tanong sa akin ni J-hay d (Killer Ahkeyn) ang rank number one sa Gang nila ni Kimi, ang asawa ko.



Nandito kami ngayon sa F.O.L. "May nangyaring hindi maganda kay Shimi." Halos mapakunot-noo ako sabay alis at sumunod naman siya sa akin. Siguradong magagalit nito ang Mama niya kapag nalaman niya ang tungkol dito. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Kimi.








JENRICK'S POV

Pagkadating na pagkadating namin dito sa hospital kaagad kaming pumunta sa E.R. "Pakiusap po! Pagalingin n'yo sila!" Pag-aalala kong sabi.



"Lumabas na muna kayo. Kami nang bahala sa kanila." Sabi nu'ng doctor sa amin kaya nagsipaglabasan kami.



Umupo kami rito sa labas sa bench habang nagdadasal. Tinawagan ko naman ang Daddy ni Shimi at ipinaalam sa kanya ang nangyari. "Bahala na." Bulong ko.



"Ipinaalam ko na ang nangyari kila Tito Ozu." Sabi naman ni Russel.



"Hay! Magagalit sila, sigurado 'yon." Pag-aalalang sagot ni Renzo.



"Ang mabuti pa hintayin nalang natin sila. Ipagdasal nating walang mangyari kay Dazu, gano'n din kay Shimi." Saad naman ni Vince. Tahimik lang kaming nakaupo dito sa bench ngayon at patuloy na nagdarasal para sa kanilang dalawa habang naghihintay sa mga parents nila.









CLAIRE'S POV

Umiiyak akong nakipagkita sa mga Asia Queens. Ang mga kaibigan kong sina Sofia, Aira, Cassandra at Samantha.



"Oh, my gosh! Claire?"



"What happen to you?"



"My goodness! Anong nangyari?"



"Hoy Claire, magsalita ka."



Halos hindi ako makapagsalita dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Akala ko ba ako ang gusto ni Dazu? Ako ang mahal niya? Pero bakit mas niligtas niya si Shimi kaysa sa akin? Bakit? Patuloy lang ako sa pag-iyak ko at 'di ko sinasagot 'yong mga kaibigan ko.



"Claire, umupo nga muna tayo."



"Hays, ano ba 'yan! Si Ross ba may gawa sa 'yo nito, ha? Look at you! You look messy!" Napailing lang ako sa tanong ni Aira.



"Uminom ka na muna ng tubig."



"Kung hindi si Ross, baka si Dazu?" Matapos 'yong sabihin ni Sofia bigla akong napayakap kay Samantha dahil siya 'yong nasa tabi ko. Sabay nito umiyak nalang ako ng umiyak.









ALEX'S POV

Iniwan na namin ang grupo ni Ross na bugbog sarado, magkakasama na kami ngayon ng mga Prince at dadalhin namin sa Hospital si Prince Kazu dahil sa patuloy na pag-agos ng dugo sa braso niya. Nakagawa ng paraan si Ayesha na sirain 'yong damit niya at binalot niya 'yon sa nagdurugong braso ni Prince Kazu pero hindi sapat 'yon.









KAZU'S POV

Nakatingin lang ako ngayon kay Ayesha habang nasa likod niya ako at naka-angkas sa motor niya. Aaminin kong napapangiti ako dahil sa ginawa niya kanina. Habang nagmamaneho naman siya nasita niya ako dahilan para lumihis ako ng tingin.



"Huy, anong nginingiti-ngiti mo riyan? Nababaliw ka na ba dahil nababawasan ka na ng dugo?!" Sigaw niya dahil baka hindi kami magkarinigan dahil nasa biyahe kami ngayon.



"Wala!!" Sigaw ko rin habang napapangiti.




Hindi na siya sumagot pero nakita kong napangiti rin siya dahil nakita ko 'yon sa side mirror ng motor niya. Nagkabaliktad na kasi ngayon, ako na 'yong angkas niya. Kanina kasi ako ang driver nito, pero dahil may sugat nga ako sa braso hindi na ako nakipagpilitan pa sa kanya. Ako nalang daw ang ipagmamaneho niya.





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon