CPMGP_Chapter 33

71.4K 2.4K 33
                                    

DAZU'S POV

Unti-unti nagigising ako. Pero parang ang sakit yata ng mga katawan ko? Pagdilat ko ng mga mata, nilibot ko ang tingin sa kisame habang napapaisip. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero hindi pamilyar sa akin ang paligid.



Pero nang maalala ko lahat ng nangyari kanina bigla akong napaupo sa kama sabay tingin sa buong kuwarto.



"S-Saang lugar 'to?" Mahina kong bigkas. Pero nang sumagi sa isipan ko si Chimnie agad akong nag-alala.



"Chimnie!!" Sigaw ko sabay takbo kahit na masakit pa ang katawan ko at ulo. "Chimnie!!" Sigaw ko ulit. Pero parang pamilyar 'tong lugar na 'to sa akin kaya napahinto ako bigla. Hindi ko kasi alam kung saan ako dadaan dahil napakalawak ng lugar.



"Hoy! Bakit ba ang ingay mo?" Bigla siyang sumulpot sa tagiliran ko kaya nagulat ako. Napasigaw pa nga ako. Ba naman, nagulat ako sa kasuotan niya.



"Ano ba namang klaseng pananamit 'yan? Para kang white lady!" Anas ko. Tapos nakalugay pa 'yong buhok niya e medyo mahaba pa naman 'yon.



Pero bigla lang naman niya akong tinawanan kaya tinignan ko siya ng masama. "Matatakutin ka ka pala!" At inasar pa niya ako.



"Anong sinasabi mo riyan kita mong nagulat kaya ako sa 'yo dahil bigla kang sumulpot." Nginisian ko pa siya.



Pero tumatawa pa rin siya. Tinuturo pa nga niya ako. "Adik pala 'to e." Bulong ko.



"Hays, grabe, First Prince ka pa man din ng Campus natin." Sabi niya sabay iling. Tapos hindi ko nalang siya kinibo.



"O siya! Halika na at kumain ka na muna bago umuwi sa inyo. Alas-nwebe na rin kasi kaya baka hinahanap kana sa inyo." Tumango nalang ako tutal nagugutom na rin naman ako. Habang naglalakad kami sumusunod lang ako sa kanya.



"Curious lang ako." Bigla kong tanong.



"Saan naman?" Aniya. Magkasabay na kaming naglalakad.



"Bakit ba pang white lady 'yang suot mo?"







SHIMI'S POV

"Curious lang ako." Bigla siyang nagtanong.



"Saan naman?" Napatingin ako sa kanya habang naglalakad kami.



"Bakit ba pang white lady 'yang suot mo?"



Palihim akong natawa dahil sa tinanong niyang 'yon. Akala ko naman kung ano na. "Para malayang nakakagalaw kapag nagsasanay ako."



"Ah, gano'n pala 'yon?" Nandito na kami ngayon sa malaking kusina ng F.O.L.



"Oo. Oh, kain kana muna." Sabay kaming umupo.



"Woah! Ang dami namang pagkain." Nagulat siya nang makita niya ang madaming nakahandang pagkain.



"Kainin mo lahat ng gusto mo."



Habang nakain kami nagkukuwentuhan kami. "Nga pala, ano bang nangyari sa akin kanina?" Tanong niya.



"Tinanong mo pa? Hinimatay ka lang naman." Bigla siyang nabulunan matapos kong sabihin 'yon kaya napainom agad siya ng tubig.



"A-Ako hihimatayin? Hindi 'no! N-Nakatulog lang ako." Pagtatanggi niya. Lumihis pa nga siya ng tingin at pinunterya ang pagkain.



"Sige lang—libre lang naman sumagot." Hindi na siya umimik. "Nga pala, bakit ka ba pumunta mag-isa ro'n sa Asia Academy tapos kinalaban mo pa ang grupo ni Ross? Tapang ah?" Pang-aasar ko.



"Dahil kay Claire. Ano pa nga ba?" Aniya.



"Mahal na mahal." Tukso ko.



"Oo, palibhasa ikaw matigas ang puso mo." Sarkatisko niyang sabi kaya inirapan ko siya.



"Excuse me, hindi naman maganda 'yong pinagpapantasyahan mo 'no. Mas maganda pa nga ako ro'n e."



"Ah, so, sino gusto mong gustuhin ko—ikaw? NEVER."



"May sinabi ako? Excuse me, walang magkakagusto sa 'yo dahil sa ugali mo."



"Ah, talaga? Bakit madaming naghahabol sa akin na mga babae kong gano'n?"



"Kasi nga, akala nila maganda ang ugali mo."



"Nakakawalang gana kumain!" Bigla siyang napikon.



"Psh, nasa F.O.L ka, dapat matuto kang gumalang sa hindi mo lugar, PRINCE DAZU." Mariin kong sabi kaya natahimik siya. Pero sinamaan niya ako ng tingin. Napikon ko yata.



"Nakakainis." Bulong na lang niya.



"Nag-aaway na naman ba kayong dalawa?" Napalingon kami sa pintuan nang biglang may magsalita ro'n.



"Russel?" Bigla akong napatayo nang makita ko siya ngayon dito.



"Hi!" Bati niya sa akin. "Dazu." Tawag naman niya sa pinsan niya.



"Oh, Insan." Napatayo na rin si Prince Dazu.



"Young Miss, nakita ko siya sa labas kaya pinapasok ko na. Maiwan ko na kayo." Sabi ni Unnie Mira (Queen Betrayal) tapos nagbigay galang siya sa harapan namin.



"Sige. Salamat." Nang umalis na si Unnie Mira nagkamayan naman silang magpinsan.



"Ah, Russel, kain ka muna." Anyaya ko sa kanya.



"Wow, ang dami naman niyan. Para sa inyong dalawa ni Dazu?"



"Ha? Hindi 'no, hindi naman para sa kanya lahat 'yan e. Nararamdaman ko kasing darating ka kaya nagpahanda ako ng marami. Tara, dito ka sa tabi ko." Binigyan ko kaagad siya ng pansin.



"Sure." Sagot niya dahilan para kiligin naman ako.







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon