CPMGP_Chapter 63

54.9K 1.8K 32
                                    

DAZU'S POV

Bakit gano'n? Nasaan na sila Jenrick? Bigla akong napahinto nang mapansin kong na iba 'yong dereksyon ko sa kanila. Pero bakit? Pare-pareho lang naman 'yong address na ni-send sa amin.



At nang pagmasdan ko naman ang paligid kung nasaan nandito ako ngayon, ito 'yong address na ni-send sa akin kung saan nandito si Chimnie. Tama naman ang nakasulat dito. Nakakapagtaka lang—nasaan ang mga kasama ko? Bumaba ako sa motor ko at pinagmasdan ang isang abandunadong malaking bahay.



Pagkatapos kong magmasid tuluyan na akong pumasok sa loob. Pero nagulat ako nang makita ko si Ross at ang grupo niya na tila nag-aabang sa pagdating ko rito.



Napakunot bigla ang noo ko dahil sa nakita ko. Ang aangas ng dating nila at may mga dala silang bat. Mukhang alam ko na kung anong nangyayari ngayon. Sa tingin ko, iniligaw nila ako. Magkaibang address siguro ang ni-send niya sa akin at sa mga Prince kaya siguro napahiwalay ako sa mga kasama ko.



"Da.Zu.Kang." Bigkas ni Ross habang nakangising nakatingin sa akin.



Ang yabang na naman ng dating niya, palibhasa kasama niya ang grupo niya. "Tss, sana sinabi mo nalang na gusto n'yo akong harapin hindi 'yong ginamit n'yo pa si Shimi rito." May pang-aasar kong sabi.



"Bakit sa tingin mo ba niloloko kita?" Sagot niya sabay senyas sa mga ka-grupo niya. Nakatingin lang ako sa kanila at pinagmamasdan kung anong gagawin nila dahil pumasok sila sa isang kuwarto pero nagulat ako nang makita kong may kinakaladkad sila papalabas do'n.



"Shimi?" Gulat kong bigkas nang maaninagan ko kung sino 'yon.



Nakagapos siya ng mahabang kadena at tila nanghihina kaya agad ko siyang nilapitan pero bigo ako dahil biglang may humampas ng malakas sa likod ko dahilan para mapaluhod ako. Pilit akong lumalapit kay Shimi kahit gumagapang ako. Hindi 'to maaari.



"S-Shimi, gumising ka." Bigkas ko.



Habang pinapaalala ng isipan ko ang mga sinabi ng Daddy niya sa akin nang minsan itong may hingiing pabor sa akin. "Dazu, please protect my daughter no matter what happens."



"S-Shimi..." bigkas ko ulit. Pero nang papalapit ulit ako sa kanya biglang may humampas sa akin pero ngayon sa binti ko naman. S***! "Aaah!!!" Alingawngaw ko kasabay ng pamimilipit ko.



Nang bigla namang may hilahin si Ross na isa pang babae papunta rito at tinanggal niya ang piring nito sa mga mata kaya nagkagulatan kaming dalawa.



"C-Claire??" Gulat kong bigkas nang makita kong hawak siya ni Ross ng mahigpit. At sa itsura niyang 'yong parang may kakaibang ginawa si Ross sa kanya.




Pero may sinasabi siyang hindi ko maintindihan dahil may takip siya sa bibig niya. "Anong... ginawa n'yo sa kanya?!" Sa pagtanong kong 'yon bigla akong nilapitan ni Ross sabay inapakan niya ang binti ko dahilan para mapasigaw ulit ako. "Aaaah!!"



"Sa tingin n'yo hindi ko malalaman ang ginagawa n'yong pagkikita ni Claire?! Niloloko n'yo ako! Mga taksil kayo!"



Nakita kong kumuha siya ng bat at hinampas niya 'yon sa akin dahilan para muli akong mamilipit sa sakit. Sumisigaw naman si Claire pero hindi ko naiintindihan 'yon. Pero mas doble ang nararamdaman kong sakit ngayon dahil pareho silang nasa panganib ni Shimi at hindi ako makalaban. Stupid!







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora