CPMGP_Chapter 12

85.5K 2.9K 26
                                    

"Hoy Shimi! Nandiyan ka lang pala!" Nagulantang ako nang biglang dumating 'yong mga best friend ko.



Mabuti na lang at hindi nila ako nakita na kinikilig-kilig dito. Mabuti na rin at nakaalis na si Russel dahil sigurado akong kakantsawan ako ng mga 'yan.



"Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap."



Tignan mo itong mga 'to, kita mong sila 'yong bigla nalang naglaho sa tabi ko kanina tapos tatanungin nila ako. "Bigla kaya kayong nawala." Sagot ko.



"AYUN SILA!!!"



Sabay sabay kaming napalingon sa mga estudyante na humahabol sa amin.



"Na naman." Bigkas ko.



"Hindi maaari 'to! Ayoko matamaan ng kamatis!" Reklamo ni Ayesha.



"Tumakbo na tayo!" Turan ni Alex kaya naglipana kaming apat.



Napadpad kami sa rooftop at hingal na hingal. Nagrereklamo na itong tatlo.



"Pagod na pagod na ako!" Ani Jamaica.



"Ako rin!" –Alex.



"Bakit ba ganito sa Campus na to? Tch!" Sigaw naman ni Ayesha.



"Sana kasi hindi na kayo sumunod sa akin dito. Ayan, pati kayo na damay." Sermon ko sa kanila.



"Aaaah! Nakakapangsisi tuloy kung bakit pa namin sinend kay Prince Dazu 'yong video mo no'ng nakikipaglaban ka sa mga utusan niyang mga estudyan—"



Naitigil ni Jamaica 'yong sinasabi niya at napatakip siya ng bibig. Agad akong nagtaka.



"Pambihira ka Jamaica!" Pinanlakihan siya ng mga mata ni Ayesha.



"Bakit mo sinabi, Jamaica?" Paninisi naman ni Alex. Nagtutulakan silang tatlo.



"Anong sinabi n'yo?" Napa-cross arms ako.



"Hay! Wala na tayong lusot nito!"



"Anong video 'yong tinutukoy n'yo, ha?!" Unti-unti ko silang nilalapitan nang biglang bumukas 'yong pintuan ng rooftop.



Nagulat kami ng mga Prince 'yong bumungad sa amin dito ngayon.



"Double dead tayo nito." Ani Alex. Parang binagsakan sila ng langit at lupa.



"Paano nila nabuksan 'yong pintuan e kinuha natin 'yong susi?" Maluha-luhang sabi ni Jamaica.



Napangisi naman si Prince Dazu. "Baka nakakalimutan n'yong kami ang mga Prince sa Campus na 'to?" Aniya kaya napaatras kaming apat.



"Nakakatakot siya~" Bulong ni Ayesha.



"Alam n'yo nang gagawin n'yo." Sumenyas si Prince Dazu kaya mabilis kaming nilapitan ng anim na Prince. Pero ang pinagtataka ko, hindi man lang nila ako hinawakan.



"T-Teka! Saan n'yo ulit kami dadalhin?" – Alex.



"Anong gagawin n'yo sa amin?" – Jamaica.



"W-Wag n'yo kaming ipapapatay, ha?" – Ayesha.



Napasapo ako sa ulunan ko. Nakatingin lang ako sa kanila. Parang gustong gusto naman kasi nila na hinawakan sila ng mga Prince e. Hanggang sa inilayo silang tatlo sa akin tapos dalawa nalang kami ni Prince Dazu ngayon 'yong natitira rito.



May kinuha siya sa bulsa niya na cell phone at may kinalikot siya ro'n. Tapos lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.



"Ah, h-hindi ko naman alam na lilipad 'yong balat ng Potchi at lilipad 'yon sa ulo mo? S-Sorry na. Hindi ba puwede 'yon?" Sinubukan kong magpaamo pero patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin.



Napasandal na tuloy ako sa pader. Wala na akong tatakbuhan kaya pilit ko siyang nginitian at nagpeace sign ako sa kanya. Baka kasi madaan siya ro'n.



"Umamin ka. Hindi ba't ikaw 'to, ha?!" Inilapit niya iyong cell phone niya sa pagmumukha ko habang nagpi-play 'yong video.



Nagulat naman ako sa nakita ko. Mismo kasing sarili ko iyong napapanuod ko roon. Pambihira naman! Sino may kagagawan nito?



Nang bigla kong maalala 'yong sinasabi ni Jamaica kanina. S***! Kung gano'n ito na 'yong video na tinutukoy nilang isenend nila kay Prince Dazu.



"Magsalita ka!!!"



Halos maipit 'yong sarili ko sa mukha niya dahil ang lapit lapit niya sa akin. Kakaiba pa iyong mga tingin niya. Humanda talaga sa akin iyong mga bruha na 'yon mamaya.



"Hindi ako 'yan." Pagtatanggi ko.



"Talaga?" Napangisi siya. Tumango naman agad ako. "Kung gano'n ito! Sino 'to?"



May panibago siyang video na binuksan. 'Yung video na 'yon 'yong nakikipaglaban ako kagabi. Paano kaya siya nagkaroon ng video na 'yon?



Ang ibig sabihin ba nito kailangan ko na namang lumipat ng ibang school? Hindi na puwede!



"Ngayon tumanggi ka pa ulit. Sige lang! Ito 'yong motor na lagi mong ginagamit 'di ba?"



Hindi ako makaisip ng ipapalusot. Bigla akong nawala sa wisyo. Napailing nalang ako. Naikulong niya ako sa mga braso niya. Nakasandal na ako sa pader at magkatitigan kaming dalawa.



"Pagbabayaran mo ang ginawa mo." Pagbabanta niya at hindi na ako nakaimik pa.









(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon