CPMGP_Chapter 13

87.6K 2.8K 18
                                    

Napapikit na ako ngayon nang bigla namang tumunog 'yong cell phone niya. Again, save by the bell, kaya napadilat na ako. Pero sinagot nga niya 'yong phone niya pero nakatingin pa rin naman siya sa akin. Magkatitigan lang kaming dalawa ngayon.



"Hello?" Saad niya.



"Dazu ano ba! Bakit wala pa kayo rito sa bahay?!"



Mukhang hindi niya yata napansin na nakaloudspeaker 'yong cell phone niya. Paano nakatingin ba naman sa akin dahil binabantayan pa rin niya ako. Akala mo naman kasi tatakasan ko e.



"S***!Ang sakit sa tainga." Angal niya kaya natawa naman ako. Mukhang Mama niya 'yong tumawag. "Hoy! Anong tinatawa-tawa mo riyan?!" Sigaw niya sa akin kaya tumahik nalang ako—pero sa totoo lang natatawa pa rin talaga ako e pinipigilan ko lang. Umusod siya ng kaonti medyo malayo sa akin saka niya sinagot 'yong call.



"Oo na Ma, papunta na po, tch, opo."



Tama nga ako 'yong Mama nga niya 'yong kausap niya sa cell phone. Matapos niyang magpaalam e bigla na niyang binaba 'yong cell phone niya sabay tingin sa akin kaya nagulantang ako.



"Hays, pasalamat ka." Sabi niya. Inirapan muna niya ako bago siya tuluyang umalis tapos no'n nakahinga naman ako ng maluwag.









AYESHA'S POV

Dinala kami ng mga Prince sa isang room na walang mga estudyante. Halos magmakaawa kami sa harapan nila para lang pakawalan nila kami. "'Wag n'yo kaming ipapasalvage~" Sabi ni Jamaica.



"Oo nga mahal pa namin buhay namin maawa na kayo~" Saad naman ni Alex.



"Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko pakiusap~" Pagkasabi ko naman no'n bigla silang natawa lahat. Lalo na si Prince Kazu, kaya nagulat naman kami.



"Ano ba kasing sinasabi n'yo riyan? Hindi naman namin kayo ipapasalvage puwera nalang kung aamin kayo kung sino 'yong isa sa inyo na nangialam sa ipinag-uutos ni Dazu?" Sabi ni sexy Hyung Jenrick.



"Hindi nga kasi kami 'yon eh~" Sagot ko.



"Wait—guys exit na tayo." Biglang sabi ni Prince Kazu kaya sinundan lang namin sila ng tingin dahil basta nalang nila kaming tinalikuran tapos iniwanan na nila kami rito.



"Girls, ibig sabihin ba nito malaya na tayo?" Aniko tapos tumango-tango naman sila. "E 'di, maganda kung gano'n. Puntahan na natin si Shimi sa rooftop." Anyaya ko.



"Tara na. Baka bumalik pa 'yong mga Prince e." Nang magtakbuhan kami pataas hindi namin inaasahang makakabangga namin si Shimi rito.



"Araay!" —Alex.



"Ang sakit~" Sambit ko sabay hawak sa puwetan. Nang mapatingin naman kami kay Jamaica mahilo-hilo siya.



"Kayong tatlo!" Biglang sigaw ni Shimi sa amin.



"Ha? Bakit?" Pakunwari naming tatlo nina Jamaica at Alex tapos nagmadali kaming tumayo. Unti-unti kaming umaatras palayo kay Shimi. Parang alam na niya yata kasi 'yong tungkol do'n sa pagsend namin ng video kay Prince Dazu.



"Bakit n'yo ginawa 'yon?!" Sigaw pa niya.



"Ang alin ba kasi?" Sinusubukan pa rin ni Alex na magkunwari.



"Nyaaah~ mukhang alam na niya talaga." Bulong sa amin ni Jamaica. "Mukhang wala na tayong kawala sa kanya." Sabi pa niya.



"T-Takbo na!" Sigaw ko sabay takbuhan naman naming tatlo.



"Humanda kayo kapag naabutan ko kayo!"






SHIMI'S POV

Nakakainis! Pinahamak lang naman nila akong tatlo. Napakababait talaga ng mga best friends ko. Pero habang tumatakbo kami nagulat ako nang bigla silang humintong tatlo dahil may tinitignan na silang nakapaskil sa isang board kasama ng mga estudyante rito kaya napahinto na rin ako.



"Shimi, tignan mo 'to." Sabi ni Jamaica kaya na-curious din akong tignan 'yong tinitignan nila.



May nakapaskil sa board na ang nakalagay you are all invited to Kang's Residence Party kaya pala madaming estudyante 'yong nagpupulong dito ngayon gawa nito. Naging usap-usapan sa buong Campus. Parang pinaghahandaan ng lahat gano'n.



"Ibig sabihin ba no'n pati tayo invited sa bahay nila Prince Kazu at Dazu?" Tanong ni Jamaica.



"Siguro. Kasi tignan n'yo, all students are allowed. 'Yon ang nakasulat dito e enrolled naman na tayo rito 'di ba?" Sabi naman ni Ayesha.



"Kung gano'n, may party party mamaya~"



"Gusto ko 'yon. My gosh!"



"Ano namang klaseng party 'yon?" Tanong ko.



"Kahit anong klaseng party 'yon basta mamaya dapat present tayong lahat." Sabi ni Alex tapos tuwang tuwa silang tatlo. As if namang sasama ako?







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon