CPMGP_Chapter 73

57K 1.7K 72
                                    

RUSSEL'S POV

Gusto ko ulit siyang suntukin para matauhan na siya at magising na. Sana sinabi niyang magkakaganito siya ngayong araw para ipinaubaya ko na si Shimi sa kanya noon pa. Ang daya lang dahil isusuko ko si Shimi dahil nagkakaganyan siya.



Once na magising ka ipapaubaya ko na siya sa 'yo pero kapag hindi ka gumising diyan mahina ka, Dazu.



Hindi lang naman ito isang beses nangyari sa amin kaya dapat siyang gumising. Napaluha na rin ako dahil sa nakikita ko siyang nagkakaganyan. Minsan na kaming nag-away noon dahil sa iisang babae. Sabi na nga ba at mauulit na naman 'yon. Kaya ayokong magsasalita siya ng tapos dahil nagkakatotoo 'yon. Pero sa ngayon, pakiusap lang gumising ka na riyan!



Habang nagkakagulo ang mga Nurse at Doctor habang nag-iiyakan ang lahat, habang nagdadasal, isang himala ang nangyaring maging normal ang heartbeat ng puso niya. Nagulat ang lahat gano'n din ang mga Doctor dahil sa nangyari.



"O-Okay na siya?" Gulat na tanong ni Tita Crystal.



"This is a miracle!" Sabi ng doctor. "Yes. He's alive Mr. and Mrs. Kang. Hindi n'yo na kailangan pang mag-alala."



"Oh, my gosh, buhay si Prince Dazu."



"Sabi na nga ba malakas siya. Yes!"



"Pambihira siya, pinag-alala niya tayo ng husto."



"Nakakainis ka." Mahina kong bigkas sa hangin sabay alis at punta sa comfort room.



Napangiti ako sa salamin habang nakatingin dito. Si Shimi lang pala ang magiging dahilan para mabuhay siya. 'Yon ba talaga ang gusto niya? Ang ipaubaya ko si Shimi sa kanya? Pero sige, kung 'yon naman ang magiging rason para magising siya.









SHIMI'S POV

"Shimi, buhay si Prince Dazu!"



"Narinig mo ba 'yon Shimi?"



"Himala nga 'to."



B-Buhay siya? T-Totoo 'yon?



"Sa ngayon, kailangan munang magpahinga ng pasyente. Mga dalawang oras maaari na ulit kayong bumisita." Pagkasabi no'n ng doctor mas nauna na kaming umalis at hindi na namin inistorbong magpaalam pa sa kanila.



Pagkalabas namin sa hospital napapaluha pa rin ako pero tears of joy na. Napangiti ako sa harapan ng mga best friends ko.



"Sa wakas ngumiti na rin siya." Kantsaw ni Jamaica sa akin.



"Paano kasi muntik na mawala ang minamahal niya, haha!" Kahit na nangangantsaw sila hindi pa rin ako makapagsalita.



"Alam mo Shimi, kahit hindi mo sabihin sa amin alam naming nagugustuhan mo na si Prince Dazu."



"Wohoho! Panalo ang manok ko~" Sabi ni Alex na kinikilig.



"Hays, akala ko talaga si Russel 'yong magugustuhan niya hanggang huli, nakakainis isang libo pa 'yon." Sabi naman ni Ayesha.



"Gano'n pala, ha? Pinagpupustuhan n'yo ako!" Sigaw ko nang nakangiti. Pambihira 'tong mga 'to.



"Tumakbo na tayo! Mukhang bumalik na siya sa pagkatao niya!" Sabi nila Alex at Jamaica habang nahuhuli naman sa pagtakbo si Ayesha.



Napapangiti akong nakatingin sa kanila habang nagtatakbuhan sila papalayo sa akin pero 'yong mga luha ko, hanggang ngayon, nanggigilid pa.



Ilang minuto ang lumipas nandito na ako sa tapat ng bahay namin. Napapikit nalang ako at nagdadasal. Sigurado akong papagalitan na naman ako nila Mommy at Daddy dahil sa ginawa kong pagtakas pero bahala na.



Dumeretso ako sa pagpasok sa loob. Nakayuko lang ako dahil alam kong inaabangan na nila ang pagdating ko. Alam kong nasa sala na sila at nakaupo. Pagdating ko rito hindi ako nagkamali, oo nandito nga sila at hinihintay ako pero nagtataka ako dahil bakit may mga maleta rito?



"Daddy?" bigkas ko. "A-Aalis po kayo ni Mommy?" Nakatingin lang sila sa akin at tila may nililihim.



"Shimi, anak." bigkas ni Daddy.



Hinihintay ko kung ano pang kasunod ang sasabihin niya. Sana naman hindi badnews. Mas tatanggapin ko nang parusahan nila ako at hatawin kaysa makarinig ako ng hindi magandang balita mula sa kanila.



"Kasama ka naming aalis ng Mommy mo."



"P-Po?" Gulat ko. "Pero saan naman po?"



"Sa Korea." Pagkasabi no'n ni Daddy na disappoint ako. "H-Hindi ko po maintindihan, Dad. P-Paano po 'yong pag-aaral ko?"



"Doon mo tatapusin ang pag-aaral mo anak." Halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko 'yon.



"H-Hindi po." Napailing ako. "H-Hindi po totoo 'yon Mommy 'di ba?" Tinignan ko si Mommy.



"Shimi anak, I'm sorry pero kailangan na nating umalis dito." Pero 'yon 'yong sinagot sa akin ni Mommy na labis kong ikina-dissapoint ng husto.



"Alam na sa Campus ang totoo mong pagkatao. Gano'n din ang mga kaibigan mo."



"P-Pero po si Dazu. Alam n'yo na po 'yong nangyari sa kanya? Hindi ko po siya puwedeng iwanan. Siya po 'yong nagligtas sa akin. Ako 'yong dahilan kung bakit nasa hospital siya ngayon."



"Shimi, sundin mo nalang kami ng Mommy mo para hindi tayo magkagulo."



"P-Pero po Daddy,"









Shin Kai Park's POV (Shimi's Father)

"P-Pero po Daddy," Napapaluha niyang sabi.



Napabuntong hininga nalang ako nang makita kong malungkot ang anak ko. Sino bang magulang ang gugustuhing maging malungkot ang anak niya at hindi mo maibigay ang kaligayahan na gusto niya?



Nilapitan ko siya at niyakap. "Shimi anak, naiintindihan ko ang sitwasyon mo, pero nagkausap na kami ng Mama at Papa ni Dazu."



"Po??"



"Hindi ka na puwedeng mag-aral sa Campus nila."



"H-Hindi po puwede. Bakit po kayo pumayag? 'Di ba kayo pa po ang nagsabing last Campus ko ng papasukan 'yon?"



"Nakipagkasundo ako sa Papa ni Dazu anak kaya sana mapatawad mo ako. Kailangan nating sundin 'yong policy nila or else, pati kami at ang buong Gang natin ay madadamay sa gulong 'to kapag hindi natin sila sinunod."



"Hindi po ako makakapayag!" Nagmadali siyang tumakbo paalis kaya kinabahan kami.



"Shimi!"



"Shimi, anak! Bumalik ka rito!"




(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon