CPMGP_Chapter 48

61.6K 2.1K 104
                                    

SHIMI'S POV

Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin habang nakatalikod ako, habang pinaparusahan ako ni Daddy. "R-Russel?" Gulat kong bigkas nang makita ko ang mukha niya sa balikat ko pero patuloy pa rin si Daddy sa paghampas niya kay Russel.



Pero bakit ginagawa 'to ni Russel?



"Ano ba? U-Umalis ka riyan sa likod ko Russel." Sabi ko sa kanya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin bilang cover ko.



"Hindi ako..."



"aalis.." Sagot niya kaya naiyukom ko ang kamao ko.



"A-Anong bang sinasabi mo riyan?" Kinakabahan kong sagot. Nakakadami na si Daddy ng paghampas sa kanya kaya naluluha na ako.



"Honey! Shimi, anak!" Biglang dumating si Mommy at nakita niya kami sa ganitong sitwasyon. Kinakabahan na ako para kay Russel dahil baka hindi niya makayanan 'yong ginagawa sa amin.



"Honey, itigil mo na 'to!" Pagkasabi no'n ni Mommy bigla ng tumigil si Daddy. At nang makita ko naman si Russel halos mapapikit na siya. Tapos natumba siya at dahil nakayakap siya sa akin napasama rin ako sa pagtumba niya.



"R-Russel!" Labis ang pag-aalala ko ngayon nang makita kong mawalan siya ng malay.



"Ijo, gumising ka!" Sabi naman ni Mommy nang lapitan niya kami. At nang makita ko namang lumabas si Daddy ng kuwarto siya namang pasok ng mga Oppa at Unnie—ang mga Black Sapphire Gang na mga ka-Gang ni Mommy at tinulungan nila kami.



Dinala ng mga Oppa at Unnie si Russel sa isang kuwarto gano'n din ako at ginagamot kaming dalawa ngayon dito.



Habang magkatabi kami at parehas kaming nakadapa, nakita ko siyang nakapikit at wala pa ring malay. Sa di ko malamang dahilan, naguguluhan ako, hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang mga luha ko.



Bakit mo ginawa 'yon? tanong ko sa isipan ko habang hindi ko maialis ang mga tingin ko sa kanya. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya habang naluluha ako dahil na rin sa hapdi sa likod ko habang ginagamot ako.



Sana nalang pala hindi ko nalang pinatulan ang mga lalaking nakalaban naman kanina e 'di sana hindi mangyayari 'to kay Russel.



'Yong parusa na 'yon kanina sa akin ni Daddy, ayon 'yong pilit kong iniiwasan na huwag mangyari sa akin dahil sa tuwing nakikita ako ni Dad na nakikipaglaban sa kung kaninong mga tao 'yon ang nangyayari sa akin.



Mahigpit kasi nila akong pinagbabawalan na huwag gawin 'yon dahil hindi ako maaaring mapahamak dahil ako ang nag-iisang anak ng DeVina-Park at nag-iisang taga pagmana ng F.O.L.



Pero dahil hindi ako sumunod sa ipinag-uutos at patakaran ni Daddy kaya niya 'yon ginawa sa akin. Alam kong hindi man gustong gawin ni Daddy sa akin 'yon, ang gano'ng parusa, ngunit kailangan para rin daw kasi, para magtanda ako na hindi ko na maaaring ulitin pa 'yon sa susunod na pagkakataon.



Ipinikit ko na ang mga mata ko habang tumulo ang mga luha ko. Sa oras na magising si Russel, hindi ko alam kung anong pasasalamat ang gagawin ko sa kanya dahil niligtas niya ako sa parusa ko.










DAZU'S POV

Nagulat ako nang bigla akong halikan ni Claire. "C-Claire," Pinigilan ko siya. "A-Anong ibig sabihin nito?" Nagulat din siya sa ginawa niyang paghalik sa akin.



"Hindi ko rin alam. I-I'm sorry, siguro, masyado lang akong nadala sa pagtatampo ko kay Ross." Aniya sabay takbo pero pinigilan ko siya. Niyakap ko siya habang nakatalikod siya dahilan para hindi siya umimik.



"Claire, hindi ako makakapayag na lumabas ka sa kuwarto na 'to nang hindi mo ako sinasagot sa tanong ko." Napalalim muna ako sa paghinga. "Are you still... in love with me?"



"D-Dazu..." Ito nalang 'yong nasambit niya.


"Please Claire, tell me, kapag sinabi mong oo papayag akong makihati kay Ross, pero kung hindi naman, this is the last time na guguluhin kita tungkol dito."



"A-Anong bang klaseng tanong 'yan?" Pagpupumiglas niya kaya nabitawan ko siya at magkaharap na kami ngayon.



"Please, tell me, Claire." Muli kong pagmamakaawa.



"K-Kasi oo! Inaamin ko gusto pa rin kita pero hindi na puwede. I'm so sorry kung ginulo kita—" Pero sa ngayon ako naman ang nagtangkang humalik sa kanya at halatang nagulat siya ro'n.



Bigla naman akong natauhan sa ginawa ko kaya binitawan ko siya. "Amh, s-sorry Claire," Paghingi ko ng tawad pero imbes na magalit siya sa akin ay ngumiti siya kaya napangiti na rin ako.



"Ibig sabihin ba nito..." Hindi ko maituloy 'yong sasabihin ko kundi, medyo nagkakailangan kaming dalawa nang bigla namang may tumatawag sa cell phone ko kaya pareho kaming napaiwas ng tingin sa isa't isa.



Nang kuhain ko 'yong cell phone ko, pagkatingin ko sa screen tumatawag sa akin si Papa at video call 'yon. "Sandali lang maupo ka na muna." Sabi ko Claire tapos nagpunta ako sa isang sulok saka ko ni-accept 'yong call.



"Dazu anak," Bigkas ni Papa nang makita niya ako.



"Po?"



"si Ruzzel, nasaan? Kasama mo ba siya? Gusto kasi siyang makita at makausap ng Tita Mimi mo. Hindi raw kasi sinasagot 'yong call sa kanya."



Napaisip ako dahil hindi naman kami magkasama ngayon ni Insan.



"Pa, hindi po kami magkasama ngayon."



"Ha? Nasaan ka ba ngayon? Restaurant ba 'yan? Contact-in mo nga siya dahil kanina ko pa rin siya tinatawagan hindi niya sinasagot 'yong call ko sa kanya."



"Sige po Pa, ako na pong bahala sa kanya."



"Okay, mag-iingat kayo. Maghihintay ako sa inyo."



Pagkasabi niya no'n pinutol na niya 'yong video call kaya sinubukan ko nang tawagan si Russel pero maging ako ay hindi niya sinasagot 'yong mga tawag ko nang biglang sinagot 'yon ng Daddy ni Chimnie na siya kong kinagulat.



"Claire, kailangan ko nang umalis. Magkita ulit tayo sa susunod. Tatawagan kita, okay?" Nang tumango siya sa akin hinalikan ko siya sa pisngi niya at nagmadali na akong umalis do'n.







 Tatawagan kita, okay?" Nang tumango siya sa akin hinalikan ko siya sa pisngi niya at nagmadali na akong umalis do'n

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon