CPMGP_Chapter 59

57.5K 1.9K 56
                                    

SHIMI'S POV

Pagkaalis ni Prince Dazu kami nalang ni Russel ang naiwan dito. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Napapaisip ako dahil nag-aaway na silang magpinsan.



"Shimi," Aniya kaya napatingin ako sa kanya. Magkatitigan lang kaming dalawa kahit na nabablangko ang isip ko sa mga nangyayari. "I... I just wanted to say sorry." Nananatili lang akong nakatingin sa kanya. Hinahayaan ko lang siyang magsalita. "The truth is I felt in love with you." Nang bigla akong magulat sa sinabi niya.



Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko sa kanya dahil simula nang halikan ako ni Dazu may kakaiba akong naramdaman sa kanya. Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko ngayon. Naguguluhan ako.



Pero sa pag-amin ngayon ni Russel, mas naguluhan ako, pero hindi ba't ito naman talaga ang gusto ko? Ang marinig mula sa kanya na gusto niya rin ako? Napatango na lang ako.



"Gusto ko lang malaman kung... gusto mo rin ba ako Shimi?" Tumango nalang ulit ako kaya napangiti siya. Agad niya akong niyakap. "You know what? I'm so happy Shimi." Bulong niya kaya niyakap ko na rin siya pabalik kahit si Dazu ang nasa isip ko ngayon.



"Yung nangyari kaninang paghalik ko sayo......... totoo yun." Ayan yung laman ng isip ko habang yakap ko si Russel sa mga oras ngayon.



Kinabukasan...



Habang naglalakad ako papasok sa loob ng Campus, hindi ko maiwasang hindi ma-curious sa mga estudyante ngayon dito. Tila may pinagkakapulungan sila. Lumapit ako sa isang grupo ng estudyante sabay tinignan ko ang hawak nila. Pero dahil katakot takot nga ako sa paningin nila bigla nalang silang nagtakbuhan papalayo.



"Shimi!" Bigla naman akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Alex. Nananakbo siya kasama sina Jamaica at Ayesha.



Nang makalapit naman sila sa akin may pinapakita silang magazine. "Ano namang gagawin ko riyan?" Aniko.



"Basahin mo bilis." Sabi ni Jamaica habang hinihingal pa sila kaya kinuha ko naman 'yong inaabot niya. At nang mabasa ko ito ang nakalagay lang naman ay may caption na #Gangster Princess—do you want to know about her?



Bigla kong naibagsak 'yong hawak kong magazine. Iyong nasa picture ay 'yong araw na magkasama kami ni Russel at sinugod kami ng ilang kalalakihan sa Park. "Shimi, sa likod tayo ng Campus mag-usap-usap." Nagtakbuhan kami papunta sa likuran malapit sa canteen.



"Sabihin mo sa amin Shimi, ikaw ba 'to?" Tanong ni Alex.



Naghihintay sila sa sagot ko habang napapaisip naman ako kung paano 'to nangyari? Sino kumuha nito? At sino nagpakalat? "Shimi, sagutin mo kami." Ulit ni Ayesha.



"Oo, ako nga."



Bigla silang namroblemang tatlo matapos kong umamin. Pero hanggang ngayon lumilipad pa rin ang isip ko. Sinong may kagagawan nito?




"Shimi, paano na 'yan? Hindi maaaring malaman ni Master Shin ang tungkol dito." Pag-aalala ni Jamaica.



"Anong gagawin natin Shimi? Baka parusahan ka ng Daddy mo?" Sabi naman ni Ayesha at ayon ang hindi maaaring mangyari.



"Ang masama pa nito naka-uniform ka rito Shimi. Baka mapahamak ang Kang Academy." Turan naman ni Alex.



Nagulat naman ako nang biglang magring 'yong phone ko at pagkakuha ko rito at pagtingin sa screen, unknown number 'yong tumatawag. "Sagutin mo Shimi." Sabi ni Ayesha. Ni-loudspeaker ko ito at pinindot. Pero tahimik sa kabilang linya.



"Sino ka?" Kunot-noo kong bigkas pero wala talagang sumasagot. Bigla namang hinablot ni Alex 'yong cell phone ko.



"Hoy! Ikaw ba 'yong may kagagawan ng lahat nang 'to kay Shimi? Oras na malaman namin kung sino ka humanda ka na!" Sigaw niya sa phone pero bigla kami nitong binabaan.



"Ang bastos ah! Sino ba 'yong loko-loko na 'yon?" Anas ni Jamaica. Nang bigla ulit tumunog ang cell phone ko at pag-open ko nito naglalaman ito ng isang picture ng bracelet ko na nawawala.



"Shimi, 'yong bracelet mo."



"Oo nga." Kung gano'n, sino ang nasa likod ng lahat nang 'to? Anong pinaplano niya? Hindi maaaring malaman ni Daddy ang tungkol dito. Freak!





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon