CPMGP_Chapter 31

66.5K 2.5K 36
                                    

SHIMI'S POV

Naghilamos kaagad ako ng mukha ko pagkapasok ko rito sa loob ng cr. Pero dahil sa pagtitimpi ko sa galit ko sinuntok ko 'yong salamin dahilan para mabasag ko 'yon. Ito ang dahilan kung bakit ayokong bumalik dito sa Asia Academy dahil bumabalik ang galit ko sa ginawa nila ni Ross sa akin kapag nakikita ko ang isa sa kanila ni Claire.



Nananatili kong pinagmamasdan ngayon ang sarili kong repleksyon na nakakunot-noo sa natitirang basag na kapiraso ng salamin. Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa akin.



Nang umagos 'yong dugo sa kamao ko binalutan ko na lamang 'yon ng itim ko na panyo. Ilang beses muna akong bumuga ng hininga at maglabas ng sama ng loob hanggang sa ma-curious ako dahil may naririnig akong nag-uusap-usap mula sa likuran nitong Campus.



Naisipan kong puntahan 'yon dahil parang pamilyar sa akin ang mga boses at tila may hindi magandang nagaganap doon ngayon na sila sila lang ang nakakakita.




Pero nagulat ako sa nakikita ko nang sumilip ako rito. "Anong ginagawa niya rito?" Pabulong kong bigkas.



Kahit nakatalikod siya sa akin at nakaluhod siya sa harapan ng mga kalaban niya, alam kong si Dazu 'yon.



Halos manghina na siya ngayon dahil sa dami ng kalaban niya. At nang tignan ko naman isa isa 'yong mga kalaban niya mas lalo akong nagalit dahil isa si Ross ang nandito ngayon.



"Hahaha! Ano Dazu? Akala ko ba malakas ka? Asan na?" Pang-aasar pa ni Ross sa kanya. At nang lumapit ito sa kanya bigla siya nitong tinadyakan dahilan para matumba siya. At nang makita ko ang mukha ni Dazu punong puno na ito ng dugo. Halos mamilipit 'yong mga daliri ko sa galit habang nakatitig ako kay Ross ng masama.








DAZU'S POV

Hindi na ako makatayo ngayon dahil sa pinagtulungan na ako ng mga kaibigan ni Ross, kung kanina isa-isa lang nila akong pinagkakaisahan, ngayon naman, sabay sabay na sila, pero kahit gano'n, alam ko pa rin 'yong mga nangyayari ngayon sa paligid ko kahit wala na ako sa wisyo. Nagpupumilit pa rin akong tumatayo.



"H-Hindi ako... s-suko..." Bigkas ko.



"Layuan n'yo siya!!!"



Nagulat naman ang lahat nang biglang may dumating na isang babaeng may takip na kulay itim na panyo sa mukha. Pero 'yong boses niya na 'yon kahit na kinaiinisan ko siya, kilala ko siya—si Chimnie.



"At sino ka naman?" Kunot-noo na tanong ni Ross.



Pinilit ko namang umupo kaya nakikita ko na sila ng maayos. Kaya pala hindi siya nakikilala ng kung sino dahil sa nakatakip ang mukha niya ng panyo palagi sa tuwing makikipaglaban siya.



Pero hindi ako nagkakamali, tama ako, siya nga 'yan. Alam kong siya 'yan at hindi ako maaaring magkamali dahil ilang beses ko na siyang nakita na nakikipaglaban kahit sa video lang.



"Hindi ko kailangang magpakilala sa inyo!" Hindi ko alam kung bakit galit na galit niyang sinugod ang mga kaibigan ni Ross ngayon at sumisigaw pa siya habang nakikipaglaban.



Napangisi ako ngayon nang makita kong binalian niya ng mga bisig 'yong mga kaibigan ni Ross at 'di na sila magkanda-tayo dahil sa dami nang natamo nilang galos dahilan para mapatumba niya ito lahat.



"Gangster ka nga..." Mahina kong bigkas sabay ngiti habang patuloy pa rin na umaagos 'yong dugo mula sa ulo ko. Nang tumigin ulit ako sa kanya, magkaharap na sila ni Ross ngayon.



"S-Sino ka ba??" Tanong ni Ross sa kanya habang umaatras ito.



Mas masuwerte pala ako kay Ross dahil ako ang unang nakaalam ng totoong pagkatao ng ex-girlfriend niya. At napangiti ako ngayon dahil do'n.



"'W-Wag mo akong sasaktan." Namumutlang sabi ni Ross.



Habang pinagmamasdan ko silang dalawa ngayon, kitang kita sa mga mata ni Chimnie na hindi niya magawang saktan si Ross. Halata kasi 'yon sa mga pagtitig niya.



Susuntukin na niya sana si Ross pero imbes na sa mukha niya ito suntukin, 'yong puno ang pinunterya niya.



Dahan dahan naman akong tumayo at lumapit sa kanila kahit na nanghihina pa ako. Nilapitan ko si Chimnie at kinuha ko ang kamay niya at binalutan ko 'yon ng panyo sa harap mismo ni Ross. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit may isa na ring balot ng panyo 'yong isa pa niyang kamay.



"Halika na." Sabi ko sa kanya. Nang bigla namang nagtakbuhan ang mga kaibigan ni Ross papalayo ay maging ito nagmadali na ring nanakbo. Naiwanan kaming dalawa ngayon dito.







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon