CPMGP_Chapter 15

82.1K 3K 71
                                    

"C-Claire?" Sabi ni Prince Dazu sabay takbo niya at yakap kay Claire. "Claire, please, bumalik ka na sa akin." Pagmamakaawa ni Prince Dazu.



"Hala. Totoo ba talaga 'yong nakikita natin, ha? Si Prince Dazu hinahabol si Claire?" Gulat na sabi ni Ayesha habang nakatayo pa rin ako sa puwesto ko at nakatingin lang sa kanila.



"Oh, my gosh, kailan pa 'tong kabaliwan na 'to?" Wika naman ni Alex.



"Bitiwan mo ang Girlfriend ko."
Nang marinig ko naman 'yon mula kay Ross halos mamilipit 'yong mga daliri ko sa galit.



"Anong ibig sabihin nito? Si Claire at si Ross, silang dalawa?" Pagtataka nila Jamaica.



"Kailan pa 'to?" Gulat naman na tanong ni Ayesha.



Bakit hindi ko alam ang tungkol dito? Kung gano'n, kaya pala ako hiniwalayan ni Ross nang dahil kay Claire?



"Bitiwan mo ako Dazu! Nagpunta ako rito hindi dahil sa 'yo, kundi sa Mama mo lang." Sabi ni Claire sa kanya.



"Hindi mo ba narinig 'yong sinabi niya? Bitiwan mo si Claire. Hindi ka na niya gusto Dazu Kang." Sabi pa ni Ross.



"Hindi ako naniniwala. Please, Claire," Pagkasabi no'n ni Dazu bigla siyang kinuwelyuhan ni Ross kaya nagsilapitan ang mga Prince sa kanila at nakaamba ng gulo. Pero hindi pa rin niya binibitiwan si Claire, kundi nakahawak pa rin siya rito kahit nasa harapan na niya si Ross.



"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan Claire." Sabi ni Prince Dazu.



Makikita mo sa mga mata niya 'yong pagmamahal niya kay Claire. Pero ang tanong ko anong nagustuhan ni Prince Dazu sa kanya? Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?



Ilang segundo pa, nagulat ang lahat nang biglang suntukin ni Ross si Prince Dazu. Lalapitan na sana siya ng mga Prince pero sumenyas ito na 'wag makialam kaya nagpipigil ang mga Prince ng galit ngayon.



"Hayaan... n'yo lang ako." Bigkas ni Prince Dazu habang nagpupunas siya ng dugo sa bibig niya at ikang tumayo.



"Dazu, ano bang ginagawa mo?" Sabi no'ng isang Prince sa kanya. Pero hindi na ako nakapagpigil pa sa mga nakikita ko kaya lumapit na ako sa kanila at nagpakita.



"Uy! Shimi!"



"Hala! Bakit ka nagpakita?"



"Patay na! Malalaman ng mga Prince na nag-i-stalk tayo sa kanila!"



"Hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na 'to." Kunot-noo kong sabi.




"S-Shimi?" Gulat na gulat na bigkas ni Claire nang makita niya ako sa likuran ni Ross, kaya nang makita rin ako ni Ross halata rin ang pagkagulat niya. Tapos si Prince Dazu halata rin ang pagtataka sa mukha niya ganon'n din ang mga Prince at si Russel.



"A-Anong ginagawa mo rito, Shimi?" Utal na pagkakatanong sa akin ni Ross pero nakatingin lang ako ng masama sa kanilang dalawa ni Claire. Hindi ko siya sinagot pero nilapitan ko si Claire.



"Bitawan mo siya." Sabi ko kay Prince Dazu dahil hawak hawak pa rin niya hanggang ngayon si Claire. Pero habang sinasabi ko 'yon kay Claire ako nakatingin habang nakakunot-noo.



"Bakit ko naman siya bibitawan? 'Wag kang makialam dito." Nailipat ko ang masamang pagtitig ko kay Prince Dazu dahil 'yon ang sinabi niya sa akin.



"Ang sabi ko—bitiwan mo siya."









DAZU'S POV

"Ang sabi ko—bitiwan mo siya." Nagtagpo ang titigan naming dalawa. Kakaiba ang pagkasabi niya no'n sa akin at parang nagtitimpi siya ng galit niya.



Hindi ko pa rin binibitiwan si Claire dahil magkatitigan pa rin kaming dalawa hanggang ngayon. Pero hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang sinunod sa 'di ko malamang dahilan.



Ano bang ginagawa niya rito? Bakit siya nangingialam?



Pagkabitaw ko kay Claire bigla niya itong sinampal ng malakas. "Para 'yan sa panunulot mo kay Ross sa akin." Sabi niya na siya kong pinagtaka. Anong ibig niyang sabihin do'n?



"Shimi, patay na!"



"Ah, hello mga Prince, nagkita-kita ulit tayo." Sabi naman no'ng mga kasama niya habang nagcross fingers sa amin.



Anong ginagawa nila rito? Sinusundan ba nila kami?



"S-Shimi, hindi ko sinasad—" Naputol 'yong sinasabi ni Claire dahil sinampal ulit niya 'to.



"Sana sinabi mo nalang sa akin na gusto mo si Ross noon pa." Nang mapayuko si Claire si Ross naman 'yong nilapitan niya. Pero napayuko rin si Ross nang magkatinginan sila. Pero ang mas ikinagulat naming lahat ay nang bigla niya itong suntukin sa mukha.




"Para 'yan sa panununtok mo kay Prince Dazu kanina." Sabi niya tapos sinuntok niya pa ulit 'to ng isa. "At ayan naman 'yong para sa sakit at panunulot na ginawa n'yo ni Claire sa aming dalawa."



Pagkasabi niya no'n tumalikod na siya kasunod ang mga kaibigan niya. Nakatingin lang kaming lahat sa kanila habang nakatalikod. Pero 'di ko inaasahang hihinto pa siya at muling lilingon sa amin.



"Hindi dapat minamahal ang mga taong katulad nyo." Bigkas nya at tuluyan na nga silang umalis.



"Dazu, halika na." Nilapitan ako nila Jenrick at inalalayan nila ako. Pero isusuko ko na ba talaga si Claire? Lumingon pa ako sa kanya.



"Dazu, narinig mo naman siguro 'yong sinabi ni Shimi kanina. 'Yung mga taong katulad nila, hindi dapat minamahal. Umalis na tayo rito, baka hinahanap na tayo nila Tita Crystal." Turan ni Jenrick.



Wala na akong nagawa kundi iwan si Claire kasama si Ross kaya matamlay akong nagpatangay sa mga kaibigan ko paalis do'n.









Wala na akong nagawa kundi iwan si Claire kasama si Ross kaya matamlay akong nagpatangay sa mga kaibigan ko paalis do'n

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon