CPMGP_Chapter 8

103K 3.2K 247
                                    

DAZU'S POV

May mga malalaking lalaki ang papalapit sa amin ngayon. Pero ang pinagtataka ko, sino itong mga 'to? Bakit gusto nilang makipagkita sa amin dito?



Nang makalapit sila sa amin hindi ko na pinalampas pang hindi magtanong. Magkakatapat na kami ngayon.



"Sino kayo at anong kailangan n'yo sa amin?" Turan ko.



"Kayo 'yong mga Prince?" Pero hindi nila ako sinagot kundi, nagtanong din sila sa akin kaya tinignan ko sila ng masama.



"Kung hindi n'yo sasagutin ang tanong ko, nag-aaksaya lang kami ng oras sa inyo. Umalis na tayo rito." Tumalikod na ako gano'n din ang mga Prince.



"Dazu Kang..." Pero nang marinig namin ang pamilyar na boses na 'yon, agad kaming napalingon sa kanya. "Kumusta mga, Insan?" Dugsong niya.



"Russel?" Gulat naman na sabi ni Kazu sabay lapit niya rito.



"Grabe, ang angas naman ng kakambal mo Kazu!" Tumawa siya.



Ngumiti naman ako. "Pambihira ka! Akala ko naman kasi kung sino na." Nilapitan namin siya.



"Bakit? Nakakatakot ba ang mga bodyguards ko?" Natatawa pa rin siya habang nagkakamayan kaming dalawa at si Kazu.



"Russel, mabuti naman at binisita mo kami rito?" Sabat ni Jenrick at nagyakapan silang dalawa.


"Russel, mabuti naman at binisita mo kami rito?" Sabat ni Jenrick at nagyakapan silang dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Name: Russel Kang Montero

-21

-Cousin of Dazu and Kazu. Son of Mimi Kang.



"Siyempre naman. Gusto ko na rin kasi kayong makita lahat. Kumusta?"



Nakipagshake hands siya sa mga Prince.



"Okay kami rito. Ikaw? Kumusta ka, tol?" Wika ni Vince.



"Ito ayos naman. Much better kaysa no'ng huli n'yo akong makita."



"Mukha ngang mas gumuguwapo ka ngayon." Sambit naman ni Clifford sabay tawa.



"Hindi. Mas pamatay pa rin talaga 'yong kaguwapuhan mo Clifford. Lalo na 'yong killer smile mo sa mga kababaihan. Hahaha!"



"Yowh. Russel!"



"Renzo the chickboy!" Nag-apiran sila sabay yakapan na rin.



"Wooy! Ano ba? 'Wag naman tayo rito mag-usap-usap." Ani Kazu kaya napalingon kami sa kanya.



"Puwede naman tayo sa Bar." Suhesyon naman ni Brent. Tumango naman kami sa sinabi niya. Bihira lang 'yan magsalita.



"Mukhang maganda 'yong idea ni Brent." Pagsang-ayon ni Vince.



"Fine! Dalhin n'yo ako sa pinakamamahaling Bar dito sa Pilipinas at sagot ko na ang gabi natin!"



"Yon!" Masayang sambit ni Jenrick. Tila nagkasundo ang lahat sa titigan palang kaya tuwang-tuwa ang mga Prince.


"Ayos 'yan! Ano pang hinihintay natin? Let's go!"



"Alright!"



"Pero teka lang! Bago tayo umalis, napansin n'yo ba 'yong apat na babaeng nakamasid sa inyo kanina pa?" Tanong ni Russel sa amin kaya nagulat kami sa hinayag niya sabay tinginan sa isa't-isa.



"Apat na babae?" Sabay sabay naming sabi.



"Nandon sila sa—" Naputol 'yong sasabihin niya nang may tinuturo siya sa bandang gilid.



"Wala namang tao, ah?" Sagot ko.



Nakatingin lang kami ngayon sa tinuturo niya. Naalala ko tuloy bigla 'yong apat na babaeng taga Asia Academy. Apat na babae raw, e. Napakunot tuloy 'yong noo ko.



Tapos parang nagtataka naman 'yong expression ni Russel ngayon. Tapos bigla siyang tumawa. "Baka guni-guni ko lang siguro 'yong nakita ko. Ano? Labas na ba tayo?" Anyaya niya kaya muli kaming nagkangitian.



Tuluyan na kaming umalis do'n para makapagbonding.









SHIMI'S POV

Nagmadali kami sa pagtakbo palalayo sa kinaroronan ng mga Prince dahil muntikan na kasi kaming makita ro'n sa pinagtataguan namin kanina.



Pasaway talaga itong mga best friend ko. Kung nagkataon na nahuli kami roon patay kami. Mabuti nalang at natunugan kong napansin kami ng pinsan ng mga Prince kanina na si Russel.



Tinungo namin ang Mini Stop para rito magpahinga. Bumili kami ng tig-iisang maiinom.



"Nakita n'yo ba 'yon? Ang pogi ng pinsan nila Prince Kazu at Dazu!" Ani Ayesha sabay inom ng coke.



"Yayamanin!"



"Pack na pack sa abs~"



Ayan na naman silang tatlo sa usapang abs. Walang kasawa-sawa ang mga ito. Minabuti kong umalis na dahil hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila.



"Oh, saan ka pupunta, Shimi?" Puna ni Jamaica.



"Magkikita raw kami nila Dad ngayon. Bukas nalang ulit tayo magkita. Mauna na ako sa inyo."



May sinasabi pa si Alex pero hindi ko na pinansin 'yon. Tuluyan na akong umalis bago pa ako mahuli sa dinner date ng family namin.








(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon