CPMGP_Chapter 29

74.9K 2.4K 7
                                    

Nakatingin lang kami kay Dazu ngayon. Tinatanong niya kung anong ginagawa ni Russel dito sa Campus. "Gusto ko lang kumustahin si Shimi." Sagot ni Russel sa kanya.



Nang makalapit siya sa amin ni Russel, nang magtagpo ang mga mata namin nagkatitigan kami dahilan para bumalik sa isipan ko 'yong pag-uusap namin kanina sa likuran nitong Campus.



"Ituloy na natin 'yong pagpapanggap."



"Ha? Ano namang ibig mong sab—"



"Tulungan mo akong maibalik sa akin si Claire para bumalik na rin sa 'yo si Ross." Naputol 'yong sasabihin ko nang sabihin niya sa akin 'yon.



Hindi ako nakaimik sa sinabi niya pero nanghumarap siya sa akin seryoso ko siyang tinitigan. "Hindi ako katulad ng iniisip mo. Hindi ako sumisiksik sa taong ayaw na sa akin." Kita kong nadissapoint siya sa sinabi ko.



"Pero bakit? Hindi mo na ba mahal si Ross?"



"Katulad nang sinabi ko—hindi ako sumisiksik sa taong ayaw na sa akin. Siya ang unang bumitaw at hindi ako." Tinalikuran ko na siya at nagtangkang umalis pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa braso ko.



"Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin kaya please..." Pero ang ikinagulat ko ay nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.



"P-Prince D—"



"Please..." Yumuko pa siya.



Gustong gusto ko nang sabihin sa kanya na bakit ba niya kailangang magpakatanga sa Claire na 'yon? "Please..." Ulit pa niya. Pero imbes na sagutin ko siya tinalikuran ko siya at tumakbo na ako papalayo sa kanya.



Ngayon, magkatitigan pa rin kami. "I'm sorry, Dazu." Bigla kong nasambit kaya napayuko siya. Nakatingin lang sa amin ngayon si Russel.


Tanging tango naman ang isinagot niya sa akin sabay lihis ng tingin. Mukhang naunawaan niya kung ano ang ibig kong sabihin do'n. Hindi ko maipinta 'yong mukha niya ngayon.



"Okay." Matipid niyang sagot. Tapos no'n tinalikuran na niya kami. Iniwanan na niya kami ni Russel dito.



I'm so sorry Dazu. Nanatili pa rin akong nakatingin sa puwesto niyang nilisan nang bigla naman akong tapikin ni Russel sa balikat ko.


"Mauuna na ako." Pagpapaalam niya kaya tumango na lamang ako. Mag-isa na lang ako ngayon dito kaya naupo ako sa bench.



"I'm sorry, I'm sorry talaga, Dazu." Bulong ko pa.









KAZU'S POV

Nagdodota kaming lahat ngayon nang biglang dumating si Russel dito sa Teretoryo namin ng mga Prince.



"Oh, Russel." Ani Vince.



"Uy Insan, sali ka sa amin." Anyaya ko.



"Si Dazu, nasaan siya?" Tanong niya.



"Ha? Bakit? Hinahanap din siya ni Hyung Jenrick kanina pa."



"Okay." Sagot niya sabay alis kaya natigil ako sa paglalaro ko. Nagtataka lang akong nakatingin sa pintuan na pinaglabasan niya.



"Uy Kazu, ba't ka huminto? Baka matalo tayo niyan." Puna ni Renzo sa akin kaya napapaisip kong binalikan ang laro namin.



"Bakit kaya biglang umalis si Insan?" Tanong ko sa kanila.



"Baka may gusto lang siyang sabihin kay Dazu." Sagot ni Clifford. Kung sabagay may point naman kaya binalik ko 'yong pansin sa laro namin.







SHIMI'S POV

Matatapos na ang klase, mabuti naman dahil atat na akong umuwi. "Shimi, gusto mo bang sumama sa amin?" Bulong ni Alex sa akin dahil may teacher pa kami sa unahan. Magkakatabi kami sa upuan. Pero ano na naman kayang trip nitong mga 'to?



"Bakit? Saan ang punta natin?" Mahina kong tanong.



"Punta tayo ng Asia Academy."



Bahagya akong nagulat. "Nang ti-trip ba talaga kayo? Alam n'yo namang never na akong babalik don, tch."



"Kukuhain kasi natin 'yong transcript of record natin." Sagot ni Ayesha.



"Gano'n ba? Akala ko naman kasi kung saan na naman ang trip n'yo e."



"Hindi 'no. Oh, ano? Sasama ka ba?"



"Oo, pero sa labas lang ako. Hindi ako papasok sa loob."



"E paano mo makukuha 'yong transcript of record mo niyan kung hindi ka papasok sa loob?"



"Bakit? Kailangan na ba raw talagang kuhain 'yon? Nakakatamad."



"Oo e sabi ni Ma'am Divine."



Napaisip ako. "Tch!"



"Quite please..." Saway no'ng teacher namin kaya tumahimik na kami. Pero ilang minuto lang din naman natapos na 'yong klase. "Okay, now class dismiss." Nagtayuan na kami matapos 'yong sabihin ni Ma'am Santos.



"Oh, ano Shimi sasama ka ba sa amin? 'Wag kang mag-alala sa Claire na 'yon dahil kaming bahala sa kanya at sa mga kaibigan niya. Ano namang laban sa amin no'ng mga mga 'yon 'di ba? Duh!" Mataray na sabi ni Ayesha.



"Baka gusto nilang ilampaso ko mga mukha nila sa sahig kaya 'wag ka nang magdalawang isip na hindi sumama sa amin. Kailangan kasi nating maipasa 'yon bukas." Sabi naman ni Alex.



Umirap nalang ako. "Oo na."



Tch, 'wag ko naman sanang makita ro'n sina Ross at Claire na magkasama.








(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon