CPMGP_Chapter 40

70.8K 2.3K 107
                                    

SHIMI'S POV

Nang matapos na ang klase nandito na ako sa parking lot. Kinukuha ko kasi 'yong motor ko at ready na pauwi. Mabuti nalang at binigyan na ng maayos na damit si Prince Azu kaya sinuot ko na ulit 'yong uniform ko kanina. Pero hindi nga lang pala ako mag-isa ngayon dahil kasama ko 'tong tatlo kong best friend.



"Hindi talaga ako makapaniwala ngayon sa nangyayari sa atin." Masayang masaya na sabi ni Ayesha.



"Parang panaginip pa rin ang lahat~" Turan naman ni Jamaica.



"Akala ko talaga hanggang pangarap lang natin 'to. Pero ito na..." Sabi naman ni Alex sabay nagtinginan silang tatlo sabay sumigaw sila ng napagka'y lakas. Halos tumalon talon pa sila na akala mo'y nanalo sa lotto.



"Tss, ibang klase talaga 'tong mga 'to. Pumasok sila dito sa Campus na 'to para lang sa mga Prince." Bulong ko sabay iling.



"My gosh, ka-close na natin sila~" —Alex.



"Oo nga! Tapos ang guwapo guwapo talaga ni Prince Kazu, silang lahat~" — Ayesha. Tapos nagtilian ulit silang tatlo. Parang akala mo walang katapusan sa pagtili.



"Uy Shimi," Sabi naman ni Alex.



"Ay, nandito pala ako 'no? Akala ko kayong tatlo lang magkakasama, e." Sarkastiko kong sabi.



"Hays, ano ba Shimi," Sabi ni Jamaica sabay sakbit sa braso ko. "alam mo bang dahil sa 'yo kung bakit ka-close na namin ngayon 'yong mga Prince? Kaya salamat talaga."



"Tama. At isa ka talagang tunay na kaibigan Shimi." —Jamaica.



"Walang kapantay na Bff. It's true~" —Alex.



"Tss, ang drama, ah? Hindi ako naiiyak, kundi ang conry n'yo pa. Ang lutong nga e gusto n'yong tikman?" Umiling-iling pa ako tapos napanguso naman sila.



"Teka lang pala, kumusta naman pala kayo ni Prince Dazu, ha? Ayiiiii~" Hinampas niya ako sa braso ko dahil sa kilig nila. "Shimi, bagay kayo ni Prince Dazu yiiih~" Tukso pa nila.



"Oo nga, shi.zu couple~"



Hindi ko sila pinapansin ang sagwa kaya ShiZu parang ang pagkakarinig ko ShitZu -.-



"Ehem..." Napalingon kami ng sabay sabay sa likuran nang may tao pala sa likuran namin.



"P-Prince Dazu?" Gulat na sabi ni Alex.



"Ay, nakalimutan ko 'yong book ko sa room." Sabi ni Jamaica.



"Ah, talaga? Sige, sasamahan na kita." Wika ni Ayesha.



"Ako rin, sama ako." Sabi naman Alex sabay nag-alisan 'yong tatlo ng wala man lang paalam sa akin.



"Yan ang tunay na mga kaibigan." Bulong ko. At nang mapatingin naman ako sa harapan ko—si Azu nga. Hindi ako umimik, kundi tuloy lang ako sa pagkalas ng kadena. Ano naman kayang ginagawa nito rito?



"Gusto mo ng tulong?" Bigla niyang sabi. Eh, tapos na ako sa pagkalas.



"Hindi na kailangan. Ano bang ginagawa mo rito?"



"Ahm..."



"Ano? May kailangan ka sa akin 'no?" Taas kilay kong tanong. Naiinis kaya ako sa kanya hanggang ngayon dahil do'n sa sinabi niya sa buong klase kanina na kami na raw. Tinutukso tuloy kami dahil do'n. Puwede ba, hinding hindi mangyayari 'yon.



"Dazu, Shimi," Pero nagulat ako nang bigla kong marinig ang boses ni Russel sa likuran ko kaya agad ko siyang nilingon. Parang biglang lumundag 'yong puso ko nang makita ko siya.








DAZU'S POV

"Russel?" Sambit ko sabay nagkamayan kaming dalawa pagkalapit niya sa amin.



"H-Hi." Utal namang sabi ni Chimine kaya napangisi ako. Halata namang may gusto siya kay Insan.



"Kain tayo sa labas. Treat ko." Anyaya ni Russel kaya napangiti ako. Wala namang dahilan para tumanggi kami. Tamang tama nakakaramdam na rin ako ng gutom.



'Yon nga lang may sasabihin sana ako kay Chimnie kaya nga pinuntahan ko siya rito, kaya lang dumating si Insan. Mamaya nalang siguro kapag nakakuha ako ng tiyempo.




MAGKATABI sila ni Insan ngayon habang nasa tapat naman nila ako. Nandito na kami sa restaurant ngayon at kanina pa sila nagkukuwentuhang dalawa samantala ako parang display lang.



"Ehem...." Ubo ko kunyari. Pero tuloy pa rin sila sa kuwentuhan at 'di nila ako pinapansin. "Ehem... ehem..." Tapos no'n bigla na silang napatingin sa akin.



"Nasasamid ka ba? Bakit hindi mo subukang inuman ng tubig 'yan?" Mataray na sabi ni Chimnie sa akin. "Storbo." Narinig ko pang sabi niya. Bigla naman akong napangiti ng may maisip akong magandang kalokohan.







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon