CPMGP_Chapter 70

55.4K 1.7K 26
                                    

KAZU'S POV

Nakakaawa silang tatlo tignan. Nandito kami sa CR at nililinisan namin 'yomg mga mukha nila na punong puno ng harina at itlog. "Tch, sino ba may utos nito?" Galit kong sabi.



"A-Ang akala namin kayo 'yong may utos nito." Hayag ni Jamaica.



"Anong sinasabi mo riyan? Bakit naman namin gagawin sa inyo 'yon?" Agad na sagot ni Brent.



"Ayon kasi 'yong sinabi ng mga estudyante kanina. Ayon 'yong narinig namin sa kanila na kayo raw ang may utos no'n kaya nagulat kami kanina nang bigla n'yo kaming tinulungan." Pagpapaliwanag ni Alex.



"Ha? Wala kaming inuutos na gawin 'yon sa inyo." Sagot ni Clifford.



"Kung hindi kayo ang nag-utos no'n, nangyari naman na." Sabat ulit ni Ayesha. "Hayaan n'yo na nga lang. At least, alam naming hindi kayo ang may gawa no'n." Dugsong pa niya.



"Kapag nalaman ko kung sino 'yomg may gawa nito humanda na siya, tch!" Sagot ko sabay punas ulit sa mukha ni Ayesha.



"Aw, dahan dahan lang." Daing naman niya.



"Ah, I'm sorry."



"Nga pala, paano nila nalamang Gangster kayo?" Mahinang tanong ni Clifford.



"Ayan nga rin 'yong pinagtataka namin. Hindi namin alam kung paano nagkalat 'yong balita na 'yon."



"Oo. Isa pa, imposible namang ipagkalat pa ng grupo ni Ross 'yon. Ang takot lang nila na mabugbog ulit namin sila. Isa pa, mananagot sila sa Daddy at Mommy ni Shimi matapos 'yong nangyari kahapon kaya malamang 'di na mangugulo 'yong mga 'yon."



"Hays, sana hindi na 'to lumala pa."



"Kami nang bahala tungkol diyan kaya 'wag na kayong mag-alala. Kumusta pala si Shimi?" Tanong ni Brent sa kanila.



"Hindi ko alam. Wala na kaming balita sa kanya. Mukhang grounded siya tungkol sa nangyari."



"Isa pa, marami siyang bantay ngayon kaya hindi siya makakatakas do'n."



"Kung gano'n wala silang balak papasukin si Shimi o palabasin man lang?"



"Gano'n na nga."



"Alam na ba niya 'yong sitwasyon ngayon ni Kuya Dazu?"



"Ang alam ko wala silang balak ipaalam kay Shimi 'yon."



"Ha? Sa anong dahilan?"



"'Yun ang hindi namin alam."










RUSSEL'S POV

Nandito ako sa tapat ng bahay nila Shimi ngayon. Nakatingin lang at pinagmamasdan ito. Pero bakit napakarami yatang bantay ang mayroon dito ngayon? Bumaba ako ng kotse at sinubukan ko kung papapasukin nila ako.



"Bata, anong kailangan mo?" Tanong ng isa sa mga bantay sa akin.



"Ako po si Russel Kang Montero, kaibigan po ako ni Shimi. Puwede ko po ba siyang makita?"



Pagkasabi ko no'n biglang tumalikod sa akin 'yong nakausap ko at may kausap siya gamit ang bluetooth earphone. Nakatingin lang ako sa kanya at pinagmasdan ko na lang rin ulit ang bahay nila Shimi sa malapitan. Sana makausap ko siya kahit saglit lang.



Muli akong binalikan ng tingin ng nakausap kong bantay. "Sige, puwede kang pumasok. May sasama sa 'yo." Pagkasabi niya no'n pumasok na ako habang may kasamang dalawang bantay.



Habang naglalakad ako papasok sa loob ng bahay nila, hindi ko naman maiwasang hindi mapaisip kung bakit 'to ginagawa sa kanya, pero sana ayos lang ang lagay niya. Tumigil kami sa isang kuwarto, palagay ko naandito si Shimi ngayon.



"Mayroon kang ten minutes para kausapin siya." Tumango lang ako at pumasok na ako ng tuluyan sa loob nang pagbuksan nila ako ng pintuan.




" Tumango lang ako at pumasok na ako ng tuluyan sa loob nang pagbuksan nila ako ng pintuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon