CPMGP_Chapter 17

76.4K 2.8K 45
                                    

SHIMI'S POV

Hindi puwede 'yong gusto niyang mangyari. Lalo't may kasunduan kami nila Mom at Dad na last Campus ko na 'tong papasukan ko dahil kung hindi, hindi nila bibilhin 'yong motor na pinapangarap ko. Bigla kong pinilas 'yong papel sa harapan niya dahilan para mapakunot 'yong noo niya.



"Hoy! Bakit mo pinilas 'yong papel?" Sigaw niya at halata ang pagkagulat niya sa ginawa ko.



"Dahil gusto ko. Hindi ako aalis sa Campus na 'to!" Bulyaw ko.



"Anong sinabi mo?"



"Sabi ko hindi ako aalis ng Campus!" Hindi ako makakapayag na 'di ko makuha 'yong pinapangarap kong motor nang dahil lang sa kanya.



"Utos ko 'yon kaya sundin mo. Kapag sinabi kong aalis ka, aalis ka!" Napalakas na 'yong boses niya.



"Wala namang dahilan para umalis ako sa Camp—"



"Mayroon!" Agad niyang sagot. "Sa Campus na 'to, kami ang batas. Sa ayaw at sa gusto mo terminate ka na. Wala akong pakialam kung hindi ka pumirma. Simula ngayon hindi na kita makikita sa Campus!" Dugsong pa niya.



"Hindi kita susundin. Naiintindihan kong Prinsipe ka ng Campus na 'to pero hindi naman ako papayag na basta mo nalang akong i-te-terminate! Ano bang dahilan, 'yong nangyari kahapon? Wala akong pakialam kung 'yong girlfriend mo 'yong dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Ross!" Napalakas na rin 'yong boses ko.



"Ah! Gano'n? Bakit? Si Ross din naman 'yong dahilan kung bakit nagkahiwalay kami ni Claire, ah!" Sinipa niya 'yong upuan pero 'di ako natinag.



"Psst, tumigil na nga kayong dalawa." Biglang nagsipasukan 'yong mga Prince at sinaway kami ng isa sa kanila. Pero hindi ako magpapatalo sa Prince Azu na 'to.



"Palibhasa kasi, malandi 'yong girlfriend mo!" Sabi ko sabay irap.



"Ah, talaga? Bakit? Para namang hindi malandi 'yong boyfriend mo!" Sabi naman niya.



"Ang sarap n'yong sakalin ni Claire!"



"Masarap din kayong sakalin ni Ross!"



"Malandi!" Sigaw ko.



"Mang-aagaw!" Sigaw naman niya. Pero hindi ako papatalo sa kanya.



"Haliparot!" Sigaw ko ulit.



"May—"



"Ooops. Ooops. Tumigil na kayong dalawa, baka kung saan pa mapunta 'yang pagtatalo n'yo." Inawat ulit kami no'ng isang Prince nang makalapit sila sa amin. Naputol pa nga 'yong sinasabi niya.



"Jenrick, hindi ako papayag na magstay pa rin siya rito sa Campus. Ayoko siyang makita!" Kunot-noo niyang sabi sa Prince na umaawat sa amin kanina pa.



"Bakit? Ayoko rin naman kitang makita ah!" Sumabat pa ulit ako dahil hindi ko gusto 'yong sinabi niya.



"Lalo naman ako kaya nga kita te-ne-terminate, e!" Walang hinga hinga niyang sabi.



"Hay! Hindi ba talaga kayo magpapaawat dalawa, ha?"



"Hyung Jenrick, bakit hindi mo nalang sila paglabanin? Kung sino manalo sa kanila e 'di 'yon ang sundin."



"I agree."



"Gano'n din ako."



"Mee too."



"Copy."



Halos magkaisa 'yong mga Prince sa suhesyon no'ng isang Prince. "Teka, wala naman akong maisip kung anong laban gagawin nila?"



"Ano?! At bakit kailangan kong makipagbattle sa Chimnie na 'yan?!"



"Anong tinawag mo sa akin, Prince Azu?"



"Anong Prince Azu? Bawiin mo 'yong sinabi mo! Hindi Azu pangalan ko!"



"Oh, 'di ba? Anong pakiramdam na binababoy 'yong pangalan, ha?!" Tinaasan ko siya ng kilay habang natatawa naman itong mga Prince sa amin.



"Ilayo n'yo na nga sa akin 'yan!!" Iritable niyang sigaw.









(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon