CPMGP_Chapter 69

54.8K 1.8K 30
                                    

Lumipas ang dalawang araw, hindi ako nakakalabas ng bahay. Nandito lang ako at pinagpapahinga ng husto nila Daddy at Mommy. Madami akong bantay sa labas na tila may nangyayaring hindi ko alam. Ang sabi nila bibisita kami kay Dazu pero hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin 'yong araw na 'yon.



Wala akong ginagawa rito maghapon, kundi manuod lang ng TV, kumain, matulog at wala akong contact kahit kanino. Nakakainip, hindi man lang ako binibisita nila Jamaica, Alex o Ayesha at kahit na sino sa kanila.









AYESHA'S POV

"BA.TU.HIN!! BA.TU.HIN!!"


"BA.TU.HIN!! BA.TU.HIN!!"



Ayan ang sinisigaw ng mga ka-schoolmates namin ngayon habang may mga hawak silang itlog at harina. Magkakatalikuran kaming tatlo nila Jamaica at Alex habang ang sama ng tingin namin sa kanila dahil pinapalibutan nila kami.



Hindi namin alam kung sino ang nagpakalat na Gangster daw kami. Ito ang dahilan kung bakit pinag-iinitan kami ngayon ng buong Campus pero mabuti nalang talaga at wala rito si Shimi. Imbes na matakot sila sa amin dahil sa nalaman nila, pero pinagkatuwaan pa nila kaming lahat.



"LUMABAN KAYO!" Sigaw ng isa sa kanila sabay bato ng itlog habang nagtawanan silang lahat.



Hinahayaan lang namin 'tong ganitong pangyayari dahil hindi namin sila puwedeng kalabanin. Ni hindi namin puwedeng ipakita sa kanila na malalakas kami o umastang mga Gangster dahil mahigpit na policy 'yon kung lalabagin namin, lalo't Campus pa 'to. Sinasalag nalang namin ito kahit hindi namin gusto.



"Ano?! Wala naman pala kayong sinabi e! Akala namin Gangsters kayo? Hahahaha!" Sabay bato nila sa amin ng maraming itlog at harina kaya kahit na inis na inis na ako hindi ko pa rin puwedeng ilabas ang galit ko.



Nang makita ko namang nakatikom na ang mga daliri ni Alex na tila gustong gusto na niyang kalabanin ang lahat ng mga estudyante na naandito ngayon agad kong pinigilan 'yon dahil hindi talaga puwede. Sa pagbato naman ng isang estudyante sa akin ng harina sumakto 'yon sa mukha ko kaya bukod sa napaubo na ako napuwing pa ako dahilan para mapaupo ako at indahin ito.



"Ayesha, okay ka lang ba?" Agad nag-alala sa akin si Jamaica pero hindi ako nakapagsalita kundi umiling nalang ako.



"Bakit ba ang sasama ng ugali n'yo ha?!" Nagulat naman kami nang biglang sumigaw si Alex.



"Ano raw? Masama raw ang ugali natin? Hahaha!" Halos lahat sila nagtawanan.



"Punong-puno na talaga ako." Bulong ni Alex at ano mang oras puwede na siyang manuntok. Babatuhin na sana ulit siya pero tumayo ako para salagin 'yon dahil kilala ko siya.



Si Alex, once na mapuno siya hindi na niya na ko-control ang galit niya, wala siyang pakialam kung sino 'yong kaharap niya, kaya para hindi mangyari 'yon sinalag ko 'yon. Pero bakit gano'n? Parang hindi manlang dumampi sa akin 'yong harina at itlog? Nakapikit lang ako habang nakayakap kay Alex, pero pagdilat ng mga mata ko napatingin ako sa nasa unahan ko.



Kaya pala hindi ako tinamaan no'n dahil kay Prince Kazu. Nagulat kaming makita na naandito ang tatlong Prince. Sina Kazu, Brent and Clifford. "P-prince Kazu." Bigkas ko. May dumi na 'yong napakalinis niyang uniform. Nagulat din ang lahat ng mga estudyante sa pangyayari.



"Sino ang nag-utos sa inyo na gawin 'to sa kanila?!" Kunot-noo niyang sigaw kaya natahimik ang lahat.



At nang lumapit naman sila Prince Clifford at Prince Brent bigla nilang sinuntok 'yong mga lalaking estudyante dito at nagsisigawan naman ang mga babae. Halos magtakbuhan na ang lahat dahil nambubog-bog na sila.



Samantala nagulat naman kami sa ginawa nila kaya nakatingin lang kami sa kanila. Pagkatapos ng ginawa nila hinila ako ni Prince Kazu at si Prince Brent naman kay Jamaica, si Alex kay Prince Clifford palayo ro'n.





 Pagkatapos ng ginawa nila hinila ako ni Prince Kazu at si Prince Brent naman kay Jamaica, si Alex kay Prince Clifford palayo ro'n

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon