CPMGP_Chapter 38

67.8K 2.2K 19
                                    

Bigla akong nagulantang sa biglaang pagbell. Pambihira naman kasi, hindi pa nga ako nakakakain ng madami. Binilisan ko 'yong pagkain ko. Gutom pa kasi talaga ako.



"Hoy! Ba't ba ang bilis mo kumain?" Puna niya nang makita akong parang nagmamadali.



Halos hindi naman ako makapagsalita dahil sinubo ko na 'yong burger kahit malaki pa ito tapos nginuya ko 'yon ng nginuya sabay inom ng drinks.



"Hoy! Hintayin mo naman ako. Hindi pa ako tapos kumain." Aniya.



Para namang mabubusog siya sa kinakain niya e candy lang kaya 'yon. At dahil hindi ako makapagsalita, sumenyas ako sa kanya na bilisan na niyang kumain pero parang hindi niya yata na-ge-gets 'yon.



"Hoy, Chimnie, hindi pa ako nakakakain ng madami!" Angal niya. At nang malunok ko naman lahat ng kinain ko nginisian ko siya.



"Ang bagal mo kasi!" Anas ko naman.



"So, kasalanan ko kung bakit mabagal akong kumain? Bakit ba kasi nagbell agad! Tch!" Naiinis niyang sabi.



"Aba. 'Wag ka nang maraming tanong tumayo ka na riyan. Malalate tayo sa klase."



"Wala naman akong pakialam kung malate tayo sa klase." Inis niyang sabi.



"Ah, gano'n, sige, bahala ka riyan." Tumayo na ako. Pero sa pagtayo kong 'yon hindi ko sinasadyang matumba ko 'yong juice na iniinom ko. E may laman pa 'yon, marami.



Nang sundan ko 'yon ng tingin umaagos na 'to papunta kay Prince Azu at do'n sa Potchi na kinakain niya kaya nanlaki 'yong mga mata ko.



Halos ikutin ng mga mata ko kung may tissue ba rito sa buong paligid ng canteen pero wala akong nakita.



At kung aalis naman ako para humingi sa counter hindi na aabot baka tumulo na 'yon sa kanya. Pinagmamasdan niya lang ang pag-agos ng juice. Pero ayon nga, tumulo 'yong juice sa uniform ni Prince Azu kaya bigla siyang napatingin sa akin ng masama.



"Ahh...ehh...ihh...ohh..." Hindi ako makapagsalita ng ayos.



"Uhh?" Sarkastiko niyang bigkas.



"H-Hindi ko naman sinasadya? Bakit kasi hindi ka pa umalis?" Naninilaw 'yong uniform niya at basang basa siya, at hanggang ngayon nakaupo pa rin siya sa upuan habang nakatayo naman ako at nakatitig lang sa nangyari.



"Mga bata, anong nangyari riyan—" Biglang may lumapit sa aming taga Canteen Staff. Pero natigilan din siya sa sinasabi niya nang makita niya ang sitwasyon ni Prince Dazu.



"Ano? Tititigan n'yo nalang ako?" Kunot-noo niyang sabi kaya nataranta kami.



NAGHIHINTAY ako rito sa labas ng CR. Nakakainis naman may kalahating oras nang nakakalipas. Palagay ko may makakaligtaan akong isang subject.



Baka malaman 'to nila Dad at Mom baka parusahan nila ako. Ba't ba ang tagal magbihis no'ng Azu na 'yon?Binigyan siya ng mga taga Canteen ng mabibihis niya. Maya-maya naman bigla na siyang lumabas.



"O-Okay ka na?" Tanong ko sabay bigla akong natawa dahil sa itsura niya. Ba naman, siya lang 'yong kakaiba ngayon sa Campus dahil nakapangP.E uniform siya, bukod pa ro'n bitin pa 'yong pangbaba sa kanya kaya nakakatawa talaga. Para pa siyang suman dahil medyo masikip sa kanya 'yon.



"Hoy! Anong tinatawa-tawa mo riyan?" Sigaw niya sa akin.



"Wala." Palihim pa rin akong tumatawa.



"Oh, ikaw naman ang pumasok do'n." Bigla naman niyang sabi na labis kong pinagtaka.



"Ba't ako papasok diyan?" Aniko.



"Para magbihis. Suotin mo 'to!" May inaabot siya sa aking isang plastic bag.



"Ano ba 'to?" Tanong ko.



"Bakit? Sa tingin mo hahayaan kong ako lang ang magp-P.E uniform ngayon? Kasalanan mo to kaya idadamay kita, tch."



"Anong sinabi mo?" Kaya pala dalawa 'yong hiningi niya kanina. Akala ko naman pamimilian niya 'yon kapag hindi kasya sa kanya 'yon pala sa akin niya ipapasuot. Nananadya siya.



"Bingi ka rin 'no?" Aniya.



Anak ka ng—hindi na ako nakapalag. Nandito na ako ngayon sa loob ng CR. Talaga bang susuotin ko rin 'to? Nakakainis naman mukhang bitin din 'to sa akin e. "Hoy Chimnie! Ang bagal mo naman, bilisan mo!" Sigaw niya sabay kalampag sa pintuan ng CR.



"Aba, masyado 'to, tch!" Sabay amba ko sa pinto. "Oo na! 'Wag kang maingay diyan!" Nakakainis talaga.









(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon