CPMGP_Chapter 35

70.1K 2.4K 37
                                    

DAZU'S POV

Nakatingin lang ako kina Russel at Chimnie ngayon habang nag-uusap silang dalawa nang muli ko silang balikan.



"Hindi mo na ba mahal si Ross?"



"Ahm, puwede bang 'wag na natin silang pag-usapan?"



"I'm sorry."



"Ayos lang."



Nang tumigil sila sa pag-uusap naisip ko nang magsalita. "Puwede na ba tayong umuwi?" Turan ko.



"Prince Dazu," Bigkas ni Chimnie habang nakatingin sa akin.



"Ano?" Pabalang kong sagot.



"Galit ka na niyan?"



"Hindi, hindi, tch!"



"Suotin mo 'to." May inaabot siyang sa aking sumbrero nang lapitan niya ako.



"Oh? Anong gagawin ko riyan?"



"Ano bang ginagawa sa sumbrero? Bakit ba ang sungit mo, tch!"



"Ano? Pagsusuotin mo ako niyan? Tignan mo nga ang nakadrawing diyan Panda. Sa tingin mo susuotin ko 'yan? Prinsipe ako ng Campus. Hindi Prinsipe ng mga panda."



"Ba't ba ang arte mo? Para sa 'yo naman 'yan e."



"Hindi ako maarte!"



"Dazu, suotin mo na 'yan, baka mahalata ka nila Tita Crystal at Tito Ozu kapag nakitang may sugat ka sa ulo mo. 'Di ba ayaw mong magrounded?" Napaisip ako sa sinabing 'yon ni Insan.



"Hays, nakakainis naman 'tong araw na 'to." Bulong ko sabay hablot ng sumbrerong panda sa kamay niya.



"Akala ko ba ayaw mo?" Pang-aasar ni Chimnie.



"Hindi ba puwedeng napilitan lang?" Patuloy kong pagsusungit sabay lagay sa ulo ko no'n. Para akong naging batang prinsipe nito e.



Nang bigla niya akong tinawanan kaya inirapan ko siya. "Umalis ka sa harapan ko bak—" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang dumating 'yong Ka-Gang ng Mommy niya. "Ahaha! Bagay ba sa akin? Aalis na kami ahaha!" Pag-iiba ko ng awra.



"Oh? Uuwi na mga bisita mo Young Miss?" Tanong nito. Grabe! Katakot 'yong itsura niya.



"Oo raw Unnie Mira." Sagot ni Chimnie.



Awkward naman akong ngumiti. "Opo uuwi na po kami." Pagpapaalam ko.



"Ah, sige, ihatid na namin kayo?" Alok niya.



"Hindi na po, may kotse naman po akong dala. Marami pong salamat sa pagtulong n'yo sa pinsan ko." Ani Russel habang natango lang ako.



"Walang anuman, basta ka-close ni Young Miss." Bigla naman akong natalisod nang marinig ko 'yon. "Araay! Ang sakit!" Daing ko. Damn it. Hindi naman kami close na dalawa e. Magkaaway pa nga kami.



"Okay ka lang?" Tanong ulit sa akin no'ng babae Gangster kaya nagmadali ako sa pagtayo.



"Okay na okay po." Nakita ko namang tinatawanan ulit ako ni Chimnie nang tumingin ako sa kanya. Humanda siya sa akin sa Campus bukas.



"Sige po, mauna na po kami." Pagpapaalam ni Insan.











SHIMI'S POV

"Sige po, mauna na po kami." Sabi ni Russel. Napakagalang niya talaga hindi katulad no'ng Prince Azu na 'yon.



Nakatanaw lang ako sa kanila habang papaalis sila. Idagdag ko na rin na ang guwapo talaga ni Russel. Napapangiti tuloy ako.



Kinabukasan....



"Ang mga Prince nandiyan na sila!!!" Nagising ako nang bigla kong may marinig na nagsisigawan. Pagtingin ko naman sa mga katabi ko wala na sila, Sino pa nga ba? E 'di 'yong mga Best friend ko—sina Jamaica, Ayesha, Alex.



Nang bigla rin silang nakikisigaw do'n sa pintuan ng room namin kaya napangisi ako. Grabe. Halos mamilipit sila sa kakasigaw. Yumuko nalang ulit ako sa desk. Hindi naman ako cheerleader para sigawan ang mga Prince. Iidlip nalang muna ulit ako.



Isa pa, ayokong makita 'yong mukha no'ng Prince Azu na 'yon baka masira lang buong araw ko. Hindi pa nga nagsisimula 'yong klase, tch, nakakainis ang ingay ng mga kaklase ko.



"Oh, my ghad!" Pero bakit gano'n? Parang palakas ng palakas yata 'yong mga hiyawan nila?



"CAMPUS PRINCE! CAMPUS PRINCE! CAMPUS PRINCE!"



Napakunot 'yong noo ko sabay tingin sa pintuan. Ang ingay kasi nila e. Pero sa pagtingin kong 'yon, nagulat ako nang makita kong nandito lahat ng mga Prince sa room namin. Nagkalat sila. At pagtingin ko naman sa tabi ko nasa tabi ko lang naman si Prince Azu, at 'yong tatlo kong best friend e masayang masaya na katabi ang mga Prince ngayon.



"Bakit nandito ka?" Agad kong tanong.



"Bakit may masama ba?" Mayabang naman niyang sagot sabay ngisi. Ano na naman kaya ang pinaplano nitong Azu na 'to?






(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon