CPMGP_Chapter 77

57.2K 1.8K 31
                                    

Kinabukasan...

ALEX'S POV

Nasa gate pa lang kami at naglalakad papasok ng Campus ngayon. Malungkot kami at wala sa wisyo, matamlay din dahil parang nalagasan kami ng kaibigan pero 'yon naman ang totoo dahil wala na si Shimi.



"Nakakatamad pumasok." Ani Jamaica. Habang hindi naman kami nagsasalita ni Ayesha. Pero napahinto kami sa paglalakad nang bigla naming makita rito sa loob ng Campus ang mga kaibigan ni Claire. Para kaming natauhan bigla.



"Tss, tignan n'yo nga naman, may mga impakta sa Campus natin." Mapang-asar kong sabi. Ano kayang ginagawa nitong mga 'to rito?



"Alam n'yo girls, hindi ko lang lubos maisip na Gangster 'tong mga 'to, hmp!" Ani Samantha na tumataas-taas pa ang kilay habang nakapamewang. Ang bilis talagang kumalat ng balita dahil maging sila alam na nila ang tungkol do'n.



"Mga tanga ba talaga kayo? May mga Gangster bang kasing gaganda namin? Chicks kami at 'di basag ulo!" Sabi ko rin ng mas mataas pa ang kilay sa kanila.



"Talaga? Eh, bakit ayon ang kuwento sa amin ni Claire? Excuse me, mas magaganda kami." Sabat ni Aira na umiirap-irap ang mata. Ang sarap tusukin.



So, 'yong madaldal na Claire na 'yon pala ang nagsabi sa kanila. Dapat pala 'di na namin pinakawalan 'yon e. Hinayaan nalang sana naming mabulok 'yon do'n na nakatali sa poste. "Tapatin n'yo nga kami, kayo 'yong tatlong babae ro'n sa fastfood no'ng kumakain kami 'no?!" Sabi ni Cassandra na tila may pinaglalaban.


"Yung pinahiran kami ng cake sa mukha!"


"Pinausakan ng tambutso!"


"At binuhusan ng tubig gamit ang hose!"



Nagkatinginan naman kaming tatlo. "Tss, bakit? Kami lang ba 'yong mga taong kagalit n'yo rito sa mundo? Hindi ba't hindi lang naman nangyari sa inyo 'yan ng isang beses? Mga bruha!" Sigaw naman ni Ayesha ng mataray.



"Anong sinabi mo?!" Sigaw naman ni Sofia na nakaambang manunugod.



Nagkatinginan naman kaming tatlo sabay sabing—"Mga impakta kayo!!!"


"Umalis na nga kayo rito kung ayaw n'yong ilampaso namin kayo!" Sabi ko ulit.



"Tss, wala naman kaya kayong binatbat sa amin." Nagmamagaling na sabi ni Aira.



"Ilabas n'yo si Shimi! Dahil sa kanya kaya umiiyak ngayon si Claire!" —Samantha.




Hindi pala alam ng mga impakta na wala na rito sa bansa si Shimi "Hoy! Excuse me lang ha? Kasalanan ba ni Shimi na magustuhan siya ni Prince Dazu at hindi na si Claire? Eh, kung tutuusin nga si Claire pa nga 'yong may kasalanan hanggang ngayon kay Shimi e." Inirapan ko naman sila.



"Nakakainis na sila!" Naasar na sigaw ni Cassandra.



"Ah, talagang ginagalit n'yo kami at ayaw n'yong umalis dito?"



Sinugod na namin sila at dahil apat sila at tatlo lang kami, dalawa na 'yong sinabunutan ko at pinagtutulungan namin sila. "Aaah, araay ko!" Daing ni Aira.



Sabunot dito, sabunot do'n, pasan dito, hila do'n. Nagkakatulakan din kami at napagulong-gulong na sa sahig. "Mga feeling n'yo kasi magaganda kayo e 'no!" Pinalipit ko 'yong buhok ni Samantha sa leeg niya at nang matapos 'yon pinunit punit ko naman 'yong damit ni Aira.



Nakita ko namang sinampal ni Ayesha si Sofia at hinihila niya ang buhok nito. "Araay!" Daing nito. Samantala si Jamaica pinapalipit niya naman ang braso ni Cassandra sabay sabunot at hawak sa buhok nito sabay hila at pinadapa pa niya sa lupa at nginudgod do'n.



Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon